Huling interview kay Kim Idol, ipalalabas sa TV5

by PEP Troika
Aug 24, 2020
Tatlong araw bago maospital si Kim Idol ay nainterbyu siya ni Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life ng TV5. Ipalalabas itong naging huling interview ni Kim sa Sabado, August 29.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Unti-unti nang nagkakaroon ng awareness ang mga manonood sa mga bagong programang sinimulan ng TV5.

Nasilip ng PEP Troika ang survey ng AGB NUTAM noong Huwebes, August 20.

Naka-2.5% ang Bawal na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Hindi pa rin ganung kataas, pero pataas siya mula sa 1-plus percent ng pilot airing nito noong Agosto 15.

Nakatulong din siguro iyung partisipasyon ng ilang Kapamilya artists na naglalaro.


Continue reading below ↓

Ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang noong Biyernes, August 21, ay naka-2.5% din.

Noong Sabado, August 22, ay naka-2.1% ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.

Ibig sabihin, tumataas ang mga nasimulang programa ng Kapatid Network.

Dapat yata talagang mga bagong episodes na ang mapapanood.

Kasi, kahit yung bagong episode ng Bubble Gang (GMA-7) na inere noong Biyernes, August 21, ay naka-7.7%. Mas mataas ito sa mga nakaraang episodes na replay.

Pero ang Kapuso drama anthology na Magpakailanman noong Sabado, August 22, ay naka-20.7% gayong replay ito.

Mas mataas pa sa bagong episode the other Saturday na naka-20.3%.

Depende rin siguro talaga sa kuwento at kung sinu-sino ang mga artistang gumaganap.

Ang Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl, na bagong episode din, ay naka-11.5 percent noong Sabado. Mas mataas ito sa 10.7% na nakuha ng show the other Saturday.

JERRY OLEA

Guests bilang Pasaways noong Agosto 22, Sabado, sa Bawal Na Game Show ang mga Kapamilya na sina Jason Gainza, Pepe Herrera, DJ Jhai Ho, at Jeffrey Tam.

Continue reading below ↓

Ngayong Agosto 24, Lunes, magtatagisan naman sa Fill In The Bank sina Ketchup Eusebio at Archie Alemania.


Sa Agosto 29, Sabado, maging sa kasunod na Sabado, Setyembre 5, “sama-sama” pa rin bilang talent scouts ng Bangon Talentadong Pinoy sina Joross Gamboa, Janice de Belen, at John Arcilla.

Nasa cast si John Arcilla ng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya hopefully ay maikutan ang schedule niya rito para manatili siya sa Bangon Talentadong Pinoy.

Continue reading below ↓

Sa Episode 3 ng Usapang Real Life With Luchi Cruz-Valdes na ipapalabas sa Agosto 29, Sabado ng gabi, tampok sina Alessandra de Rossi, Allan K, at Kim Idol.

Iyon ang huling panayam sa comedian na pumanaw noong Hulyo 13 sa edad na 41. Nainterbyu si Kim Idol tatlong araw bago pumutok ang ugat sa kanyang utak.


Continue reading below ↓

Marami pa tayong aabangan sa mga bagong programa ng TV5!

NOEL FERRER

Siyempre, dahil gusto nating mabuhay ang ating industriya habang lahat din ay nag-iingat sa health protocols, susuportahan natin lahat ng efforts para magkaroon ng FRESH episodes!

At ngayon nga, hindi ba’t dahil kumikita ang nagpapalabas ng replay, it makes sense na isulong din ang performance rights ng mga artista.

Continue reading below ↓

It may be a long way to go at tedious ang process, pero ang magandang nangyayari ay nagtutulungan na ang grupo nina Mitch Valdez, Celeste Legaspi, at Leo Martinez ng Performers Rights Society of the Philippines at ang bagong AKTOR group nina Dingdong Dantes para ma-institutionalize ito.

Bravo!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong araw bago maospital si Kim Idol ay nainterbyu siya ni Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life ng TV5. Ipalalabas itong naging huling interview ni Kim sa Sabado, August 29.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results