Anthony Taberna: "Hindi kami DDS...unfair namang akusasyon yun"

by PEP Troika
Aug 22, 2020
Sa DZRH na mapapakinggan ay mag-partner na Anthony Taberna (L) at Gerry Baja. Mapapanood kaya ang programa nila sa TV5?
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying on Instagram

NOEL FERRER

“Hindi kami DDS ni Gerry, unfair namang akusasyon yun!” sabi ni Anthony Taberna tungkol sa kanila ng co-anchor niyang si Gerry Baja.

Nakapanayam ko si Anthony nitong Agosto 21, 2020, Biyernes, sa Level Up program ko sa Radyo Katipunan.

"We recognize yung mga nagagawa nila, pero kung napapanood lang ng mga tao kung paano namin upakan ang gobyernong ito sa kanilang kapalpakan, hindi nila iisipin iyan.”

DDS stands for Diehard Duterte Supporters.

Nasabi rin ni Anthony na may offer sa kanila ni Gerry na maging poste sa binubuong morning show sa TV5, at malamang doon sila magti-TV.

Akala kasi ng marami, dahil pareho sila ni Gerry na nasa Iglesia Ni Cristo, doon sila sa INC-owned TV station na Net 25 o Eagle Broadcasting Corporation lilipat.

“Nanggaling na ako sa Eagle Broadcasting bago ako nag-ABS, mukhang ito namang TV5 ang pursigido na matuloy na, dahil muntik lang kami dati,” sabi ni Anthony, na kilala rin bilang Ka Tunying.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Noong napag-usapan ang paglipat ng Dos por Dos sa DZRH, kumalat ang tsismis na napagdesisyunan na raw talaga nina Ka Tunying at Gerry na umalis sa DZMM dahil ramdam daw nilang malamig ang trato sa kanila ng ibang taga-ABS-CBN.

Malamang na may kinalaman ito sa kanilang pagiging INC, kung saan kasama nila si Congressman Rodante Marcoleta, yung mainit na umaway sa ABS-CBN sa Lower House.

Sabi pa sa usap-usapan, kahit may offer naman sa dalawa, nakapagdesisyon na raw talaga silang umalis na lang.

Hindi ko pa naitanong iyan kay Ka Tunying at, tingin ko, ayaw na nilang i-dignify ang ganoong isyu.

Ang mahalaga ay maayos silang nakalipat, at masaya ang karamihang kasamahan nila sa media. Abangan na lang natin ang pagsisimula nila sa August 31 sa DZRH!

JERRY OLEA

Binigyan ng ABS-CBN ng option sina Gerry at Ka Tunying na magpatuloy sa DZMM hanggang may bago nang lilipatan, pero slashed ang talent fee.

Continue reading below ↓

Kung salat o hilahod sa revenue, hindi talaga kakayanin ng DZMM na bayaran nang buo ang TF ng Dos por Dos tandem.

Buti, may DZRH na nagbukas ng pinto sa kanila. Welcome na welcome ba ng mga empleyado sa DZRH na maging kapamilya nila sina Gerry at Ka Tunying?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa DZRH na mapapakinggan ay mag-partner na Anthony Taberna (L) at Gerry Baja. Mapapanood kaya ang programa nila sa TV5?
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results