Noli de Castro at Ted Failon, lilipat ng DZRH?; mga artista, nagri-rigodon ng TV network

by PEP Troika
Aug 12, 2020
Noli de Castro at Ted Failon, susunod kina Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH? Sinu-sino namang mga artista ng ABS-CBN, GMA-7, at TV5 ang nakakaikot ng TV network sa ngayon?
PHOTO/S: TV Patrol / Jerome Ascano for PEP / GMA logo / TV5 logo

JERRY OLEA

Exciting ang darating na weekend para sa televiewers ng Kapatid Network.

Sa Agosto 15, Sabado night, ay magpapakitang-gilas na ang mga bagong programa ng TV5.

Katatawanan at limpak-limpak na cashing-cashing ang handog ng back-to-back game shows mula 6:00-8:00 p.m. ng Sabado.

Explosion ng premyo at saya! Aabot hanggang PHP150,000 ang maaaring mapanalunan ng contestants sa bawat episode ng Fill in the Bank.

Iho-host ito nina Jose Manalo bilang Chief Echoserong Officer (CEO) "Manedyer Jose" at Pokwang bilang Chismosang Falakang Officer (CFO) "Madam Poke."

Matapos ang pilot episode sa Sabado, mapapanood ang Fill In The Bank tuwing M-W-F (Monday, Wednesday, Friday) ng 7:30 p.m.

Iikot ang Bawal Na Game Show sa mga bagay-bagay na bawal gawin ng contestant—halimbawa’y bawal tumawa o bawal gumalaw—upang manalo sa show. Iho-host ito ng kunwa'y kambal na sina Wally Bayola bilang "Bebe Gurl" at Paolo Ballesteros bilang "Barby Gurl."

Ang premyo ng last standing pair ay PHP100,000.

Continue reading below ↓

Matapos ang pilot episode sa Sabado, mapapanood ang Bawal Na Game Show tuwing T-Th-S (Tuesday, Thursday, and Saturday) ng 7:30 p.m.


Makakasama tuwing Sabado ng 8:00 p.m. ang umaatikabong pasiklaban sa talent show na Bangon Talentadong Pinoy with Ryan Agoncillo as host.

Tumataginting na PHP2.8M ang kabuuang cash prize na mapapanalunan ng tatanghaling grand champion.

Continue reading below ↓

Pero bago pa ang grand finals, ang contestants ay may chance magwagi ng PHP2,000 hanggang PHP250,000.

Kuwento ng TV5 Head of Content na si Direk Perci Intalan via Facebook Messenger, "PHP2,000 ang automatic na prize kung ma-feature ka sa show. Then, PHP10,000 sa apat sa pasok sa Top 5. Yung Top performer ang makukuha PHP50,000.

"Yung top performer of the week, magiging defending champion at pwede siyang manalo nang manalo hanggang umabot ng PHP250,000 ang cash prizes niya!"


Continue reading below ↓

Talent scouts sa pilot episode ng Bangon Talentadong Pinoy sina John Arcilla, Janice de Belen, at Joross Gamboa.

Pagsapit ng 9:00 p.m. ng Sabado, maghahatid ng inspirasyon si Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life.

Naka-line up na mga panauhin ni Luchi sina Karen Davila, KC Concepcion, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Ivana Alawi, Jane de Leon, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Agosto 16, Linggo, mula 7:00 to 8:00 a.m., mag-uumpisa ang fitness show ni Jessy Mendiola na Fit for Life. Ngayon higit kailan pa man ang best time to make fitness a way of life.

Sa Agosto 17, Lunes, 10:00 a.m., aarangkada na ang Chika, BESH (Basta Everyday Super Happy) nina Pokwang, Pauleen Luna-Sotto, at Ria Atayde. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 10:00 a.m.

Katuwang ng Kapatid Network ang Cignal TV sa mga bagong palabas na ito.

NOEL FERRER

Habang may ganyang balita, napag-uusapan din ang pagri-rigodon ng talents, lalo na ang mga Kapamilya na naghahanap ng bagong mapaglalabasang shows.

