Pokwang, napaiyak nang balikan ang pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa TV5

by PEP Troika
Aug 20, 2020
Kabilang si Pokwang sa mga artista ng ABS-CBN na maagang sinabihang wala nang kontrata, kaya nagpapasalamat pa rin siya dahil maaga siyang nakapaghanap ng paraan. “Kasi hindi po ako puwedeng huminto. Hindi po ako puwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin," sabi ni Pokwang.
PHOTO/S: TV5

GORGY RULA

Hindi napigilan ni Pokwang na maluha nang napag-usapan ang kanyang pag-alis sa ABS-CBN at pagpasok sa TV5.

May dalawang bagong programang iprinodyus ang Cignal Entertainment at Archangel Media Media, Inc. para sa TV 5 na host si Pokwang.

Si Pokwang ay host ng game show na Fill In The Bank, kasama si Jose Manalo, at ng talk show na Chika, Besh, kasama sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.

Ayon sa comedienne, mabigat ang tuluyan niyang pag-iwan sa mga kapamilya sa ABS-CBN.

Pero mabuti na rin daw na maaga siyang nasabihang wala na siyang kontrata sa ABS-CBN, at puwede na siyang lumipat sa network na mag-o-offer sa kanya.

Ani Pokwang, “Nagpapasalamat po ako nang sobrang-sobrang pasasalamat po talaga sa ABS, sa mga nagtiwala sa akin.

"And nagpapasalamat pa rin po ako, kasi ako po yung una nilang sinabihang wala nang kontrata.

“Dahil ganun kaaga po nila ako sinabihan, maaga po akong nakapag-decide, nakapag-isip para po sa pamilya ko.

Continue reading below ↓

“Kasi hindi po ako puwedeng huminto. Hindi po ako puwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin.

“Sa isang banda, hindi ko po dapat ikatampo yun kasi… at least, maaga akong nasabihan, maaga ko pong naihanda yung sarili ko, maaga ko pong naisalba yung pamilya ko,” naluluha niyang pahayag sa virtual presscon ng Fill in the Bank at Bawal Na Game Show nitong Agosto 20, Huwebes.

Paulit-ulit nagpasalamat si Pokwang sa Diyos na meron kaagad sumalo sa kanya.

“In all fairness naman po talaga… thank you po talaga sa APT, sa Archangel na bukas po yung pintuan nila. Buti na lang at may sumalo agad sa akin.

“Thank you po talaga. Malaking tulong po ito talaga sa pamilya ko. Maraming-maraming salamat po.

“Hindi mawawala siyempre kung ano yung nagawa sa akin ng ABS, sobrang thank you po talaga,” dagdag niyang pahayag.

Una raw siyang nagpaalam sa mga kasamahan niya sa gag show na Banana Sundae.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Pokwang, “Meron kasi kaming group chat, Viber group na, 'Guys, ganito…' sobrang naintindihan nila.

“Intinding-intindi nilang... alam niyo naman, kung ako lang ‘to, kung wala akong anak at nanay na gagamutin habang buhay, kaya kong maghintay, kaya kong mag-stay, kaya kong mag-ano...

"Naintindihan nila nang sobra. Naintindihan talaga nila. Very thankful ako at napaka-supportive nila kung saan man ako ngayon."

Napapanood ang Fill in the Bank tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng 7:30 ng gabi sa TV5.

Ang daily morning show namang Chika, Besh ay mapapanood tuwing alas-diyes ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

OK na sina Madam Pokwang at Baninay Bautista.

Sabi ni Pokwang, “In all fairness naman, nag-reach out naman talaga siya. Naintindihan naman niya yung reaction ko.

“Kung naging anak ko naman siya, ganun din naman yung reaction ko. Nanay. Natural lang yun. Hindi lang naman para sa sarili ko, kundi dun din sa paligid ko. Lahat.

“Tapos na yun. Huwag na nating tambayan yun.”

Ang hindi pa OK, yung fans na sumusubaybay sa Gotham.

Iyong avid supporters ng Gotham, nagngingitngit sa Bawal Na Game Show at Fill In The Bank.

Naligwak ang Gotham sa weekdays ng Kapatid Network dahil sa nasabing game shows.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

At least, no bad blood, maayos na transition, at hanggang ngayon ay namamayani pa rin ang pasasalamat ni Pokwang sa pinanggalingan niyang Kapamilya network.

Swabe ang pag-guest muna ni Pokwang sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga, na prinoprodyus din ng APT, at ngayon, na-launch na ang dalawang show niya sa TV5.

OK na sila ni Baninay.

Heto naman... ngayong nasa iisang bubong na sila at tahanan, may magtutulay kaya sa pag-aayos nina Pokwang at Nanay Cristy Fermin?

May pinagsamahan din sila noon, di ba? With all due respect sa dalawa, darating din ‘yan sa tamang panahon!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Pokwang sa mga artista ng ABS-CBN na maagang sinabihang wala nang kontrata, kaya nagpapasalamat pa rin siya dahil maaga siyang nakapaghanap ng paraan. “Kasi hindi po ako puwedeng huminto. Hindi po ako puwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin," sabi ni Pokwang.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results