Ethel Booba, kinuyog ng netizens dahil sa "lubid" tweet

by PEP Troika
Aug 14, 2020
May sagot si Ethel Booba sa mga hindi nagustuhan ang kanyang tweet na "KUNG STRESS KAYO. May tinda akong LUBID MURA LANG."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Kinondena ng netizens si Ethel Booba dahil sa “lubid” tweet nitong Agosto 13, Huwebes ng gabi.

Tweet ng comedienne, “Goodnyt na uli mga teh sana naging happy ang araw nyo sa mga EWAN. KUNG STRESS KAYO. May tinda akong LUBID MURA LANG. HAPPY?”

Pakiwari ng netizens ay nagpapahiwatig ng suicide ang “joke” ni Ethel.

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Ethel kapagkuwan, “My tweet is intended only to basher na walang mukha kung tinamaan para sau talaga to. Happy?”

Bago ang “lubid” tweet ay may mga political hanash ang comedienne.

Hirit pa ni Ethel sa Twitter, “Ay wait lang yung bibili ng lubid bahala kayo kung saan nyo gagamitin ha. Pede yan duyan

“Para ma relaks naman kayo. Tanggal stress nyo. Happy?

“O eto pa isa report nyo dali may tinda rin ako blade mag ahit ka. Happy?

“Asan na bat nakaka tweet pa ko asan na yung pinaglalaban nyo tagal naman report nyo dali. Nakaka antok naman kayo nag benta lang ako ng tali iyak na kayo ng iyak tsaka pano ko ba ireport account ko tulungan ko pa kayo. Happy?

Tsaka anong delete ang tweet. Dyan lang yan para sa mga. Malakas mang bash at makita ang kamalian ng iba pero sarili nila di nakikita salasalamin din mga bakla. My tweet is purely intended only to basher or troll na walang magawa sa buhay kaya kung tinamaan ka. Ikaw yun.”

Continue reading below ↓

So far, mahigit 7K na ang followers ni Ethel sa Twitter account na nag-umpisa nitong Abril 2020, kung saan may paandar siya sa account na, “REAL is rare... Fake is everywhere.”

Iyong Twitter account na Charot! (nag-umpisa noong Enero 2012, inakalang Twitter account ni Ethel) ni Charotism ay may 1.5M followers.

Deskripsyon sa Charot! account, “Started as PARODY account until Ethel Booba claimed it as hers on National TV.”

Tweet ni Charotism, “Huwag nyo na akong tawaging Fake Ethel Booba, sya na lang tawagin nyong Fake Charotism. Charot!”

NOEL FERRER

Pagkatapos mabunyag na may ibang taong nangangasiwa sa account ni Ethel Booba, wala nang update kung nabigyan ng kaukulang kabayaran sa efforts nito samantalang kumabig ang account ng maraming projects.

Parang sa pinagdadaanan natin ngayon bilang bansa, ayokong mag-overread, pero sana, may sensitivity ang reference sa LUBID... gayong ang issue ngayon ay survival, health, economics, at pati na mental health.

Continue reading below ↓

Nagpapaka-relevant ba si Ethel Booba? Gaano ito ka-consistent sa buhay niya?

Medyo mahihirapan akong makumbinsi niya knowing the issue na pinagdaanan niya.

GORGY RULA

Sabi ni Ethel Booba, para raw sa mga bashers ang tweet na yun. Bakit kailangan pa nating patulan?

Sa panahon ngayon, mas nakakagaan ng bigat ng pakiramdam ang magbasa ng inspiring at positibong opinyon na ipinu-post sa social media.

Mas nae-enjoy ko na ang TikTok, na bukod sa mga nakakaaliw na dance steps ng mga artista at mga cute na TikTokers, may mga patawa pa ni Aling Nena (Rico Bautista), Miss Everything, at marami pa.

Marami ring mga educational posts, health tips, inspiring quotes, at prayers mula sa religious TikTokers.

Subukan ninyong i-enjoy ang TikTok bago nila pag-usapan ang pakikipag-merge sa Twitter.

Dapat yata, mamili na tayo ng mga babasahing social media influencer… yung hindi nakaka-nega sa pang-araw-araw nating buhay.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May sagot si Ethel Booba sa mga hindi nagustuhan ang kanyang tweet na "KUNG STRESS KAYO. May tinda akong LUBID MURA LANG."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results