Kapuso comedienne Lovely Abella, inaming nagka-COVID-19

by PEP Troika
Aug 17, 2020
Lovely Abella on contracting COVID-19: "Dumaan po ako sa punto na na-depress ho talaga ako. Wala ho akong ginawa kundi umiyak, kasi natatakot po talaga ako para sa anak ko, dahil nga po asymptomatic ako, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ma-prevent para hindi ho sila mahawaan."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Inamin ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella na nagka-COVID 19 siya.

Pero hindi niya ito in-announce sa kanyang social media account.

Nagulat si Lovely nang itinanong iyon sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa virtual presscon ng Kapuso gag show na Bubble Gang ngayong Lunes, August 17.

“Naging asymptomatic po ako, COVID po,” pag-amin ni Lovely.


Continue reading below ↓

Ipinaalam namin sa kanya kung okey lang bang isulat ang tungkol dito, dahil hindi niya ito in-announce sa kanyang social media account.

Pumayag si Lovely dahil sasabihin naman daw talaga niya ito. Kaya lang daw niya itinago noon ay dahil meron siyang online business.

“Nag-ingat lang po kasi ako, kasi may paninda ako, may Lovely Cosmetics ako kaya hindi po namin nilabas.

“Pero I made sure po na nakatago ako na naka-isolate ako, and si Benj po lahat gumagawa nun, kaya tumigil din po ako sa online selling,” saad ni Lovely.

Ang aktor na si Benj Manalo, anak ni Jose Manalo, ang fiancé ni Lovely.

Dagdag niyang kuwento, “Sa rapid test po, may two lines, na ibig sabihin po, before, nagkaroon po ako ng virus.

"Pero ngayon, wala na akong virus sa katawan ko.

“Pero dahil po ang kasambahay po namin, nagkaroon po siya ng symptoms, which is nawalan po siya ng pang-amoy at panlasa ng pagkain, in-isolate po namin siya.

Continue reading below ↓

“Kinabukasan po, pina-swab test ko po siya na magkasama kami ni Benj para makampante ako.

"Ako po yung nag-positive. Sila po, negative."

Nilinaw ni Lovely na sinunod niya ang two-week self-quarantine, pero talagang mahirap daw ang pinagdaanan niya.

Mabuti na lang daw at nandiyan si Benj na talagang umalalay sa kanya.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya iniwan nito sa kuwarto, kahit naka-isolate siya. Magkahiwalay raw sila ng higaan at nakasuot lang siya ng mask.

Mabuti at hindi nahawa si Benj, na malakas lang siguro talaga ang immune system.

Pahayag pa ni Lovely, “Kaya po masaya po ako ngayon, kasi dumaan po ako sa punto na na-depress ho talaga ako.

Continue reading below ↓

“Wala ho akong ginawa kundi umiyak, kasi natatakot po talaga ako para sa anak ko, dahil nga po asymptomatic ako, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko.

“Hindi ko alam kung paano ma-prevent para hindi ho sila mahawaan.

“So, naka-isolate po ako for two weeks, and now, tapos na ako sa isolation ko, kinausap ko po yung doktor kung kailangan ko bang mag-swab test ulit.

“Sabi niya, basta wala na ho akong symptoms, like… kasi nahirapan ho akong huminga. Wala po akong symptoms, pero pag gabi po, hirap na hirap po talaga akong huminga.

“Ngayon, tapos na po ako sa isolation ko, okay naman po si Benj, wala naman pong problema.

"Nag-iingat na rin po kami. Dini-disinfect lahat na pumapasok sa bahay. May mga UV light po kami. May mga air purifier, lahat...Kaya okay na po ako ngayon.”

NOEL FERRER

Kung matandaan, si Lovely ang komedyana, kasama ng isang galing sa showbiz royalty, na na-blind item nating nagka-COVID.

Continue reading below ↓

Nanatili silang anonymous hanggang sa sila mismo ang umamin dahil, yes, may considerations ito at kakaibang stigma para sa iba.

Ang mainam ay magaling at COVID survivor na si Lovely!

Okay at nataon pang magbabalik na sa ere ang Bubble Gang at mabibigyang daan na ang kanilang mga creative output ngayong quarantine.

GORGY RULA

Bahagi si Lovely sa bagong episodes ng Bubble Gang na mapapanood na sa Biyernes, August 21.

Work from home sila, pero nagagawa raw nila ang gustong gawin para maging katawa-tawa pa rin ang mga inihanda nilang zoom gags.

“Bago lahat ito,” pakli ni Paolo Contis. "More than anything, I think the people will appreciate the effort na ginawa namin.

"Because we made sure of the broadcast quality ng episodes na ginawa namin regardless of shooting it from home.”


Continue reading below ↓

Paolo Contis

Sabi naman ni Sef Cadayona, “Thankful nga kami sa creative team namin, kasi nakagawa sila ng content na feasible na nagawa namin inside our homes.”


Sef Cadayona

Kasama ring nakipagtsikahan sa amin sina Valeen Montenegro at Archie Alemania.

Hindi raw muna nila makakasama sa episodes na ito si Michael V. dahil nagpapagaling pa si Bitoy sa COVID-19 nung nagti-tape sila.

Continue reading below ↓

Pero sa susunod na buwan ay makakasama na raw nila si Bitoy.

JERRY OLEA

Siguraduhing matibay ang face mask ninyo dahil baka mapunit 'yan sa kakatawa sa mga bagong paandar at payanig ng Bubble Gang sa Agosto 21, Biyernes, 10:00 P.M., pagkatapos ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Panauhin sa episode na ito si LJ Reyes, na love-love-love ni Paolo Contis.

Iso-showcase sa “Zoom Gags” ang iba’t ibang online skits kaugnay sa meetings ng employer at empleyado; “Ranzoom” na kidnapping sketch via Zoom; “Online Kasal,” wedding sa pamamagitan ng video call; at “The New Normal,” tungkol sa diskusyon ng isang pamilya sa bagong paraan ng pamumuhay habang naka-quarantine.

Good vibes pa more ang hatid ni “Mang Tasyo” sa monologo tungkol sa mga sikat na acronyms sa panahon ng quarantine, at ni “Inday Basher” na basher ni Mr. Assimo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovely Abella on contracting COVID-19: "Dumaan po ako sa punto na na-depress ho talaga ako. Wala ho akong ginawa kundi umiyak, kasi natatakot po talaga ako para sa anak ko, dahil nga po asymptomatic ako, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ma-prevent para hindi ho sila mahawaan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results