Dating aktor na si Boy Alano, inilapit ni Nora Aunor kay Liza Diño

by PEP Troika
Aug 19, 2020
Kung sinukuan na si John Regala (kaliwa) ng mga celebrity na tumutulong sa kanya, inilapit naman ng Superstar na si Nora Aunor kay FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang dating aktor na si Boy Alano (kanan) na nangangailangan din ng tulong.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Iginalang ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang desisyon nina Aster Amoyo, Nadia Montenegro, at Chuckie Dreyfus na tapusin na ang kanilang pagtulong kay John Regala.

Sabi niya nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Martes, August 18 ng gabi, “Hindi ako makapagsalita on their behalf, kasi decision nila yun. Pero naintindihan ko talaga sila.

“Nagkausap din kami ni Tita Aster, sinabi niya sa akin na ano din… yun nga, hindi rin naman nila puwedeng ipilit yung sitwasyon na hanggang saan talaga sila makatulong.”

Naiintindihan din niya ang kalagayan ni John dahil hindi raw natin alam kung gaano kahirap para sa aktor ang pinagdadaanan nitong sakit.

Willing daw siyang tumulong sakaling mangailangan muli si John.

Pero sa ngayon ay may bago silang tinutulungan—ang dating aktor na si Boy Alano na inilapit daw sa kanila ni Nora Aunor.

“Inaasikaso namin ngayon kung paano pa maka-extend ng tulong kay Kuya Boy.

“Kasi, kailangan niya talagang madalaw, ma-checkup, 'tapos yung mga pangangailangan niya.

Continue reading below ↓

“Okay pa naman siya. Medyo nakakalakad pa siya. Matanda na siya, e.

“Hindi naman talaga siya yung may sakit katulad nung nangyari kay Kuya John. Pero kailangan din niya talaga ng help.

"Kasi, parang na-abandon siya ng family, e," pahayag ni Liza.

Nakatira raw si Boy Alano sa isang kuwarto sa Sampaloc na nirenta ng isang kagawad doon na tumutulong sa kanya.

Nakarating ito kay Ate Guy at kaagad daw pinuntahan si Boy para mabigyan ng tulong.

Nakasama ni Nora si Boy Alano sa ilang pelikula niya noon.


Continue reading below ↓

Boy Alano with Nora Aunor and Susan Roces in Ang Pangarap Ko'y Ikaw (1967)

Natutuwa si Liza sa original superstar dahil hindi ito nakalimot na tulungan ang dating aktor.

“Siya ang nagbibigay ng support. Nag-aabot siya ng pang-grocery, binigyan niya ng telepono. Talagang tumutulong siya, kasi nakasama nga niya sa movies.

“Nag-message talaga sa akin si Ate Guy na... 'Liz, napanood kita, baka puwede mo siyang puntahan,'” kuwento ni Liza.

Ngayon ay inaayos nila ang pagkuha ng doktor para ma-checkup si Boy Alano, dahil madalas daw itong nakakaramdam ng matinding sakit sa tiyan.

NOEL FERRER

Sana ma-institutionalize na ang ganitong pagtulong sa mga kasamahan natin sa industriya para may sangay talaga ng pamahalaan na nangangasiwa rito.

Mabuti ang bayanihan, ang tulungan lalo na kapag nagigipit, pero kailangan talaga ng systemic, built-in na pagtulong lalo na sa kinauukulan.

JERRY OLEA

Ang sabi nga ni Elizabeth Oropesa, napakaraming naghihirap sa showbiz na nangangailangan ng tulong—lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Nagpupugay tayo sa mabubuting puso na wagas ang pagmamalasakit sa mga kasamahan natin sa industriya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung sinukuan na si John Regala (kaliwa) ng mga celebrity na tumutulong sa kanya, inilapit naman ng Superstar na si Nora Aunor kay FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang dating aktor na si Boy Alano (kanan) na nangangailangan din ng tulong.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results