Tatlong bagong shows ng TV5, nagpaulan ng cash prizes

by PEP Troika
Aug 15, 2020
Nag-premiere ngayong Sabado ng gabi, August 15, ang tatlong bagong shows ng TV5: (clockwise) Fill In The Bank nina Jose Manalo at Pokwang, Bawal Na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, at Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.
PHOTO/S: TV5

JERRY OLEA

Bongga ang commercial load ng mga bagong programa ng TV5 nitong Agosto 15, Sabado ng gabi.

Siyempre, nanganganay pa ang mga palabas na ito, at inaasahan nating mas nakakaaliw ang mga susunod nilang payanig.

Wagi ng P54,000 ang wafu na si Ronnie Alonte sa pilot episode ng Fill in the Bank, hosted by Jose Manalo and Pokwang.


Continue reading below ↓

Siyempre, may consolation prize si Jerome Ponce.

Simula next week ay mapapanood ang Fill In The Bank tuwing Monday, Wednesday, and Friday 7:30 P.M.

Sa Bawal Na Game Show, itinanghal na Pasawais si Maika Rivera at nanalo ng P50,000.

“May pang-enrol na ako!” tuwang-tuwang bulalas ni Maika.


Si Heaven Peralejo ay naka-P15,000, samantalang si Empress Schuck ay naka-P10,000, at si Kira Balinger ay naka-P5,000.

Continue reading below ↓

Ang Bawal Na Game Show, hosted by the kikay Wally Bayola and the pretty Paolo Ballesteros, ay matutunghayan every Tuesday and Thursday 7:30 P.M., pero kung Saturday ay nasa 7:00 P.M. timeslot.

Maski itanong niyo pa sa Pambansang Poser na si Wendel Whamos!

At sa Bangon Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo, ang unang weekly champion ay si Erwin Reyes.

Tig-P10,000 ang apat pang contenders na sina Jezliah Almasco, Rodel Reforma, Tristan & Milo, at ang Palange Siblings.

Walang luhaan, dahil ang ibang kasali na kinabilangan ni Rico Bautista aka Aling Nena of “Walang ganu’n, mars!” ay pawang may P2,000 conso.

Ang ganda ng dynamics ng talent scouts na sina Janice de Belen, Joross Gamboa, at John Arcilla.

Tuwing Sabado ng 8:00 P.M. ang talent show na ito.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Napatutok talaga ako sa launch ng mga bagong programa ng TV5.

Nakakatuwang may fresh materials para sa audience sa gitna ng pandemya—at sa gitna ng kay rami-raming replays—dahil it’s a good sign that things will be better.

Bangon Talentadong Pinoy is truly back in its fighting form kahit sabihin pang quarantine edition.

Ang husay ng pagpili ng contestants. Pati ang daloy ng show, ang galing!

Aside from the real major commercial load, may major sponsor na talaga ang show.

Natuwa ako sa Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes with Karen Davila interviewing her first, and then Luchi interviewing KC Concepcion, who really opened her heart out in the program.

All in all, it was a welcome treat to new content sa free TV.

Congratulations, TV5!

May this set the tone for better content in the coming weeks! Ang saya!!!

GORGY RULA

Ang back-to-back game shows lang ang napanood ko, at mas na-enjoy ko ang Fill In The Bank nina Jose at Pokie.

Continue reading below ↓

Kahit pinaghalo-halo lang ang mga games ng Eat Bulaga, interesting pa ring panoorin.

Nakakaaliw naman ang punchlines nina Wally at Paolo.

Kapansin-pansing karamihan ng guests ay Kapamilya talents. Mukhang hindi sila kakapusin dahil maraming talents ang Kapamilya network.

Ramdam kong mahihirapang makakuha ng Kapuso talents ang TV5 dahil hindi maiwasang ito na ang makakatapat ng GMA-7, the Kapuso network.

Huwag naman sanang maulit ang network war. Ang mahalaga, mas maraming makapagtrabaho sa panahon ng pandemya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-premiere ngayong Sabado ng gabi, August 15, ang tatlong bagong shows ng TV5: (clockwise) Fill In The Bank nina Jose Manalo at Pokwang, Bawal Na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, at Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results