John Regala, naiyak sa virtual reunion nila ng nawalay na anak na tiga-U.S.

by PEP Troika
Aug 11, 2020
John Regala, matamis ang ngiti habang ka-video-call ang matagal nang nawalay na anak na tiga-U.S. Kuha ang litrato sa kaliwa noong Lunes, August 10. Kuha ang litrato sa kanan nang sumailalim sa tests si John noong August 4.
PHOTO/S: Aster Amoyo Facebook / @officialnadiam Instagram

GORGY RULA

Nakausap na ni John Regala ang anak na si John Paul Kieffer na nasa Arizona, USA.

Si John Paul ang nag-iisang anak ni John sa una niyang asawang si Aurina Alvarez Manansala-Hunt.

Iyon daw ang inaasam ni John bago siya na-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Natuloy ito sa tulong ng dating asawang si Aurina at pati ng showbiz journalist at talent manager na si Aster Amoyo.

"Umiyak si John but he’s very happy. God is amazing," saad ni Manay Aster hinggil sa virtual reunion ng mag-amang John at John Paul.

Sabi ni Tita Aster, walang koneksiyon si John sa kanyang anak, dahil two years old pa lang ang bata nang dinala siya ng ina sa Amerika.

Si John Paul ay itinuring na anak ng napangasawa ni Aurina na si Stephen Hunt.

Nakausap ni Tita Aster si John nitong Lunes ng hapon, August 10, pagkatapos ng virtual reunion ng mag-amang John at John Paul.

Continue reading below ↓

"Tuwang-tuwa si John," kuwento ni Tita Aster nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Lunes, August 10 ng gabi.

"Nakikita mo talagang napaka-genuine yung ano nila. Ito na kasi ang matagal nang inaasam ni John. Hindi mo ma-explain siguro ang naramdaman ni John sa sobrang tuwa."

Malaking bagay yun kay John para lalo siyang gumaling. Ang laki na raw ng improvement ng kalusugan ng aktor.

At kapag okay na okay na si John, baka pwede na siyang i-discharge mula sa ospital isa sa mga araw na ito.

Nagulat din ang mga taong umaalalay kay John dahil noong huling check-up sa liver ng aktor, normal na raw ito.

Kaya pauit-ulit daw silang nagpapasalamat sa lahat na nagpadala ng financial help—mula sa mga katrabaho, mga kaibigan sa showbiz at pulitika, sa Iglesia ni Cristo, at lalo na raw sa mga taong hindi raw nila kilala.

Tuluy-tuloy kasi ang pasok ng donasyon sa online fundraising na binuo raw ni Chuckie Dreyfus.

Continue reading below ↓

Patuloy na lahad ni Tita Aster, "Nakakatuwa, kasi ang daming dumadating na donasyon galing sa hindi naman namin kilala. Merong nagbigay ng 60 pesos, 100 pesos galing sa hindi namin kilala.

"It’s not the amount, e, kundi yung gusto nilang tumulong.

"Masaya si John, e. Sinabi namin ito sa kanya, bago namin sinimulan ang fund-aising, e.

"Sinabi namin sa kanya na huwag nang mag-worry sa gastos dahil gagawan namin ng paraan ito."

Masasabing kaya raw bayaran ang hospital bill ni John mula sa nalikom nilang donasyon.

"Ito yung mga tulong na nalikom sa fundraising, ha?" pakli ni Tita Aster. "Iyung mga tulong na direktang ipinadala kay John, hindi pa namin ginalaw yun, e.

"Sabi ko nga, sa panahon ngayon ng pandemya na napaka-uncertain ng lahat... nakakatuwa na ang dami talagang… buhos talaga ang tulong kay John."

Kaya baka itutuloy na ng grupo nila—kasama sina Nadia Montenegro at Liza Diño— ang pagbuo ng isang charity organization para sa iba pang taga-showbiz na nangangailangan ng tulong pampinansyal kapag magkasakit sila.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Si John ay binibigyan ng gamot para sa kanyang liver cirhhosis o pagpepeklat ng kanyang liver.

Mayroon din siyang gout o uri ng rayuma na nagdudulot ng matinding sakit sa mga kasu-kasuan dahil sa mataas na uric acid sa dugo.

Pinost nina Chuckie at Manay Aster sa Facebook ang update sa kalagayan ni John, ayon sa resident doctor nito sa National Kidney and Transplant Institute, as of August 9, Sunday.

"John is being given continuous medication for his Liver Cirrhosis. The test results from John's arthrocentesis has finally come out. Based on the tests doctors have made on the aspirated fluid from his knee, they have ruled out infection on his joints.

"Since there is no infection, John is now receiving anti-inflammatory steroids to address the excruciating pain he is feeling caused by gout. John still faces a very long road to recovery and because of that we are asking for your continuous prayers and support.

Continue reading below ↓

"Please know that John truly appreciates your words of encouragement, donations, and love..."

Dagdag na kuwento ni Manay Aster sa Facebook nitong Agosto 10, Lunes, "Although he can’t stand and walk by himself yet, nakakaupo na siya at nakakain kahit pakonti-konti ng solid food.

"In a couple of days ay inaasahan na namin siyang up and about at puwede nang umuwi."

NOEL FERRER

Maganda itong effort ng mga artistang nagtutulungan at nagdadamayan.

Sana nga, tuluy-tuloy na ang paggaling ni John Regala.

At sana, matuloy na rin ang pag-i-institutionalize nila ng tulong sa mga nangangailangang artista, lalo na ngayong hard hit pa rin ang larangan ng entertainment.

JERRY OLEA

Ang Facebook update ni Manay Aster nitong Tuesday, 9:00 P.M., “If we are to be followed, we wanted actor John Regala to stay in the hospital for a few more days but he insisted in checking out tomorrow and we have no choice but to give in to his request to go home.

Continue reading below ↓

“We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much. “Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations.”


HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Regala, matamis ang ngiti habang ka-video-call ang matagal nang nawalay na anak na tiga-U.S. Kuha ang litrato sa kaliwa noong Lunes, August 10. Kuha ang litrato sa kanan nang sumailalim sa tests si John noong August 4.
PHOTO/S: Aster Amoyo Facebook / @officialnadiam Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results