Korina Sanchez, hindi humihingi ng pera kay Mar Roxas; niligawan noon ng sikat na telenovela actor

by PEP Troika
Aug 11, 2020
Na-reveal ni Korina Sanchez sa Instagram Live na siya ang nag-offer ng prenup agreement kay Mar Roxas para malinis ang usaping pera sa kanilang mag-asawa.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Maraming revelations, partikular na tungkol sa love life, ang premyadong broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa Instagram Live interview sa kanya nitong Agosto 10, Lunes.

Isang nakakatuwa, relaxed, at open na open na Korina ang nakausap ng writer-influencer na si G3 San Diego sa naturang panayam.

Sabi ni Korina, “I do not believe in documents. Love cannot be required. It is voluntary. Love cannot be demanded.”

Kaya yung sa kanila ni Mar Roxas—na crush na niya dati pa—ay na-confirm sa isang coverage-date nila sa New York.

At ayun, “It is what it is,” sabi ni Koring.

Happiness is key. Dapat daw masaya ka.

Korina always loved kids. Noong nasa school pa lang siya, siya raw ang most likely to have the most number of kids. Kasi, gusto at love niya talaga ang mga bata.

At dito rin na-reveal ni Korina na kung gugustuhin niya, pwede pang madagdagan ang anak niya dahil may apat (4) pa siyang embryo na naka-freeze lang. Pwede raw siyang mag-donate kung sakali.

Continue reading below ↓

Ibinunyag din ni Korina na financially independent siya.

Ang sabi ng kilalang TV personality, “Hindi ako humihingi ng pera sa asawa ko.”

Ang payo niya, “You should have your own money. Buy your own poison. Fund your own lifestyle.”

Na-reveal din ni Korina sa pag-uusap na siya ang nag-offer ng prenup agreement kay Mar para malinis ang usaping pera.

Bago nagtapos ang pag-uusap, nabanggit ni Korina na nanligaw sa kanya at nag-date sila ni Fernando Carrillo, ang Venezuelan actor na ka-partner ni Thalia sa telenobelang Rosalinda (1999).

Continue reading below ↓

“We dated pero walang nangyari. Not even a kiss. Nothing. Natakot ako.

“Fernando is such a darling but you have to be ready for him. Super gwapo, super sweet, pero I really ran away from him. And he remembers that,” pagdidiin ni Korina.

Bitin ang IG live, kasi tumakas lang si Korina sa party/gathering sa bahay niya.

Sana, magka-venue siya para sa mas marami pang ganitong no-holds-barred na talk.

JERRY OLEA

Korina turns 56 in October.

Ang mister niyang si Mar Roxas ay 63-anyos noong Mayo.

Ang kambal nilang sina Pepe at Pilar ay magdadalawang taong gulang pa lamang sa Pebrero 2021.

Kung nais ni Korina na magkaroon ng mga nakababatang kapatid ang kanyang kambal, huwag na sanang hintaying maging senior citizen siya.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kayang-kaya naman ng mag-asawang Mar at Korina ng marami pang baby dahil sa estado nila.

Pero sa panahon ngayon, natatakot na ang ibang magulang na magdagdag pa ng anak.

Kahit si Joel Cruz, na kaya pang pumunta sa Russia para magdagdag ng baby, ay nagdesisyong tigil na muna dahil mas mabuti raw tumutok na lang ngayon sa kanyang mga anak.

Ang mag-partner na Paolo Contis at LJ Reyes ay pinag-iisipang sapat na sina Aki at Summer sa inaalagaan nila.

Eto nga ang tanong ng ilang magulang: Ano ang magiging kinabukasan ng kanilang mga maliliit na anak ngayong wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang pandemyang ito?

Dagdag pa ang pangamba mo kung ganito pa rin ang ilang nanunungkulan sa ating gobyerno.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-reveal ni Korina Sanchez sa Instagram Live na siya ang nag-offer ng prenup agreement kay Mar Roxas para malinis ang usaping pera sa kanilang mag-asawa.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results