Watch Now

Episode 11 ng Gameboys, naurong sa August 23

by PEP Troika
Aug 20, 2020
Hindi maipagkakailang gumawa ng malaking ingay ngayong panahon ng pandemya ang BL series, ngunit nangingibabaw sa mga ito ang tambalan nina Elijah Canlas (kaliwa) at Kokoy de Santos sa Gameboys.
PHOTO/S: Screenshot from YouTube

JERRY OLEA

Hindi tuloy ang pagpapalabas ng Episode 11 ng Gameboys bukas, Biyernes, Agosto 21.

Sa halip, mapapanood ang BL series nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Agosto 23, Linggo ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

“Due to a technical problem, we now have to reshoot parts of Gameboys Episode 11—and this means we won’t be able to release on 21 Aug, Friday as originally planned,” pahayag ng executive producer na si Direk Perci Intalan nitong Agosto 19, Miyerkules ng gabi, sa Facebook.

“Please bear with us. I know that this is again disappointing to many fans around the world.

“But we will make this episode worth the wait and we will not make you wait longer than necessary.

"So…. we will instead release Episode 11 on 23 AUG SUNDAY 8PM...”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naku! Nauuso ba ang technical glitch sa mga Pinoy BL series?!

Iyong Episode 6 (“Simula”) ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam ay nagkaproblema sa files, kaya hindi naipalabas noong Agosto 15, Sabado.

Mabuti at naayos ang gusot, at naipalabas ang Episode 6 ng BL series nina Migs Villasis at Genesis Redido kinabukasan, Agosto 16, Linggo ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng USPH TV.

GORGY RULA

May ilang hindi naaaliw sa mga BL series. Pero mas marami ang natutuwa at kinikilig, lalo sa tambalang CaiReel nina Elijah at Kokoy.

Ang susunod na challenge ngayon sa IdeaFirst ay kung ano ang next step sa career ng dalawa pagkatapos ng Gameboys.

May Oh, Mando! pa si Kokoy, pero gusto yata ng fans na wholesome na siya.

Okay naman yun. Pero sana, nandiyan pa rin ang landi niya—na walang pakialam kahit makipaglandian sa kapwa lalaki o bading.

Yun ang maaaring kaibahan niya sa ibang young actors, lalo na't magaling siyang umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Elijah, malayo pa ang mararating niya bilang aktor dahil siya yung tipong nagta-transform sa ibang karakter kapag may isang role siyang ginagampanan.

Para siyang chameleon na nag-iiba ang pagkatao base sa role na ginagampanan niya. Kaya nilang gawin ‘yan, kasi magaling talaga sila.

Kunsabagay, may promise din itong si JC Alcantara ng Hello Stranger. Bago pa lang siya sa ganoong project, pero natatabunan niya si Tony Labrusca.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Mas understanding talaga ang online audience sa ganitong adjustments sa showing online. Hindi ito katulad sa free TV na talagang patayan para lang umere sa appointed timeslot.

At least, mapapaganda pa ng Gameboys ang kanilang natitirang episodes.

Ang maganda ring development ay kasama na ang Gameboys sa curriculum ng isang elective subject on pop culture sa pamantasan. Ibig sabihin, significant cultural text itong worthy para pag-aralan.

Isa pang significant effort ay ang merchandising nilang dog tags at face masks na talagang icon-building para sa puwede na nating tawaging "BREAKTHROUGH PANDEMIC STARS."

Napanood ko rin ang ending ng Hello Stranger. Nag-level up nga si JC Alcantara!

Pero all else considered, kahit wala pa ang final episodes ng Gameboys, sina Elijah at Kokoy ang puwede na nating tawaging "LOVE TEAM OF 2020!"

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maipagkakailang gumawa ng malaking ingay ngayong panahon ng pandemya ang BL series, ngunit nangingibabaw sa mga ito ang tambalan nina Elijah Canlas (kaliwa) at Kokoy de Santos sa Gameboys.
PHOTO/S: Screenshot from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results