Kumusta ang ratings ng bagong shows ng TV5?

by PEP Troika
Aug 17, 2020
The hosts of TV5 from both the news and entertainment worlds. Top row, L-R: Luchi Cruz, Ryan Agoncillo, Raffy Tulfo, Jessy Mendiola. Bottom row: Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Pokwang, Ria Atayde, Pauleen Luna.

GORGY RULA

Nakakuha ang PEP Troika ng ratings ng mga programang inilunsad ng TV5 noong Sabado, August 15.

Base sa AGB NUTAM, nakakuha ng 1.3% ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang, at 1.8% naman ang Bawal na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Ang Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo ay naka-1.9%, at ang Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes ay naka-0.9%.

Samantala, sa bakuran ng GMA-7, mataas pa rin ang replay episode ng Pepito Manaloto, na naka-22.1%.

Ang "Walang Iwanan: The Layug Family Story," na bagong episode sa Magpakailanman (MPK), ay nakakuha ng 20.2%.

Ang pagkaalala ko, mas mataas pa ang replay episode ng MPK noong August 9.

Ngayong Lunes, August 17, ay nagsimula na sa TV5 ang morning show nina Pauleen Luna, Ria Atayde, at Pokwang na Chika, Besh.

Mapapanood ito ng alas-diyes ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

Okay naman ang pilot episode ng Chika, Besh, kung saan special guest nila ang young mother na si Sofia Andres.

Continue reading below ↓

Naaliw akong panoorin si Ria dahil nakikinig lang siya nang mag-usap-usap sina Sofia, Pauleen, at Pokwang tungkol sa motherhood.

Nakikita naming hindi nakaka-relate si Ria sa pinag-uusapan ng mga mommies. Pero iyon ang konsepto ng show na iba-ibang age bracket ang niri-represent ng tatlong hosts.

Binisita naman ng correspondent nila sa South Korea ang set ng Crash Landing on You.

Continue reading below ↓

Sabi ni Pauleen nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Linggo, August 16, very in-the-now daw ang tina-tackle sa kanilang programa.

“With everything that’s going on with the world right now, I think it’s nice to see a show na punung-puno ng good vibes and good news.

“I think that’s one thing that we can offer dun sa morning show namin.

“We also have correspondents from different countries. Meron kaming from Korea, New Zealand, meron from America, Australia.

“And we also have correspondents here sa Philippines that will tackle mga local shops din.

"Kasi nga, right now, we really need that boost in our economy… na suportahan talaga natin ang mga local business,” pahayag ni Pauleen.

Medyo hirap lang si Pauleen sa adjustment sa pagtatrabaho sa labas ng bahay dahil kahit nung bumalik sila sa Eat Bulaga, nasa bahay lang siya.

Ngayon ay sa studio sila nagti-taping kung saan sobrang ingat ng TV5 sa pagsunod sa safety protocols.

Continue reading below ↓

Saad ni Pauleen, “This is actually the first time na lumabas ako ng bahay to work.

“Okay naman ang mga protocols sa TV5. Actually, they’re very very strict.

“Pero nandoon pa rin ang pangamba, at saka yung doble, triple ingat sa sarili ko.

“Dapat talagang naka-mask, lahat na pausok na disinfectant, may bitbit akong Lysol kahit saan ako magpunta.

“Kasi siyempre, di ba? Kailangan talagang mag-ingat."

Baby pa lang ang anak niyang si Tali, at senior citizen na ang kanyang mister na si Vic Sotto.


Continue reading below ↓

Patuloy ng TV host-actress, “Pag-uwi, ligo agad. Actually, sa labas ako ng bahay naliligo. May banyo sa labas.

“Hindi ako pumapasok ng bahay agad nang galing ako sa labas. Especially yung ganun na may matagal akong exposure sa labas.

“Tapos, doble-dobleng vitamins talaga. I really try my best na protektahan talaga yung sarili ko.”

Nag-enjoy siya kina Pokwang at Ria, na kahit first time pa lang niyang nakatrabaho, matagal na silang magkakilala at kampante na sila sa isa’t isa.

NOEL FERRER

Nakaka-excite lang na, unti-unti, may mga nagbabalik na fresh episodes.

At in fairness, buwis-buhay at talagang pinaghihirapan despite all the health protocols.

Masaya rin tayo dahil nagbabalik na ang trabaho sa ating mga kasamahan sa industriya.

First week of September, balik na rin sa taping ang FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Sa Iyo Ay Akin.

Ang ASAP Natin ‘To ng Kapamilya Channel ay nasa 3rd cycle na ng kanilang live episodes sa studio.

Continue reading below ↓

Sana, with all the proper health measures, others will follow suit na!

JERRY OLEA

May pa-online catch-up ang TV5 sa mga bagong programa nila—sa kanilang YouTube channel at Facebook page.

Iyong Bangon Talentadong Pinoy ay may replay pa noong Sunday ng 5:00 P.M.

As I’ve said, nanganganay pa lang ang mga bagong palabas na ito ng Kapatid Network, kaya huwag tayong mag-expect nang bonggang-bongga, lalo pa’t sangkatutak ang limitations or restrictions sa resources kaugnay sa safety protocols.

Inaasam nating makapanood pa ng mga bagong content sa TV, lalo na sa Kapuso Network.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The hosts of TV5 from both the news and entertainment worlds. Top row, L-R: Luchi Cruz, Ryan Agoncillo, Raffy Tulfo, Jessy Mendiola. Bottom row: Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Pokwang, Ria Atayde, Pauleen Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results