Continue reading below ↓

Sina Kabayan Noli de Castro at Ted Failon, pinag-uusapan ang choice nilang lumipat sa DZRH—tulad nina Anthony "Ka Tunying" Taberna at Gerry Baja na may teaser na sa kanilang social media tungkol sa paglipat doon.

Balita ring may offer kina Gerry at Ka Tunying sa Iglesia Ni Cristo-owned station na Net 25, na hindi katakataka dahil kilala silang mga kapanalig ng INC.

Si Vic de Leon-Lima ng DZMM ay matunog na lilipat sa Kapuso network.

Gaano katotoo na tinanggihan daw ng isang major network ang isang komedyante dahil hindi raw ito fit sa network, samantalang ang isang broadcaster naman ay nag-apply na raw sa TV5 News?

Esep-esep! Hindi kalaliman ang kailangang paghula dahil medyo hindi sila swak sa gusto nilang lipatang istasyon.

Pero heto ang nakuha kong reaksiyon sa ibang kasamahan ni Cathy Yang, na dating business reporter ng Market Edge at The Boss sa ANC. Medyo napailing na lang daw sila nang mag-resign agad si Cathy sa ANC at lumipat sa PLDT para maging head ng corporate communications group.

Continue reading below ↓

Habang survival nga naman ang labanan ngayon, pagka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN, nag-resign at nag-alsa balutan agad.

Oh well, kanya-kanyang trip 'yan. At anuman ang mangyari, ang bawat kilos ay magpapakita ng tunay na character ng bawat isa.

GORGY RULA

Dahil kasadong-kasado na ang mga bagong mapapanood sa TV5, may ilang producers na nagpi-pitch na rin ng mga programang gusto nilang i-produce.

Nakakatuwa dahil kahit ang hirap pa ring mag-tape ng isang programa, ginagawan ng paraan para may bagong mapanood sa ating mga telebisyon.

Kaya nga ito na rin siguro ang isa sa mga dahilan kaya kailangan na ring magsimulang mag-tape ang GMA-7.

Malapit na raw mag-live sa studio ang All-Out Sundays.

Ang Descendants of the Sun—na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Rocco Nacio, at Jasmine Curtis-Smith—na ang mauunang mag-tape nang naka-lock in.


Continue reading below ↓

At ang latest na nasagap namin, magsisimula na raw sa September ang The Clash Season 3. Inaayos lang ang mechanics kung paano nila gagawin ito na nasusunod pa rin ang safety protocols and guidelines.

JERRY OLEA

Replay pa ang mga teledrama ng GMA-7, pero dumarami ang bagong episodes sa iba nilang mga programa.

Andiyan ang 45th birthday celebration ni Carmina sa special episode ng Sarap, Di Ba? sa Sabado, August 15, 10:00 a.m.

May bagong segments ang "Bahay Edition" ng Sarap, Di Ba?, na ang direktor ay ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi.

Pagsapit ng 8:00 p.m. ng Sabado, napapanahon at makabuluhan ang bagong episode ng Magpakailanman tungkol sa isang pamilyang Pinoy sa Amerika na sinubok ng COVID-19.

"Pagbibigay-pugay rin ito sa ating mga kababayan sa buong mundo na nasa medical field," sabi ni Shamaine Centenera-Buencamino, isa sa mga bida ng inspiring episode na ito.


Continue reading below ↓

May bagong episodes ang infotainment show na iBilib sa Linggo ng 9:35 a.m. sa Kapuso Network.

Halata sa episode na ito na na-miss ng host na si Chris Tiu ang pakikipagtrabaho kina Roadfill at James o kilala sa tambalang Moymoy Palaboy. Mag-e-enjoy ang viewers lalo na ang mga bagets sa bagong science experiments, at mapapabilib sa inventions and tricks ng special guests.

Tuluy-tuloy na salubungin ang umaga with fun new segments hatid ng fresh episodes ng Mars Pa More, 8:45 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noli de Castro at Ted Failon, susunod kina Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH? Sinu-sino namang mga artista ng ABS-CBN, GMA-7, at TV5 ang nakakaikot ng TV network sa ngayon?
PHOTO/S: TV Patrol / Jerome Ascano for PEP / GMA logo / TV5 logo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results