"Hate" ni Michael Pacquiao, mas marami nang views sa "Bawal Lumabas" ni Kim Chiu sa isang YouTube channel

by PEP Troika
Aug 15, 2020
Kung noong May 2020 ay ang "Bawal Lumabas" ni Kim Chiu (kanan) ang naging hot topic, ngayong August 2020 naman ay live performance ni Michael Pacquiao (kaliwa) ang usap-usapan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Kinabog na ng "Hate" ni Michael Pacquiao ang "Bawal Lumabas" ni Kim Chiu sa paramihan ng views sa YouTube channel ng Wish 107.5.

As of August 15, Saturday, umabot na sa 9.2M views (and counting!) ang kantang "Hate" na in-upload noong Agosto 5 sa Wish 107.5, kumpara sa "Bawal Lumabas" na naka-9.1M views mula nang in-upload noong Hunyo 5 sa nasabing YT channel.


Continue reading below ↓

Nauna ng dalawang buwan ang "Bawal Lumabas" sa Wish 107.5, pero nilampasan na ng "Hate" ang views nito.

Mas marami ring thumbs up o likes ang "Hate" kesa sa "Bawal Lumabas" sa Wish 107.5—477K likes ang "Hate"; 256K likes ang "Bawal Lumabas."

Pero mahihirapan ang "Hate" na talbugan ang dislikes ng "Bawal Lumabas" sa nasabing channel.

So far, naka-684K thumbs down o dislikes na roon ang "Bawal Lumabas," kumpara sa "Hate" na 9.9K pa lang ang thumbs down.

Of course, mas marami pa rin ang nakapanood o nakarinig sa "Bawal Lumabas" kesa sa "Hate."

Iyong lyric video ng "Bawal Lumabas" ay naka-5.37M views na sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music mula nang in-upload noong Mayo 19.

Iyong vlog ni Kim Chiu sa kanyang eponymous channel, kung saan nag-premiere ang "Bawal Lumabas" song, ay naka-2.39M views na mula noong Mayo 18.

Andami pang fans, vloggers, influencers, haters at TikTokers na dinalirot ang "Bawal Lumabas" sa iba’t ibang socmed platforms.

Continue reading below ↓

Iyong music video ng "Hate" sa YouTube channel ni Michael Pacquiao, naka-179K pa lang mula nang i-publish noong Hulyo 14.

NOEL FERRER

Is HATE the order of the season?

Ito nga ba ang standard at kalakaran ng bagong panahon? At paano pa ba magiging iconic ito? Magkakaroon din ba ng merchandise ito, pagkatapos ay magkaka-kontes based on this?

Why is there so much HATE sa ating existence ngayon?

Pasok, Michael Pacquiao!!!

JERRY OLEA

Ang may pinakamaraming views sa Wish 107.5 sa panahon ng community quarantine (March 15 up to the present) ay ang "Halik," na collaboration nina Gloc-9 at Flow-G.

Naka-28.13M views na ang "Halik" mula nang in-upload noong Marso 27.

Lalampasan kaya ng "Hate" ang dami ng views ng "Halik"?

Ang iba pang music videos na mahigit 1M views sa Wish 107.5 sa panahon ng lockdown ay ang mga sumusunod:

"Aking Hiling" (Flict-G and Curse One ft. Bei), 5.61M views mula noong Abril 30.

Continue reading below ↓

"Marikit" (Juan, Kyle N’ Gab), 1.42M views mula noong Hulyo 27.

"Bagay Tayo" (ALLMO$T), 1.21M views mula noong Mayo 22.

Sino (Unique), 1.17M views mula noong Abril 17.

"Nandito Na" (Kiyo), 1.12M views mula noong Hulyo 24.

"Di Na Babalik" (This Band), 1.09M views mula noong Hulyo 13.

"Masyado Pang Maaga" (Ben & Ben), 1.07M views mula noong Marso 20.

GORGY RULA

Bakit naman iko-compare ang "Hate" ni Michael Pacquiao sa "Bawal Lumabas" ni Kim Chiu?

Malamang, marami pang artists ang nag-perform sa Wish 107.5 na mas mataas pa riyan ang views at na-thumbs up nang bonggang-bongga.

Nataon lang sa pandemic at isyu ng ABS-CBN shutdown ang pagsikat ng kanta ni Kim Chiu.

Ang kay Michael Pacquiao naman, nagpakitang-gilas lang siya ng talent na ibang-iba sa ipinapakita ng pamilya Pacquiao.

Ang layo ng performance niya sa "Para Sa ‘Yo ang Laban na ‘To" ng kanyang amang senador na si Manny Pacquiao.

Continue reading below ↓

Nakitaan talaga si Michael ng galing! Kaya sana, lalo niyang i-develop ito.

Feeling ko nga, ang tuwang-tuwa riyan ay ang kanyang inang si Jinkee Pacquiao.

Sinabi ni Jinkee sa mga nakaraang interviews na, as much as possible, ayaw niyang pasukin ng kanyang mga anak ang boxing.

Abangan natin ang pandemic promising star na si Michael Pacquiao!

Bilang manager, Sir Noel, tingin mo kaya ay mas okay kung palitan niya ang pangalan niya bilang rapper?

Yung tipong MP Puncher o MP Boxer o kung ano man na swak sa kanyang personality at style ng pagra-rap.

JERRY OLEA

Ang music videos na lampas 1M views this year sa YouTube channel ng Wish 107.5 bago mag-umpisa ang community quarantine ay ang mga sumusunod:

"Pahina" (Pricetagg feat. Gloc-9 and JP Bacallan), 12.43M views mula noong Pebrero 25.

"Hindi Tayo Pwede" (The Juans), 8.25M views mula noong Enero 13.

"Sa Susunod Na Lang" (Skusta Clee feat. Yuri), 6.02M views mula noong Pebrero 18.

Continue reading below ↓

"Oks Lang" (John Roa), 5.73M views mula noong Enero 21.

"Hindi Na Nga" (This Band), 4.62M views mula noong Pebrero 5.

"P’s Song" (CLR), 3.63M views mula noong Enero 23.

"Araw-araw" (Ben & Ben), 3.54M views mula noong Enero 1.

"Di Lang Ikaw" (Juris), 2.95M viewsmula noong Enero 15.

"Nobela" (Julie Anne San Jose), 2.24M views mula noong Enero 3.

"Ivana" (Soulstice), 2.23M views mula noong Marso 6.

"Wala Ka Na" (Michael Dutchi Libranda), 2.23M views mula noong Enero 10.

"Sahod" (Lirah feat. Gloc-9), 1.53M views mula noong Marso 4.

"Mula Sa Puso" (Bugoy Drilon), 1.53M views mula noong Enero 8.

"Alam Ko" (John Roa), 1.26M views mula noong Pebrero 22.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung noong May 2020 ay ang "Bawal Lumabas" ni Kim Chiu (kanan) ang naging hot topic, ngayong August 2020 naman ay live performance ni Michael Pacquiao (kaliwa) ang usap-usapan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results