Dear Uge, GMA-7 shows balik-taping na!

by PEP Troika
Aug 22, 2020
Simula August 23, 2020, bagong episodes na ang mapapanood sa Dear Uge, at mismong ang host na si Eugene Domingo ang bida sa two-part episode na "My Forgettable Love."
PHOTO/S: courtesy of PEP Troika

GORGY RULA

Bagong episode na ang mapapanood sa Dear Uge simula bukas, August 23, Linggo.

Ang host na si Eugene Domingo ang bida sa two-part episode na Dear Uge Presents: My Forgettable Love, kasama sina Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon.

Neil Ryan Sese, Uge Domingo, Candy Pangilinan

lotlot de leon

Continue reading below ↓

Nilinaw ng production staff na mahigpit nilang ipinatupad ang safety protocols and guidelines habang nagti-taping.

Sabi ni Uge, gusto man daw nilang magyakap nang magkita-kita sila, hindi nila magawa dahil sa physical distancing na pina-practice at iba pang safety measures.

Nakasanayan na rin daw nilang lahat, at ini-enjoy na lang itong bagong pamamalakad sa taping.

Kailangan rin daw nilang matapos ang taping sa loob ng isang araw.

Dalawang Linggo (August 23 at 30) mapapanood ang My Forgettable Love, pero kailangan nilang mag-taping uli next week para makapagbangko ng marami pang episodes.

Unti-unti nang bumabalik sa taping ang ila pang programa ng GMA-7.

Next week ay magpapa-swab test na ang mga artista at buong production staff ng Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Nakatakda na ring magpa-swab test ang lahat ng involved sa The Boobay and Tekla Show dahil balik-trabaho na rin sila sa September 1.

Susunod na riyan ang Bubble Gang, at ang Season 3 ng The Clash, kung saan mamimili muna sila ng 40 finalists bago magpa-schedule ng taping sa studio.

Continue reading below ↓

Kasama rito ang lahat ng judges ng Season 2 na sina Ai-Ai de las Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha, pati na rin ang hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, at Rita Daniela.

JERRY OLEA

Hahaplos at kukurot sa puso ang episode na ito ng Dear Uge.

Sa istorya, wala nang makitang dahilan sina Amor (Eugene Domingo) at Migs (Neil Ryan Sese) upang ipagpatuloy ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Napagtanto ni Amor na masyadong dependent sa kanya ang mister pagdating sa pera.

Pakiwari naman ni Migs, nasasakal na siya kay misis, at labis na ang pagmamaliit nito sa kanya.

eugene domingo, neil ryan sese

Continue reading below ↓

Ilang buwan matapos silang maghiwalay, bumalik si Migs sa kanilang bahay upang kunin ang mga naiwang gamit, at pag-usapan ang hatian ng mga ari-arian.

Pero inabutan sila ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), at napilitang magsamang muli sa iisang bubong.

Gaya ng inaasahan, sumiklab ang galit at hinanakit nila sa isa’t isa. Pero sa pagdaan ng mga araw, napansin ni Migs na hindi naaalala ni Amor ang ilang mga detalye sa buhay nito, maging sa kanilang pinagsamahan.

May sakit ba si Amor? O nagkukunwari lamang siya?

NOEL FERRER

At least, ayan, unti-unti nang nabubuhay ang trabaho sa Kapuso network. Matagal ding natengga ang mga entertainment stars, at magandang makita na back-to-work na sila, while taking into consideration ang kanilang seguridad sa kalusugan.

Ang tanong ng mga tao, kung sa Kapamilya network na walang free-TV revenue ay nag-implement ng negotiated rates, dito kaya sa Kapuso network na maayos ang prangkisa at commercial load ay may ganoon rin bang TF reprieve?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula August 23, 2020, bagong episodes na ang mapapanood sa Dear Uge, at mismong ang host na si Eugene Domingo ang bida sa two-part episode na "My Forgettable Love."
PHOTO/S: courtesy of PEP Troika
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results