Senator Bong Revilla, isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

by PEP Troika
Aug 18, 2020
"His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal," bahagi ng Facebook post ng asawa ni Senator Bong Revilla na si Bacoor Mayor Lani Mercado.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Magmula nang ipinost ni Mayor Lani Mercado sa kanyang Facebook account na isinugod nila sa St. Luke’s Global ang mister na si Senator Bong Revilla ngayong hapon ng Martes, August 18, hindi pa siya sumasagot sa mga tawag namin.

Isa si Mayor Lani sa nanood sa Facebook Live ni Senator Bong nang nasa emergency room na ang kanyang asawa. Hindi rin kasi siya makapasok kaya sa FB lang siya nagmu-monitor.

Noong August 9 unang ibinalita ng senador na siya ay positibo sa COVID-19.

Noong unang araw pa lang ng quarantine ni Senator Bong, sinasabi na sa kanya ni Mayor Lani na pa-confine na siya sa ospital dahil nag-chills ito. Pero ayaw raw talaga ng kanyang asawa.

Lagi namang sinasabi ni Senator Bong na kaya niya at bumubuti na ang kanyang kalagayan. Binanggit din niya noong nakaraang linggo, nang nakapanayam siya sa DWIZ, na kakayanin niya iyun.

Nakakaramdam lang daw siya ng matinding pagod minsan, pero alam daw niyang malalagpasan niya ito. Nag-shave lang daw siya ng bigote noong araw na iyon, pero napagod na raw siya nang husto at hiningal.

Continue reading below ↓

Pero kumpiyansa ang senador na gagaling siya.

"Patuloy lang sa pagdarasal sa Diyos, makakaya ko ito," pakli ni Senator Bong.

Mahirap daw kung magpapadaig ka sa takot kapag dapuan ka nitong mabagsik na virus. Dapat daw labanan ito at huwag matakot.

"Unang-una, ang pinakamabigat na kalaban dito ay para kang i-torture. Iyon ang papatay sa iyo, e.

"Matuto tayong lumaban. Labanan natin ang sakit na ito. Kapag matakot ka sa sakit na ito, iyon ang papatay sa ‘yo, e," pahayag niya, na parang namamalat pa ang boses.

Dagdag ni Senator Bong, "Kailangan nating maging matatag, lakasan natin ang ating immune system, take a lot of vitamins, dasal unang-una sa lahat. Magdasal tayo sa Panginoon… kaya natin ‘to.

"Di ko akalain na tatamaan ako nito. Batak na batak ang katawan ko, e. Nagwu-workout ako every day," dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Kasama tayong nananalangin sa agarang paggaling ni Senator Bong Revilla sa COVID, at nawa’y maayos at mapanatag rin ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

May ikinabahala lang ako. Habang pinapanood ko ang FB Live ni Senator Bong, napansin ko na maraming nagpapahayag ng kanilang malasakit at panalangin ng pagbuti ng kalagayan niya.

Pero marami ring nagtatawa at nagpapadala ng smiley emoji. Ano yun, nasisiyahan sila sa pagdurusa ng iba? Huwag naman sanang ganun.

Sa hirap na pinagdaraanan natin bilang bansa, sana pairalin na lang natin ang ating pagiging makatao at mabuti.

Ang lagi kong sinasabi, compassion and kindness—iyan sana ang maging panuntunan natin!

JERRY OLEA

Noong naka-quarantine pa si Senator Bong, lubos ang pasasalamat niya sa mga nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.

Grateful din siya sa malasakit ng mga kapwa senador, na nagpadala sa kanya ng mga prutas.

Akala natin ay makaka-recover na nang ganap si Senator Bong, hanggang mag-post si Bacoor City Mayor Lani Mercado nitong Martes ng 4:08 p.m. sa Facebook.

"Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital.

Continue reading below ↓

"His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal.

"Hospital care badly needed. Father we lift him up to you."

Kaisa tayo ng mga nagmamahal kay Senator Bong sa pananalangin na malagpasan ang pagsubok na ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal," bahagi ng Facebook post ng asawa ni Senator Bong Revilla na si Bacoor Mayor Lani Mercado.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results