Bangon Talentadong Pinoy ng TV5, bagong makakatapat ng Magpakailanman ng GMA-7

by PEP Troika
Aug 12, 2020
Simula sa August 15, Sabado, may bagong makakatapat ang drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman. Ito ay ang pagbabalik ng talent show ng TV5 na Bangon Talentadong Pinoy.

JERRY OLEA

Kontrobersiyal ang bagong episode ng Magpakailanman na “Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story” na ipinalabas noong Hulyo 18.

May mga pumuna na bakit istorya ni DJ Loonyo ang itinampok sa dinami-rami ng inspirational stories kaugnay sa COVID-19 pandemic.


DJ Loonyo (left) and Jak Roberto

Continue reading below ↓

Pero hindi maikakailang napakataas ng rating nito, lalo pa’t ang katapat nitong Maalaala Mo Kaya ay sa online na napapanood at palaging replay.

Ngayong Agosto 15, Sabado ng 8:00 P.M., isa na namang bagong episode ang handog ng Magpakailanman, ang “WALANG IWANAN: The Layug Family Story.”

Tampok dito sina Nonie Anthony Buencamino, Shamaine Buencamino, at Rita Daniela.

Idinirek ito ni Zig Dulay, mula sa panulat ni John Roque, with Senedy Que as headwriter.

Napapanahon ang istorya nito tungkol sa isang pamilyang Pilipino sa Amerika na na-infect ng COVID-19.


Continue reading below ↓

“Takot na takot ako nung una, hindi talaga ako lumabalabas ng bahay dahil sa anxiety—namatay yung kaibigan at DOP ko lagi sa TV, tapos isang kaibigang direktor din ang nawala dahil sa COVID-19,” lahad ni Direk Zig Dulay nitong Agosto 11, Martes, via Messenger.

“Iba yung dating pag ang lapit-lapit lang sa ‘yo ng panganib at kamatayan dahil sa pandemya.

“Pero pumayag pa rin akong idirek ang episode na ito dahil gusto kong maging kabahagi kumbaga sa pag-test at pag-actualize ng Magpakailanman sa guidelines.

“Iba rin kasi talaga yung binabasa mo lang yung mga itemized na protocols kaysa sa gagawin mo na talaga sa aktwal.

“At isa pa, gusto ko rin yung kuwento—kung paano hinamon ng pandemya ang isang pamilyang Pilipino na frontliners mula sa US, at ganun din kung paano sila nagkabigkis-bigkis.”

Ikinatuwa ni Direk Zig na bumalik sa mga production people ang importansiya ng pre-production.

Paliwanag ni Direk Zig, “Kailangang basahin ang script nang husto, hindi isa o dalawang beses lang.

Continue reading below ↓

"Binubusisi talaga ito para pagdating sa actual na taping, tutok ang mga tao sa mga eksenang gagawin.

“Mas mabilis, lalo na’t limitado ang kabuuang oras na gugugulin.

“Sa script reading pa lang with staff, iniisa-isa na namin kung anu-ano ang mangyayari at paano ima-mount ang mga ito.

"Anu-ano ang mga espisipikong kailangan para sa eksena at kung paano ibabangga ang mga ito sa guidelines o protocols?

“Importante yung ganung proseso dahil nagbawas din ng tao, limitado lang, kaya kailangang matukoy kung sinu-sino ang gagawa sa bagay-bagay.”

Ganoon din siyempre sa mga artista, inilatag na ang characterizations at executions sa script reading via zoom.

“Pinag-usapan na talaga yung bawat eksena, anong emosyon ang kailangan, paano ang atake dito, bakit ito gagawin ng character at ano ba talaga yung totoong nangyari,” saad ni Direk Zig.

“Ang ganda lang, kasi minsan, lalo na sa TV, taken for granted yung mga ganitong pagkakataon.

“At nakakatuwa rin na sina Ms. Shamaine, Sir Nonie, at Rita yung mga artista na talagang binubusisi yung kani-kanyang character.

Continue reading below ↓

“Challenging pagdating sa mismong taping din dahil sa blocking ng artista and even mounting your shots.

“Kailangang maging malikhain ka sa pag-stage. Importante para sa akin na may quality yung magagawa mo, pero mas importante pa rin siyempre yung kalusugan at kapakanan ng mga tao.”

Ang bagong episode na ito ng Magpakailanman ay bale birthday presentation ng host na si Mel Tiangco, na nagdiwang ng kaarawan nitong Agosto 10, Lunes.

Katapat nito ang pilot episode ng talent show na Bangon Talentadong Pinoy sa TV5.

NOEL FERRER

Kung matatandaan, ang Talentadong Pinoy (2008-2014) ang naging banner program noon ng TV5.

Bukod sa mataas na rating, ito ang nakapagpabago ng landscape ng TV programming at that time na naging priority ito kaysa sa mga teleserye.

Dahil sa Talentadong Pinoy, na isang original concept, nagsibilihan ang mga network ng franchises tulad ng Pinoy Idol, Pinoy’s Got Talent, Singing Bee, at The Voice.

Ito rin ang naging offshoot ng mga palabas tulad ng It’s Showtime, kung saan ang mga sumasali at nananalo sa grand finals sa "Magpasikat" portion ay galing sa Talentadong Pinoy.

