JERRY OLEA
Bumubuti na ang lagay ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
"I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19,” post ni Sen. Bong sa Facebook nitong Agosto 23, 2020, Linggo ng gabi.
Nagpasalamat ang 53 anyos na actor-politician sa lahat ng nagdasal para sa kanyang kalusugan.
Aniya pa, "Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us.
"Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan.
"Thank you all. Thank you."
GORGY RULA
May ilan akong kakilalang taga-Cavite na tumatawag sa akin para kumustahin si Sen. Bong.
Kung anu-ano raw ang naririnig nilang di magagandang balita tungkol sa senador.
Sa totoo lang, kahit may ilang nagni-nega at tila natutuwa pa sa nangyari kay Sen. Bong, mas marami pa rin ang nagdarasal at ang iba ay nagpapadala pa ng gamot na mabisa raw sa taong nagka-COVID-19.
Isang distributor ng supplement ang nakipag-coordinate sa akin dahil gusto nilang bigyan ng ilang bote si Sen. Bong dahil napapabilis daw nito ang paggaling ng isang COVID-19 patient.
Meron pang ilang prayer groups na nagpadala ng mensaheng inalay nila sa senador ang isang gabing pagdarasal.
Siguro, malaking bagay rin ang ganoong balitang nakarating kay Sen. Bong kaya may improvement siya araw-araw.
Sabi ni Mayor Lani Meraco nang nakausap ko siya noong nakaraang Biyernes, August 21, ang tantiya nila, mga limang araw lang ay baka puwede nang i-discharge si Sen. Bong sa hospital.
Matatandaang isinugod si Sen. Bong sa hospital noong August 18 dahil sa pneumonia. Noong August 9 siya nag-positibo sa COVID-19.
NOEL FERRER
Mabuti at gumagaling na si Senator Bong Revilla. Kumusta ang kanyang pamilya, ligtas din kaya? Sana naman.
Kaugnay ng mga kasamahan natin sa showbiz, may isang character actor ang nag-positive sa COVID-19. Ang lubhang nakakalungkot, ang tatay niya ay pumanaw dahil nagkahawaan sila.
Nakikisimpatiya rin tayo sa sinapit ng producer ni Bong sa kanyang ibang pelikula sa GMA Films noon na si Elaine Lozano.
Recently ay nag-post si Elaine tungkol sa pinagdaanan ng pamilya niya sa COVID-19, na talagang may stigma at isa sa mga takot niya, “Kapag may COVID, parang nakakadiri ka.”
Salamat na lang sa anak ni Tita Marilen Nuñez na si Yani (na kapatid ni Rambo, na boyfriend ni Maja Salvador) na isa sa mga unang tumulong.
Isang learning din doon ay ang kaguluhang pinagdaraanan ng isang pamilya kapag may nag-test na positive. Nakakalito at nakakataranta ang pabagu-bagong proseso ng pag-deal dito.
Kaya ibayong ingat pa rin talaga tayo. No one is spared, really!