BL series nina Kokoy de Santos, Alex Diaz ilalabas sa bagong iWant TFC

by PEP Troika
Aug 23, 2020
iWant, magpapaalam na sa August 31 at mapapalitan ng iWant TFC, kung saan lalabas ang Pinoy BL series nina Kokoy de Santos, Alex Diaz, at Barbie Imperial.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Sa Agosto 31, Lunes, ang huling araw ng maraming empleyado ng ABS-CBN.

Sa pag-uumpisa ng BER months, may bagong yugto ang mga Kapamilya sa isang online platform.

Sa hatinggabi ng Agosto 31, goodbye, iWant app and iWant.ph!


Sa pagsapit ng Setyembre 1, hello, iWant TFC!

Bago at mas malaki na ang iWant sa Setyembre 1. Worldwide na!

Continue reading below ↓


Dito ang streaming ng Pinoy BL series na Oh, Mando!, na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, sa direksyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.

Itong Oh, Mando! ang unang Pinoy BL series na naibalita natin. Nakaapat na shooting days na ito noong Marso nang maabutan ng lockdown.

Nag-shoot na muna si Kokoy sa Gameboys for 10 episodes, bago nito nabalikan ang shoot ng Oh, Mando!

Continue reading below ↓

Matapos gawin ni Kokoy ang Oh, Mando!, na-extend for three more episodes ang Gameboys, na mapapanood ngayong Linggo ng gabi, August 23, ang Episode 11 nito sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Naibalita nating Agosto ipapalabas ang Oh, Mando! sa iWant. Kaso, hindi pa tapos ang post production nito. Mapapanood na ba ang first of six episodes sa Setyembre 1 o hihintayin nila na maipalabas ang season finale (Episode 13) ng Gameboys sa Setyembre 4, Biyernes?

“Sound and dubbing and konting vfx final finishing touches na lang ang Oh, Mando!” kuwento ni Direk Edong nitong Agosto 23, Linggo ng umaga, via Messenger.

“I’m not sure paano ito gustong ilabas ng iWant. I’m not sure kung isang bagsakan siya na six episodes agad or three episodes sa launch then after two days or the next week yung iba.

“By September 4, hindi pa kami tapos sa post production. So, mukhang after talaga ng Gameboys ang Oh, Mando!

Continue reading below ↓

Kasali rin sa KoLex (Kokoy + Alex) series si Barbie Imperial.

Si Direk Edong ang nagdirek ng Cinemalaya 2019 film na F#@*bois, na tinampukan nina Kokoy, Royce Cabrera, Ricky Davao, at Yayo Aguila.

Kabilang pa sa mga pelikula ni Direk Edong ang Lola Igna (2019), Last Fool Show (2019), Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013) at Bahay Bata (2011).

NOEL FERRER

Nanonood ako ng TeleRadyo ngayon at nagpapaalam na ang mga programa.

Si Jeff Canoy ay nagpahayag ng pagtatapos ng Red Alert sa TeleRadyo ngayon (kasama si Professor Mahar Lagmay at Ted Esguerra).

Ang tanong tuloy ng mga tao, ano na ang mangyayari at matitira sa TeleRadyo? Kumusta naman ang ANC?

Habang papalapit ang katapusan ng Agosto, nakakapanlumo lang na imbes na buhay at kabuhayan ng mga tao ang nasa sentro ng usapan, meron pang sumisingit na diskusyon ukol sa pagtatangkang magkaroon ng revolutionary government.

Bakit parang lihis na mga solusyon ang nabibigyang pansin? Hanggang ngayon, napakalungkot ko sa kasasapitan ng mga kasamahan sa industriya na mawawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang lalim na ng tinatalakay ni Sir Noel. Pagaanin na lang muna natin ito, kasi, nakikita naman sa ABS-CBN na sinisikap nilang maka-survive kahit ang saklap na nitong nangyayari sa kanila lalo na sa mga empleyado.

Pero abangan natin itong malaking mababago sa iWant na sinisilip ko paminsan-minsan.

Curious din ako sa Oh, Mando! kung paano ito tatanggapin ng dumadaming fans ni Kokoy de Santos.

Noong tinanong ko nga si Kokoy kung gaano ka-daring ang ginawa nila rito ni Alex, "ano po, choppy-choppy" ang safe niyang sagot na obvious na ayaw niyang ikuwento ang detalye ng mga ginawa nila ni Alex.

Kokoy de Santos, Alex McDizz

Continue reading below ↓

Pero ito na kaya ang last na tipo ng project na gagawin ni Kokoy?

Mas type ng fans ni Kokoy na wholesome na ang aktor at sobrang protective sila sa kanilang idol.

Kung sabagay, keri ni Kokoy na magpaka-wholesome lalo na't magaling siyang umarte.

Cute siya na puwedeng i-partner sa mga kilalang young actress natin.

Kaya na niyang pasukin ang mainstream kung saan namamayagpag sina Daniel Padilla, Alden Richards, at iba pa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
iWant, magpapaalam na sa August 31 at mapapalitan ng iWant TFC, kung saan lalabas ang Pinoy BL series nina Kokoy de Santos, Alex Diaz, at Barbie Imperial.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results