Continue reading below ↓

Now, during this pandemic, may bagong advocacy ito—na kahit anumang pagsubok, babangon ang mga talentadong Pinoy!

Bukod sa creative na paraan para mag-spend ng quarantine, may premyo na agad ang mga mapipiling entries.

Hindi ba’t naging popular ngayon ang paglalabas ng talents sa social media? Sasaluhin at bibigyang parangal ito sa Bangon Talentadong Pinoy.

Kasama ang aking talents na sina Ryan Agoncillo as host, with Joross Gamboa as talent scout, dalawa pang J ang magdya-judge sa pilot nito sa Sabado—sina Janice de Belen at John Arcilla.


Continue reading below ↓

In fairness, lahat sila’y mga premyadong mga artista na kilala rin sa pagiging talentado.

Nasilip natin ang ibang mga sumali at sari-sari ang talents nila, at meron ding napapanahong pagpupugay sa ating mga bayaning frontliners.

Sa panahon ng krisis at walang kasiguraduhan, sa pamamagitan ng pagiging malikhain ng mga kababayan natin, tamang-tama ang pagbabalik ng Bangon Talentadong Pinoy, na dapat nating subaybayan bilang pagtataas ng husay ng Pinoy.

Masaya ito, promise!

GORGY RULA

Pawang replay episodes ang ipinalabas sa Magpakailanman noong nakaraang tatlong Sabado, pero napakataas ng rating na nakuha ng mga ito, ayon sa AGB NUTAM.

Hulyo 25 ni-replay ang episode ng "OFW Homeless in Hong Kong: The Mildred Perez Story" na pinagbidahan ni Janice de Belen.

Agosto 1 ni-replay ang episode na "Tanging Ina ng Lahat" starring Irma Adlawan, at naka-21.5% ito.

Agosto 8 ni-replay ang "Mamili Ka, Ako o ang Anak Ko" na bida sina Amy Austria, Pauline Mendoza, at Neil Ryan Sese. Naka-21.4% ito.

Continue reading below ↓

Inaasahang mas mataas pa ang makukuhang rating ng bagong episode ng Magpakailanman, na napapanahon ang kuwento.

Pero exciting ding kakaiba ang makakatapat nitong programa sa TV5.

Isa sa nakakaaliw na programa noon ng Kapatid network ang Talentadong Pinoy, lalo na pag nagtitili roon dati si Shalala.

Kakaiba na ito ngayon dahil online. Kaya dapat kakaibang talent din ang mapapanood na akma sa panahon ngayon, lalo na’t kailangang libangin nang husto ang televiewers na naka-quarantine.

Napansin ko kasi, mga bago at kakaiba ang gusto nilang mapanood. Hindi yung mga nakakahon na kuwento.

Mga bagong mukha rin ang gusto nilang panoorin. Kaya siguro nag-hit ang mga BL series na Gameboys at Hello Stranger dahil kakaibang kuwento at may mga bagong mukhang kinagiliwan ng karamihan.

Heto na nga! Isingit ko lang ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na bagong episodes na ang napapanood tuwing Linggo.

Continue reading below ↓

Ang taas ng rating nito noong nakaraang Linggo, August 9, na nakakuha ng 12.1%. Naka-9% lang kasi ito noong August 2.

Ang tingin nila, nagpataas doon ang pagpasok ni Zia Dantes na kumandong kay Dingdong habang ini-interview via Zoom ang nurse sa New York.

Ang dami raw naaliw kay Zia na ang dami na ring fans ngayon.


Continue reading below ↓

Kaya sa panahon ng pandemic, mga bagong content ang panoorin natin, at mga bagong mukha na talagang magaling.

Sana, may madiskubre riyan ang Bangon Talentadong Pinoy.

JERRY OLEA

Parami nang parami ang COVID-19 cases. Nakakatakot mag-taping.

Bakit tinanggap ni Rita Daniela ang alok ng Magpakailanman?

“Dahil hindi po lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkatrabaho sa panahong ngayon,” tugon ni Rita nitong Agosto 12, Miyerkules, via Messenger.

“Lagi naman pong maganda ang istorya na pino-produce ng MPK. Kaya tiwala po ako sa kanila.”


Continue reading below ↓

Kumusta ang pakikipagtrabaho kina Nonie Buencamino, Shamaine Centenera, at Direk Zig Dulay?

“Isa pong dream come true! Hindi po ako makapaniwala na nakatrabaho ko na po sina Mr. & Mrs. Buencamino!” sagot ni Rita, na may red heart emoji.

“Saglit lang po ang alaala ko kay Direk Zig dahil we practiced social distancing po sa set. Lagi po siyang nasa OB Van.

“Sana po ay mabigyan kami ng pagkakataong makapagtrabahong muli ni Direk Zig.”

Kumusta ang safety protocols during taping?

“Kumpleto po sa lahat ng gamit ang prod & staff ng MPK. May sari-sariling dressing room po kami and we have our own safety kit.

“Strictly practicing social distancing.

“Sobrang nakakapanibago po ang taping under the New Normal, lalong-lalo na sa oras ng trabaho. Everything should be on time.

“Kaunti lang talaga ang tao sa set.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa August 15, Sabado, may bagong makakatapat ang drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman. Ito ay ang pagbabalik ng talent show ng TV5 na Bangon Talentadong Pinoy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results