Jane de Leon, nagpapa-release nga ba sa Star Magic?

by PEP Troika
Aug 18, 2020
Jane de Leon, ibabahagi ang kuwento ng kanyang buhay sa Usapang Real Life ng TV5: "Wala kaming pamasahe... Naalala ko yung Skyflakes po, pinaghahatian pa namin ni Mommy the whole day."
PHOTO/S: Screen grab from Usapang Real Life

JERRY OLEA

Suki ang mga Kapamilya sa mga bagong programa ng Kapatid Network.

Ang "Pasaways" sa Bawal Na Game Show ngayong Agosto 18, Martes ng 7:30 p.m., sa TV5 ay sina Jameson Blake, Josh Colet, Miko Raval, at Luke Conde.

Malamang na kilig overload ang Ghorl Twins! Alam na sakaling hindi matanggal ang ngiti ng hosts na sina Bebe (Wally Bayola) at Barby (Paolo Ballesteros)!

Sa Usapang Real Life sa Agosto 22, Sabado ng 9:00 p.m., panauhin naman ni Luchi Cruz-Valdes ang Kapamilya star na si Jane de Leon.


Continue reading below ↓

Inilahad ni Jane ang mga paghihirap na pinagdaanan niya bago nakuha ang dream role na Darna.

"Wala kaming pamasahe... Naalala ko yung Skyflakes po, pinaghahatian pa namin ni Mommy the whole day," paggunita ni Jane via Zoom sa teaser ng Usapang Real Life.

"And then, kahit pambili lang po ng tubig, ganyan. Sobrang kailangan po naming magtipid..."

Inusisa rin ni Luchi si Jane kung ano ang saloobin ng young actress ngayong natigil ang shooting ng launching movie nito.

Teka! Itutuloy pa ba ang Darna movie project? In-offer nga ba ng ABS-CBN ang Darna sa GMA-7 at TV5 para gawing TV series?

Totoo ba na nagpapa-release na si Jane sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, para gumawa ng international movie with a Hollywood actor na sa Pilipinas magsu-shooting?

"Grabe, kung anu-ano balita tungkol sa TV5," sambit ng isang Kapatid insider.

Nakausap namin ang co-manager ni Jane na si Tyronne James Escalante nitong Martes ng umaga, August 18, via Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Tyronne, "May invite kay Jane na mag-audition sa international movie, pero nothing concrete.

"Hindi pa po kami nagpapa-release sa Star Magic, as of now.

"May plano na gawing TV series ang Darna sa Kapamilya Channel, pero nothing concrete pa rin po tungkol dito."

GORGY RULA

Iba-iba ang mga komento sa mga bagong programang inilunsad ng TV5. Hindi maiiwasan iyan.

Pero sa totoo lang, medyo may "bagot factor" ako sa Bawal na Game Show. Mabuti na lang, magaling sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola kaya naitatayo nila ang show.

Pagdating kay Jane, at least, kahit paano ay napasikat siya ng ABS-CBN kahit naudlot na ang launching movie niya at wala pa siyang napatunayan.

Sana makabawi siya at matuloy ang ibang projects na pinaplano para sa kanya.

Narinig ko nga ang inaayos na international movie, pero malayo pa yun at wala pang katiyakan.

Taliwas sa sinasabi ng manager niya, may narinig akong gusto na raw nilang magpa-release sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero ayon sa nakausap natin mula sa Star Magic, nananatili pa rin nilang talent si Jane.

NOEL FERRER

Okay naman mawala na ang pressure na mag-Darna si Jane. Move on na lang siya at mag-chart na lang siya ng sariling marka sa ating industriya.

Buti na lang at may bagong playground ang mga displaced Kapamilya talents sa TV5. At least, may visibility na, kumikita pa sila.

Pero parang hindi rin masyadong kilala ng taga-gawa ng promo artcard ng TV5 sina Miko Raval at Luke Conde, kasi napagbaliktad sila sa lay-out.

To think na may name tags sila sa solo pictures, ha?!

Oh well, sana dumating ang pagkakataong makikilala at hindi na mapagbabaliktad sina Miko at Luke.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon, ibabahagi ang kuwento ng kanyang buhay sa Usapang Real Life ng TV5: "Wala kaming pamasahe... Naalala ko yung Skyflakes po, pinaghahatian pa namin ni Mommy the whole day."
PHOTO/S: Screen grab from Usapang Real Life
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results