Crash Landing On You parody nina Alex Gonzaga at Mikee Morada, patok sa YouTube

by PEP Troika
Aug 14, 2020
Tampok ang engaged couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa parody ng hit Koreanovela na Crash Landing On You. Pinamagatang "Crush Lande On You," mapapanood ito sa YouTube.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Mabuhay ang mga JEJENG MALALANDE!

No. 1 trending sa YouTube Philippines nitong Agosto 14, Biyernes ng umaga, ang “Crush Lande On You” sa channel na Alex Gonzaga Official.

Tampok sa halos 15-minute parody sina Mikee Morada bilang Captain Re, at ang fiancee niyang si Alex Gonzaga bilang Sam Suka.

Naka-5.7M views na ito mula nang i-upload noong Agosto 7.

Ang “Crush Lande On You” ay isinulat at idinirek ni Fifth Solomon, konsepto at jeje subtitles ni Alex Gonzaga, na siya ring producer para sa Jejflix.

Si Fifth din ang writer-director ng MMFF 2020 official entry na The Exorcism of My Siszums (working title), na pagbibidahan ng mag-ateng Alex at Toni Gonzaga.

Sa “Crush Lande On You,” napadpad si Sam Suka sa North Taytay.

Nag-stay si Sam sa bahay ni Captain Re, at sa ending ay tumawid sa “mapanganib” na boarder pauwi sa South Tatay.

Inspired ang "Crush Lande On You" sa hit Korean drama series na Crash Landing On You, na pinagbidahan nina Hyun Bin bilang Captain Ri at Son Ye Jin bilang Yoon Se Ri.

Continue reading below ↓

Sa Agosto 20, mapapanood naman ang Netflix Original na Love The Way U Lie, kung saan katambal ni Alex si Xian Lim.

NOEL FERRER

Natuwa ako sa “Crush Lande On You” ni Alex Gonzaga at ng BFF niyang si Fifth Solomon.

Buti talaga at nasasakyan ng fiancé ni Alex na si Mikee Morada ang trip ng mapapangasawa, at cute talagang lumalabas ang kanilang video.

In fact, ang saya siguro kapag tuluyan na silang nagsama sa iisang bahay, kasi parang ang cool-cool lang at masaya lang sila.

In fairness kay Alex, hanggang "lande" lang iyan at malamang malamang—sa pagkakakilala ko sa kanya, ha—maglalakad iyan sa altar na isang proud Virgin Bride.

Iyan ang turo sa kanila ni Mommy Pinty!!! In all fairness!!!

GORGY RULA

Kinabog ng “Crush Lande On You” ang naunang “Pamamanhikan” vlog sa dami ng views, huh?!

Naka-5.5M ang “Pamamanhikan” vlog na in-upload noong Agosto 1, kasabay sa third anniversary ng YouTube channel ni Alex.

Continue reading below ↓

Chika pa ni Alex kaugnay sa “Crash Lande On You” parody, “3 months in the making para mapapayag namin ni uncle si Mikee!!!!! “Thank you for you all your comments and and likes!!!

Mabuhay ang mga malalanding jeje!!! Malandi lang dapat sa mga single!”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ang engaged couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa parody ng hit Koreanovela na Crash Landing On You. Pinamagatang "Crush Lande On You," mapapanood ito sa YouTube.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results