Pinoy BL series, hitik sa sweet moments at daring scenes

by PEP Troika
Aug 24, 2020
(Left) Kokoy de Santos and Elijah Canlas in a scene from Episode 11 of Gameboys; (right) Tony Labrusca and JC Alcantara in a scene from the finale episode of Hello Stranger.

JERRY OLEA

Tamis-tamisan ang pagtatagpo at paghahalikan nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos) sa Episode 10 ng Pinoy BL series na Gameboys, na streaming sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Sa Episode 11 na ipinalabas nitong Agosto 23, Linggo, nag-date ang CaiReel sa RAVE Rainforest Park sa Pasig City.

Kilig overload ang kanilang HHWW (holding hands while walking) lalo pa’t umaambon.


Continue reading below ↓

Masuyong hinalikan ni Zach (Clifford Pusing) si Christian (Henry Villanueva) sa harap ng simbahan sa Episode 1 ng Sakristan, na palabas sa YouTube channel ng VinCentiments.

Sa Episode 4 ay nagsiping sila sa kama, pero suggestive lang iyon.


Henry Villanueva (left) and Clifford Pusing

Nagtapos ang season 1 ng Sakristan sa Episode 8, na in-upload noong Hulyo 19. Amen!

Continue reading below ↓

Hopefully, matuloy ang Ikalawang Pagbasa sa istorya ng ZaChristian.

Sa finale (Episode 8) ng Hello Stranger noong Agosto 19, Miyerkules, mahigpit na niyakap ni Xavier (Tony Labrusca) si Mico (JC Alcantara).

Mapapanood ito sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.


Sa fancon ng Hello Stranger noong Agosto 16, Linggo. ay may tender kissing sina Tony at JC, na may plastic barrier siyempre.

Continue reading below ↓

Isasapelikula ang sequel ng XaVier series. Digital movie ba ito para sa iWant TFC?


Sa Episode 5 ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam, hinalikan ni Otep (Genesis Redido) si Tau (Migs Villasis). Nasa YouTube channel ito ng USPH TV.

Sa Episode 7 na ipinalabas noong Agosto 23, Sabado, may pasilip ng eksena sa Episode 8 kung saan naka-brief ang TauTep. Boom harot ang kanilang underwear.

Continue reading below ↓


Genesis Redido (left) and Migs Villasis (right)

Hanggang Episode 14 ang In Between. Abangan natin kung may mas mapangahas pang mga eksena sa mga susunod na kabanata.

Sa Episode 3 ng My Day na ipinalabas noong Agosto 22, Sabado, may pa-Felix Bakat si Sky (Miko Gallardo). Meron din kaya si Ace (Iñaki Torres)?

Continue reading below ↓

Hanggang Episode 12 ang My Day sa YouTube channel ng Oxin Films, pero huwag tayong hopia, asado o expectorant sa eksenang pwetmalu. Hanggang pangiliti lang ang AkiMi.


Miko Gallardo (left) and Iñaki Torres

Sa Episode 4 ng Hook Up: A Homemade Series na nag-premiere noong Agosto 22, Sabado, sa YouTube channel ng Jace TV, pinuntahan ni Henry (JC Lopez) si Mark Lee (Marky Erasga).

Continue reading below ↓

Down-to-earth si Mark sa gabing marupok. Paggising ni Mark, wala siyang katabi.

Sa Unlocked anthology na nilikha ni Direk Adolf para sa Gagaoolala, may mga aktor na nagtanggal ng saplot, at salat sa pag-iinarte.

Sa Episode 1, andiyan sina Markki Stroem at Mike Liwag.

Sa Episode 5, si Gold Azeron na gumamit ng Cetaphil.

Sa Episode 6, si Adrian Alandy.

Extended for three more episodes ang Unlocked. Nagpahinga ang anthology.

Sa Episode 7, bida sina Kirst Viray at Vince Rillon. Slight ang kanilang drama. Tuhog?! Ipapalabas ito sa Agosto 27, Huwebes.

Sa Episode 8, may accidental kissing scene sina Saviour Ramos at Miggs Cuaderno. Matutunghayan ang cute BL story na ito sa Setyembre 3, Huwebes.


Continue reading below ↓

Miggs Cuaderno (left) and Saviour Ramos

GORGY RULA

Napapayag ang multi-awarded na si Miggs Cuaderno na gawin ito, ha? Hindi naman siguro hudyat ito ng pag-transcend niya sa bagong image dahil nagbibinata na siya.

Isa si Miggs sa mga bida sa MMFF 2020 entry na Magikland. Bagets na bagets pa siya roon dahil halos three years ago pa yata ito nasimulan.

Magaling na aktor si Miggs at keri niyang gawin itong maselang role na ginawa niya sa LGBTQ anthology na ito.

Gay role din si Miggs sa pelikulang In The Name of the Mother na pinagbibidahan ni Snooky Serna, at nag-premiere sa 40th Fantasporto filmfest (Pebrero 28-Marso 7) sa Portugal.

Huwag niya sanang i-enjoy ang pagganap sa gay roles dahil magaling siyang aktor, marami pa siyang puwedeng gawin sa mga susunod na project na posibleng ialok sa kanya.

Wala na sa GMA Artists Center si Miggs, kaya hindi natin alam kung anong career plan sa kanya ng kasalukuyan niyang manager.

Continue reading below ↓

Sana, ma-educate ang viewers kung ano ba talaga ang BL series.

Ang iba kasi, hindi nila ma-gets na parang di kapani-paniwala ang mga ito sa kanila. Kahit ang ibang bading ay hindi nila naintindihan kung ang kahulugan ng BL series.

NOEL FERRER

Sa Unlocked series, mahirap talaga ang casting.

Sabi nga ni Direk Adolf Alix Jr., half of the work is done kapag magaling ang artista.

Sa kanyang final episode, mapapayag niya kaya ang hunk actor na target niya sana? Fingers crossed!!!

Ginawa na ng hunk actor ang ganitong mapanghamong role sa isang pelikuka at isang digital series, pero kakaiba ang inihahaing kuwento sa kanya ngayon. Hintayin na lang natin.

At ngayong papalapit na ang pagtatapos ng paborito nating Gameboys ay may namumuo pang conflict at triangle between kina Gavreel (Kokoy de Santos), Cairo (Elijah Canlas), at ang kababata ni Cairo na nasa Bukidnon, si Wesley (Miggy Jimenez).

Aabangan natin ang pagpapatuloy ng kanilang love story na patungong LDR (Long Distance Relationship), na isang challenge talaga!

Continue reading below ↓

Isa pang dapat hintayin ay ang inaayos nating Grand Finale Troika Interview ng Gameboys stars by September.

Naipangako na iyan sa atin ng kanilang producers, and we will make the announcement in the coming days!

Exciting days ahead, indeed!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Kokoy de Santos and Elijah Canlas in a scene from Episode 11 of Gameboys; (right) Tony Labrusca and JC Alcantara in a scene from the finale episode of Hello Stranger.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results