John Regala, sinukuan na ng kapwa celebrities na tumutulong sa kanya

by PEP Troika
Aug 17, 2020
Sa pamamagitan ng isang official statement, inanunsiyo nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo ang pagtigil nila sa pagbibigay ng suporta sa aktor na si John Regala (nasa larawan). Bahagi ng kanilang pahayag, “Sadly, no amount of effort on our part can help a very uncooperative and difficult individual."
PHOTO/S: YouTube (Raffy Tulfo in Action)

JERRY OLEA

“Useless lahat ng efforts namin.”

Iyan ang sagot ng veteran entertainment columnist/talent manager na si Manay Aster Amoyo nang uriratin namin nitong Agosto 17, Lunes ng gabi, kung ano ang turning point kaya sumuko sila nina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus sa pagtulong sa 55-anyos na aktor na si John Regala.


Continue reading below ↓

Bahagi ng joint statement nina Manay Aster, Nadia, at Chuckie nitong Monday night sa Facebook:

“Sadly, no amount of effort on our part can help a very uncooperative and difficult individual.

“In addition, John’s terrible habit of constant and abusive self-medication is something we cannot condone nor tolerate.

“And so, it is with deep sadness that our group has come to the decision to formally end our involvement in helping John with his medical treatment, care, and recovery.

“As much as this is our desire to see this through, these unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible for us to continue...”


Continue reading below ↓

GORGY RULA

So, tama pala si Elizabeth Oropesa?

Matatandaang sinabi ng veteran actress sa isa niyang Facebook post, "Sana po bigyan natin ng tulong ang mga masisipag na nawalan ng trabaho at may pagpapahalaga sa kanilang buhay.

"Hindi ang mga taong binigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang biyaya pero winaldas lang sa ipinagbabawal na gamot, alak at bisyo."

Inamin kalaunan ni Elizabeth na si John ang pinatutungkulan niya.

Noong inaayos pa lang nina Nadia at Tita Aster ang pag-discharge kay John sa ospital, ang dami ko nang naririnig na ginawa ng aktor na ikinadismaya nila, lalo na si Tita Aster na siyang nag-asikaso nito lahat.

Base sa mga pagtatanung-tanong ko sa ilang nagbigay ng donasyon, malaki-laki ang naipasok sa sariling bank account ni John. Hindi na raw ito pinakialaman nina Tita Aster, Nadia, at Chuckie.


Continue reading below ↓

Nakikita siguro ni John na kakayanin na niya ang pagpapagamot sa sarili kahit hindi na siya humingi ng tulong.

Sana, tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling at hindi na maulit ang dalawang beses na niyang drama sa kalye.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nakuha kung bakit ayaw nang makialam ng huling nakarelasyon ng aktor na si Gina Alonzo.

Ayaw na lang niyang magsalita para hindi na lumaki ang isyung ito.

JERRY OLEA

Komento ng dating actor-model na si Lito Gruet sa Facebook account ni Chuckie, “Bless you for your kind hearts Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro, Aster A. Amoyo.

“There are yet so many out there that deserve to be helped. Many who suffer in silence and not ‘discovered’ by social media.

“Please do not tire of continuing what you started. There are still many to be saved. It's just a matter of ‘finding’ them.”

Pag-ayon ni Chuckie, “Of course. This will not discourage us at all. Thank you for your words of encouragement and upliftment.”

Continue reading below ↓

Kung may nais ipahayag si John tungkol sa isyung ito, bukas ang PEP Troika at ang PEP.ph sa kanyang panig.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng isang official statement, inanunsiyo nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo ang pagtigil nila sa pagbibigay ng suporta sa aktor na si John Regala (nasa larawan). Bahagi ng kanilang pahayag, “Sadly, no amount of effort on our part can help a very uncooperative and difficult individual."
PHOTO/S: YouTube (Raffy Tulfo in Action)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results