Prima Donnas, magbabalik na sa GMA-7; Ang Sa Iyo Ay Sa Akin, magpi-premiere sa Kapamilya Channel

by PEP Troika
Aug 13, 2020
Simula sa Lunes, August 17, ipalalabas ang recap ng Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas, kung saan isa sa mga bida si Aiko Melendez (kaliwa); magpi-premiere naman sa araw na iyo ang primetime series na Ang Sa Iyo Ay Akin, starring Jodi Sta. Maria and Iza Calzado (kanan), sa Kapamilya Channel.
PHOTO/S: Instagram / Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Magwawakas na ang K-drama adaptation ng GMA Network na Stairway to Heaven bukas, Agosto 14, Biyernes ng 3:25 P.M.

Nalaman na ni Cholo (Dingdong Dantes) na nakikipaglaban si Jodi (Rhian Ramos) sa cancer.


Ang papalit sa Stairway to Heaven simula Agosto 17, Lunes, ay ang recap ng Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Inurirat ko si Aiko Melendez kung magbabalik-taping na silang mga artista ng Prima Donnas, lalo pa’t handang-handa na ang kaseksihan niya?!

“Hindi pa. September pa ang taping namin,” tugon ni Aiko nitong Agosto 13, Huwebes ng hapon, via Messenger.

Na-miss na ba niya ang umarte, o busy pa siya sa vlogs and other online stuff? Mas nanaisin ba niyang manatili sa bahay para ligtas sa COVID-19?

“Na-miss ko na mag-taping actually. Pero may praning feeling on the side, but i have faith naman before we start,” pag-amin ng premyadong aktres.

“GMA will make sure of our safety. For now, what keeps me busy is my vlogs lang para may magawa also and just to let my followers see the other side of me.

“I have to work, kasi my bills are piling up! Kaya dasal talaga ang katapat ng lahat ng worries ko now!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa Kapamilya Channel naman, ang Tagalized Koreanovela na The World Of A Married Couple ang magtatapos sa Biyernes, August 14.

Papalitan ito ng Ang Sa Iyo Ay Akin, na kasunod ng airing ng “FPJ’s Ang Probinsyano.

Masigasig ang mga Kapamilya sa pagte-taping kahit walang prangkisa.

Ang Ang Sa Iyo Ay Akin ang unang teleserye na ipe-premiere nila via Kapamilya Channel, in full digital, at ike-carry rin ng kanilang cable channel, pati na ng TFC.


Continue reading below ↓

New content ang labanan kahit saan mang platform. Malamang, maiiba na talaga ang viewing habits ng mga tao.

Kasi, mapapanood mo na ang gusto mong panoorin at any given time.

Pagandahan na lang talaga ang labanan, at kung ano ang kakapitan ng interes ng mga tao.

Sabi nga ng direktor ng Ang Sa Iyo Ay Akin na si FM Reyes, “This is not only about us, this is for the others who are holding on to their jobs and livelihood at this time of a pandemic.”

Ironic talaga na ngayon pa pinatigil ang ABS-CBN.

GORGY RULA

Kasali rin si Benjie Paras sa Prima Donnas, at medyo inip na rin siya kung kailan sila magbabalik-taping.

Bukod sa Prima Donnas, kasama rin si Benjie sa Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla, at Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Pero wala pa siyang inaasahang masimulan bago matapos ang taon.

Kung ang vlog ang pinagkaabalahan ni Aiko Melendez habang hinihintay ang pagsisimula ng taping, sa pamilya naman daw naka-focus si Benjie.

Continue reading below ↓

Hinihintay na lang ni Benjie ang pasabi kung kailan magbabalik-taping dahil kung sabay-sabay niya gagawin ang mga ito, matagal-tagal siyang mapapalayo sa pamilya dahil sa mga lockdown rules ng production.

JERRY OLEA

Excited syempre ang young actors na sina Will Ashley at Vince Crisostomo sa recap ng Prima Donnas simula Lunes ng hapon.

“Mapapasaya na naman namin ang mga tao na laging tumututok sa amin. Mas madami silang dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng serye,” sabi ni Vince, na gumaganap bilang Cedric, ang love interest ng karakter ni Jillian Ward.

Dagdag ni Will, na gumaganap bilang Nolan, “Excited ako dahil makakapagpasaya na ulit ang cast ng show sa mga manonood na naghintay sa aming pagbabalik.”


Continue reading below ↓

Will Ashley (left) and Vince Crisostomo

Siyanga pala, magtatapos naman ang rerun ng My Husband’s Lover (2013) sa Agosto 16, Linggo ng 11:15 P.M. sa GMA 7.

Mananaig kaya ang pagpapatawad, pagtanggap, at wagas na pag-ibig kina Vincent (Tom Rodriguez), Lally (Carla Abellana) at Eric (Dennis Trillo)?

At presstime ay hindi pa namin batid kung ano ang papalit sa My Husband’s Lover.

Why not The Rich Man’s Daughter (2015) starring Rhian Ramos and Glaiza de Castro?

Samantala, naghahanda na si Dingdong Dantes at co-stars magbalik-taping para sa Descendants of the Sun.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong, “Kailangan yung preparedness namin, kung dati level 100, dapat 1000 siguro ngayon.

"Kasi, we're not after time but also our safety and the safety of others as well."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa Lunes, August 17, ipalalabas ang recap ng Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas, kung saan isa sa mga bida si Aiko Melendez (kaliwa); magpi-premiere naman sa araw na iyo ang primetime series na Ang Sa Iyo Ay Akin, starring Jodi Sta. Maria and Iza Calzado (kanan), sa Kapamilya Channel.
PHOTO/S: Instagram / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results