Ken Chan at Rita Daniela, may launching movie na

by PEP Troika
Aug 16, 2020
Pagkatapos pumatok sa telebisyon ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela, sa pelikula naman sila susunod mapapanood sa pamamagitan ng My First, Your Last na ipuprodyus ng Heaven's Best Entertainment.
PHOTO/S: Screen grab from Zoom

GORGY RULA

Mangangahas ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista na mag-produce ng pelikula habang naka-quarantine tayo.

Nakatakda na nilang simulan ang pelikulang My First, Your Last: Luis (heart emoji) Luisa.

Ito bale ang first movie ng RitKen tandem nina Rita Daniela at Ken Chan.

Isinulat ito ng taga-GMA-7 writers na sina Ma. Acy Ramos at Rish Mangubat-Lunasco, mula sa istorya ni Ferdinand Lapuz. Ididirek ito ni Louie Ignacio.


Continue reading below ↓

Dalawang beses daw binasa ni Ken ang script dahil gandang-ganda siya sa kuwento. Hindi pa raw niya nagampanan ang role ng isang magpapari na na-in love sa isang singer-entertainer, na gagampanan naman ni Rita.

Kaya todo raw ang pagpapapayat ni Rita dahil medyo seksi-seksihan siya sa pelikulang ito.

Nilinaw ni Direk Louie na susundin nila ang safety protocols at guidelines na ipinapatupad ng PMPPA, ang Philippine Motion Pictures Producers Association, kung saan miyembro ang Heaven’s Best.

Isu-shoot daw ang kabuuan ng pelikula sa Pagsanjan, Laguna, kung saan magkakatabi-tabi lang ang pagkukunan ng mga eksena.

Naka-lock in daw sila roon kaya makakauwi lamang sila pagkatapos ng shooting.

“Para kang nag-shoot sa Hollywood na isang ikot mo lang, nandoon na ang kailangan. So, hindi na kami kailangang bumaklas nang malayo, ganun.

“'Tapos, ang shooting namin, sunud-sunod na araw ‘yan, wala nang uwian,” saad ni Direk Louie sa virtual presscon nitong Agosto 16, Linggo ng hapon.

Continue reading below ↓


Hindi pa nila masabi kung isa-submit nila ang My First, Your Last sa Metro Manila Film Festival 2020 o kahit saan mang filmfest.

Sa panahong nasa pandemya pa tayo, napag-uusapan na rin daw ng produksiyon kung paano nila ito ire-release sakaling wala pa ring magbubukas na mga sinehan.

Pahayag ni Harlene, “Meron na rin kaming napagplanuhan o napag-usapan na options, para maging mas malawak ang pagpapalabasan nung pelikula.

Continue reading below ↓

“E, ngayon naman, ang dami-dami nang platforms na pwede. But of course, kumbaga, priority natin is maipalabas siya sa mga sinehan, di ba? With the hope na maging normal na.

“Kasi, we have to ano, e... hindi naman tayo pwedeng ma-stuck na, 'Hay naku, walang sinehan, walang manoood, walang ganyan.'

“Kailangang maging matapang o merong maging hopeful sa atin. So, I guess, ito na rin yung time. Masyado nang matagal sa ating industriya natin na nakatengga tayo, yung ganun.

“Siguro, kami lang, naisip lang namin na basta sundin lang natin yung protocols. I think naman, maitatawid.

“Bigyan na rin natin yung mga manonood ng pelikula na mapapanood nila, na magandang klase sa panahon ngayon, na nagawa sa panahon ngayon at maipalabas sa panahon ngayon.”

Kasama rin sa pelikulang ito sina Richard Yap at Lotlot de Leon.

Gaganap namang barkada ni Ken dito sina Kenneth Medrano, Joe Vargas ng PBB Teen Edition, Vince Rillon, at John Gabriel na gaganap bilang sina Jake, Albert, Kristian, Oliver. Si Ken naman si Luis.

Continue reading below ↓

Kaya "J.A.K.O.L. Boys" ang tawag nila sa kanilang grupo.

NOEL FERRER

Naku, excited ako rito!

Kasi, hahanapin ko ang traces ng buhay ng napakabait na si Ferdy Lapuz—na mahal na mahal ang nanay—kay Ken Chan.

At dahil galing sa pagka-LGBT ang mga naunang handog ng Heaven’s Best Entertainment na Rainbow’s Sunset at Isa Pang Bahaghari, ibang offering naman ito!

Bravo, Harlene, sa paggiit ng paggawa ng ganitong bagong content at paglikha ng trabaho sa gitna ng pandemya.

I hope you get the rewards of your noble initiative and hard work to keep our industry alive!

JERRY OLEA

May agam-agam ako sa title na My First, Your Last. Baka kasi mag-first day, last day ang movie sa takilya.

Iyong Luis (heart emoji) Luisa... parang Glen or Glenda (1953) ni Ed Wood, Victor/Victoria (1982) ni Julie Andrews, o Miguel/Michelle (1988) ni Romnick Sarmenta.

Singer sina Rita at Ken. Sana, may hit duet sila na iyon ang gagamiting title ng kanilang movie.

Continue reading below ↓

Nababagabag din ako sa J, A, K, O, L initials ng limang boys. Kapag nirambol... JOKLA.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos pumatok sa telebisyon ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela, sa pelikula naman sila susunod mapapanood sa pamamagitan ng My First, Your Last na ipuprodyus ng Heaven's Best Entertainment.
PHOTO/S: Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results