TV5, GMA-7, Kapamilya Channel pasiklaban ng mga palabas para sa viewers

by PEP Troika
Aug 17, 2020
Ryan Agoncillo (left), nag-enjoy sa online session kasama ang mga kalahok ng Bangon Talentadong Pinoy; Carla Abellana at Tom Rodriguez (center), ibabahagi ang kanilang interests at pasion sa Mars Pa More; Iza Calzado (right), nakakaantig ang acting sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

JERRY OLEA

Makabuluhan ang Bangon Talentadong Pinoy na nag-premiere noong Agosto 15, Sabado ng 8:00 p.m. sa TV5, at may replay kinabukasan, Linggo ng 5:00 p.m.

Na-incorporate sa ilang acts na kalahok ang mga kaganapan sa panahon ng COVID-19 pandemic. Nakakaaliw na, kumukurot pa sa puso.

Hindi ako nagulat sa chika ng isang Kapatid insider na maganda ang feedback ng advertisers sa talent show na hino-host ni Ryan Agoncillo, kaya nadagdagan ang commercial load nito para sa second episode.

Continue reading below ↓

Deja vu! Ganito rin ang nangyari sa orig na Talentadong Pinoy na nag-umpisa noong Agosto 16, 2008.

Ang mag-best friends na sina Aubrey Miles at Jacq Yu ang clients sa Fill in the Bank (FITB) nitong Agosto 17, Lunes ng 7:30 p.m. sa TV5. Nag-uwi si Jacq ng PHP57,000, samantalang may PHP15,000 na consolation prize si Aubrey.

Bumobongga ang repartee ng FITB hosts na sina Madam Pokwang at Manedyer Jose Manalo. Cashing-cashing!

Continue reading below ↓

Sa second episode ng Chika, Besh bukas, Martes ng 10:00 a.m., panauhin si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Bibirit si Lani at makikipagchikahan kina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde.

Ipapasyal naman ng correspondent na si Shine Kuk ang televiewers sa isang location ng K-dramang Crash Landing On You sa South Korea.

GORGY RULA

Ang isa pa sa ikinatuwa ng hosts ng Chika, Besh ay ang isa pa nilang segment na "Share Ko," na may pini-feature na mga sikat at nag-hit na mga TikTokers.

As usual, bentang-benta ang Aling Nena series ni Rico Bautista. Kaya yun ang buwena-manong nai-share sa naturang game show.

Ang best friend ni Pauleen na si Camille Prats-Yambao ay meron ding morning show, ang MARS Pa More tuwing 8:45 a.m. sa GMA-7.

Hindi isyu sa kanilang magkakaibigan na pareho silang may morning show, sabi ni Pauleen. Ang mahalaga ay mas mapapasaya nila ang televiewers.

Makumbinsi kaya ni Pauleen na mag-guest sa morning show nila ang isa pa niyang best friend na si Pia Wurtzbach?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang guests sa Mars Pa More bukas, Martes ng 8:45 a.m. sa GMA-7.


Ise-share ng magsing-irog ang kani-kanyang interests at passion. Si Tom na isang gifted artist ay gagawa ng special caricature ng hosts na sina Camille Prats at Iya Villania, habang si Carla na kilalang animal lover ay magbibigay ng useful grooming tips para sa pet owners.

Continue reading below ↓

Samantala, ang Prima Donnas star na si Vince Crisostomo ang next celebrity searcher sa online dating game na "E-Date Mo Si Idol."

Mapapanood ito sa Agosto 20, Huwebes, 8:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook Page.

Ang host nito ay si Elijah Alejo na co-star ni Vince sa teledramang Prima Donnas, na nag-umpisa ang rerun nitong Lunes ng hapon, August 17.

Sa fans na gustong sumali sa "E-Date Mo Si Idol," sabihin lang sa comments section ng Instagram post ni Vince kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Habang hinihintay ng mga Pilipino ang deklarasyon ng bagong quarantine status sa susunod na 15 days, ang mga kasambahay namin ay nagliligpit na ng pinagkainan sa hapunan nitong Lunes ng gabi.

Naghahanda kasi sila sa panonood ng pilot ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin nina Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano, Sam Milby at ng aking talent na si Iza Calzado.

First program ito na inilunsad ng Kapamilya network online sa gitna ng pandemya.


Continue reading below ↓

Sabi ni Iza, "Our new teleserye, ANG SA IYO AY AKIN, premieres tonight. Grateful and honored to be working with our amazing team on such a blessed project.

"We hope you enjoy the show we have worked so hard on during this unique time to bring entertainment and, hopefully, good learnings into our lives."

Ibang klaseng aktingan ito na tiyak tatatak at kasasabikan tulad ng pagkalas-kalas ng mga perlas sa kuwintas ni Izadora sa full trailer.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Agoncillo (left), nag-enjoy sa online session kasama ang mga kalahok ng Bangon Talentadong Pinoy; Carla Abellana at Tom Rodriguez (center), ibabahagi ang kanilang interests at pasion sa Mars Pa More; Iza Calzado (right), nakakaantig ang acting sa Ang Sa Iyo Ay Akin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results