Mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, iniwasan ang physical contact sa taping ng Magpakailanman

by PEP Troika
Aug 11, 2020
Mag-asawang Shamaine at Nonie Buencamino, sumunod sa safety protocols at iniwasan ang physical contact sa set ng Magpakailanman: "Kailangan magmukhang normal, so kailangan maging creative sa mga eksena."
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram / MPK Facebook

JERRY OLEA

Kaabang-abang ang bagong episode ng Magpakailanman sa Agosto 15, Sabado ng 8 p.m., sa GMA-7.

Ang titulo ay "WALANG IWANAN: The Layug Family Story" starring Nonie Anthony Buencamino, Shamaine Buencamino, and Rita Daniela. Si Zig Dulay ang director.

Ayon sa MPK headwriter na si Senedy Que, ito ay "special Covid-19 presentation and tribute to our frontliners here and abroad! A salute to the resilience and bravery of a Filipino family of nurses." Pinost iyan ni Senedy nitong Agosto 10, Lunes, bago maghatinggabi.

Kuwento pa ni Senedy, na three years nang resident writer ng Magpakailanman, “I’m proud of this new episode—pinaghirapan dahil sa new protocols. This was 4 months in the making.

"Sa US kasi based ang family. Nurse ang mom at lahat ng 4 daughters niya ay nurses din sa California, New York and New Jersey. With the father, six sila sa family and halos lahat sila, nagka-Covid.

Continue reading below ↓

"From convincing them to share their story with us to the casting, napakahirap. Kasi, kailangang maging intimate sa ilang scenes, kaya mag asawa ang ideal, at sina Nonie and Shamaine ang dream cast namin sa leads.

"Buti, pumuwede ang skeds nila. Nag-14-day quarantine ang buong cast and crew. Nagpa-rapid test a day before shoot. Sina Nonie, mino-monitor ng production every day at pinapa-temperature check sila lalo na noong papalapit na ang taping."

After ng zoom production meetings, meron ding zoom script reading ang cast and director.

Dagdag ni Senedy, "Pagdating sa set, wala nang tanung-tanong sa characterization—sa emotions at atake ng bawat eksena. Everything had to be finished in one day.

"Super-cooperative sina Nonie at Shamaine, at napakahusay nila rito (and as always naman!) despite the production limitations."

GORGY RULA

Itong "WALANG IWANAN: The Layug Family Story" episode ng Magpakailanman ang pangalawang episode na na-tape nila sa new normal.

Nauna rito ang kontrobersiyal na "DJ Loonyo: Dance King ng Quarantine" aired three weeks ago.

Strictly observed ang safety protocols ng Magpakailanman. Dahil maingat sila sa ipinatutupad na physical distancing, ang mag-asawang Nonie Buencamino at Shamaine Centenera-Buencamino ang pinaganap bilang Mr. and Mrs. Layug.

Kuwento ni Nonie sa taping ng Magpakailanman, "Mahirap palang mag-concentrate as an actor kapag ganitong kailangang sumusunod ka sa safety protocols habang umaarte ka.

"Sa kuwento, meron kaming yakapan, hawakan.
Pero dahil kailangang maging maingat at iwasang mahawa, hindi kami puwedeng magka-physical contact.

"Kailangan magmukhang normal, so kailangan maging creative sa mga eksena.”

Inspiring itong kuwento ng Layug family, lalo na ngayong mabigat ang pinagdadaanan ng ating medical frontliners na nakikipaglaban pa rin sa mabagsik na COVID-19.

"Nakaramdam ako ng pagmamahal para sa pamilyang ito na puro frontliners," saad ni Nonie. "Lahat sila, isinugal ang buhay nila para para sa kanilang kapwa. Para sa kapakanan ng mga pasyente nila, pinipigilan nilang maging emosyonal sa harap ng iba.

"Pero tao pa rin sila, na natatakot at nagkakasakit. Kahit professional na sila, ang COVID ang nagdala pa rin sa kanila ng walang kasiguraduhan.

Continue reading below ↓

"Pero lumaban sila. Hindi sila nagkawatak-watak. Sinusuportahan nila ang isa’t isa, at isinantabi ang pride."

Itong episode na ito ng Magpakailanman ay espesyal din dahil nagdiwang ng 65th birthday ang host na si Mel Tiangco nitong August 10.

Ang tanging birthday wish ni Mel ay matapos na itong COVID-19 pandemic sa buong mundo.

NOEL FERRER:

With TV5 being aggressive about creating new content for its entertainment shows, we foresee GMA-7 being more proactive in the next few weeks.

Rather than resting on their laurels and relying on replays, this new and timely Magpakailanman episode is a good start to beef up their lineup of entertainment programs.

As for TV5, sa August 15, Sabado ng gabi, ilu-launch ang mga bagong programa nilang Fill in the Bank, Bawal na Game Show, Bangon Talentadong Pinoy, at Usapang Real Life.

The more new content, the better for viewers, and the better para sa ating industry workers na merong pagkakakitaan kahit may krisis.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Shamaine at Nonie Buencamino, sumunod sa safety protocols at iniwasan ang physical contact sa set ng Magpakailanman: "Kailangan magmukhang normal, so kailangan maging creative sa mga eksena."
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram / MPK Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results