John Regala, nakauwi na pagkatapos magpa-discharge sa ospital

by PEP Troika
Aug 13, 2020
FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra gives update on John Regala: “He is finally out of the hospital and was brought home safely. His medical care continuous within the comforts of his home esp since his pain is much more manageable."
PHOTO/S: Courtesy of Liza Dino

JERRY OLEA

Nakakangiti na muli si John Regala.

Post ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra nitong Agosto 13, Huwebes ng umaga, sa Facebook: “Just want to share this latest pic of John Regala. (Bilang ang ganda ng smile nya dito)

“He is finally out of the hospital and was brought home safely. His medical care continuous within the comforts of his home esp since his pain is much more manageable.

“The past eight days at National Kidney Institute allowed for the doctors to address his concerns and prescribe a pain management medication para mas maging comfortable sya. It's nice to see him smiling again.

“The round the clock coordination of ate Nadia, Chuckie and Tita Aster is truly admirable.”

Ang tinutukoy ni FDCP Chair Liza ay sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Manay Aster Amoyo na nag-aligaga sa pagtulong at pag-asikaso sa 55-anyos na aktor para maipagamot ito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni FDCP Chair Liza, “I'm sure kuya John appreciates the outpour of support to make sure he is taken care of.

“May caregiver na rin na naka-assign sa kanya at nangangalaga sa kanyang mga pang-araw araw na pangangailangan. Dale, thank you for looking out for him and sa pagtutok sa kanya.

“Yes, there's still hope in this world amid the pandemic kaya ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Let's appreciate the goodness in people and find our own ways to pay it forward.

“Kahit na lahat tayo ngayon, kanya-kanyang paraan para mag-survive dahil sa krisis na ito, laging may puwang para makatulong sa iba.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana tuluy-tuloy na ang paggaling ni John Regala, at labis ang ating pasasalamat sa mga taong nagmalasakit sa kanya.

Sana rin ay ma-institutionalize ang pagbibigay ng tulong sa mga kasamahan natin na nangangailangan, lalo pa’t hindi talaga priority ang ating industriya ngayon.

GORGY RULA

Inamin ni Elizabeth Oropesa na maaring tamaan si John Regala sa ipinost niya sa Facebook noong Miyerkules, August 12.

Ilang beses na rin daw kasing tinulungan ang aktor, pero bakit ganoon pa rin ang nangyayari sa kanya?

Marami pa raw hindi kilala pero mas nangangailangan at karapat-dapat tulungan.

“Isa kasi siya sa binigyan ng pagpapahalaga at tinutulungan nang husto ng maraming showbiz personalities.

“Wala namang masama dun, yung mga gustong tumulong. Kanya-kanya ‘yan, di ba?

"Pero... yung akin lang, ang dami kasi niyang sinayang na pagkakataon.

“Kumpara mo dun sa mga tao na dati na talagang mahirap pero masipag, wala lang suwerte dahil hindi kilala. Hindi natutulungan, naghihikahos...

Continue reading below ↓

“Hindi ko pinupulaan or I have nothing against people who are helping him. It’s just that… personally speaking, ang opinyon ko pong personal, may set of priorities ako.

“Kung ako ang may pera... magso-solicit ako doon sa talagang may pagpapahalaga sa buhay,” pahayag ni Elizabeth nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, August 12 ng gabi.

Marami raw ang mga taga-movie industry na bit players, production staff, at iba pang umaasa lang sa kinikita nila kapag may shooting o taping.

Ang iba raw ay nagkakasakit na pero walang mahuhugutang panggamot at wala ring tumutulong sa kanila.

“Kung ito, may pangalan, siguradong maraming tutulong, e,” pakli ng veteran actress.

“Si John naman, ewan ko kung anong nangyari na napariwara ang kanyang buhay. Matagal na matagal na panahon na rin naman ‘yang dinaranas niya.

“Palagi rin naman siyang tinulungan para maka-bounce back. Palagi rin namang nauuwi sa wala, kaya nagkakaganyan siya ngayon.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra gives update on John Regala: “He is finally out of the hospital and was brought home safely. His medical care continuous within the comforts of his home esp since his pain is much more manageable."
PHOTO/S: Courtesy of Liza Dino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results