FPJ's Ang Probinsyano, Descendants of The Sun sasabak sa lock-in taping

by PEP Troika
Aug 24, 2020
Coco Martin at Lorna Tolentino, naghahanda na para sa pagbabalik-taping ng ABS-CBN serye na FPJ's Ang Probinsyano. Kapuso prime-time series nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, malapit nang magkaroon ng bagong episodes.
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano / Descendants of The Sun

GORGY RULA

Napilitang isakripisyo ni Lorna Tolentino ang selebrasyon ng kaarawan ng bunsong anak niyang si Renz Fernandez sa September 8, dahil by that time ay nakasalang na ang aktres sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang bongga ng teleserye ni Coco Martin dahil sa kabila ng hirap nila kung paano mapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano, tuluy-tuloy pa rin sila sa pagpapaganda ng show.

Matatandaang ikalawang linggo ng Hulyo nang matapos ang lock-in taping nila sa Batangas.


Continue reading below ↓

Coco Martin and Yassi Pressman for FPJ's Ang Probinsyano

Noong August 2, napabalitang positibo sa COVID-19 si Batangas Vice Governor Mark Leviste, na nagkaroon ng cameo role sa teleserye.

Makalipas ang dalawang linggo, noong August 15, inanunsiyo ni Mark na magaling na siya at negatibo na ang resulta ng kanyang swab test.

Ang cast at staff naman ng Ang Probinsyano ay naghahanda na sa pagbabalik nila sa lock-in taping sa Batangas.

Ngayong linggo ang simula ng kanilang 14-day self quarantine, at pagkatapos nito ay i-schedule na ang swab test nila.

Pagkatapos ng swab test ay diretso na sila ng Batangas kung saan magsisimula ang taping sa second week of September.

Ito nga ang dahilan kaya hindi na raw makakasama si Lorna sa birthday ng anak na si Renz sa September 8.

Ka-birthday ni Renz si Mama Mary, kaya Renz Marion Fernandez ang buo niyang pangalan.

Hindi puwedeng umuwi kahit sandali si Lorna pagkatapos siyang ma-swab test dahil wala nang labasan iyan sa location.

Continue reading below ↓

Wala raw siyang magagawa kundi sundin ang ipinatutupad na safety protocols ng show.

JERRY OLEA

Napag-alaman ng PEP Troika sa isang Kapuso insider na ngayong Agosto 24, Lunes, ang swab test ng cast at production crew ng GMA-7 primetime series na Descendants of the Sun.

Magbabalik-taping na sa susunod na buwan ang teleseryeng pinangungunahan ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Matapos ang self-quarantine ng cast and crew, sampung araw lang ang itatagal ng kanilang taping kung saan limitado ang bilang ng tao at walang puwedeng lumabas sa location.


Continue reading below ↓

Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado for Descendants of The Sun

Puspusan na rin ang paghahanda ng cast at production team ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa pagbabalik-taping ng show sa ilalim ng new normal.

Last week ay sumabak na sa virtual script reading ang cast ng serye na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, Jay Manalo, Migo Adecer, at Karenina Haniel.


Continue reading below ↓

Snookie Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, and Dina Bonnevie for Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday

Bida si Kris Bernal sa bagong episode ng Kapuso docu-drama na Wish Ko Lang sa Agosto 29, Sabado ng hapon. Makakasama niya rito sina Biboy Ramirez, Ahron Villena, at Barbara Miguel.

Bagong episode din ang mapapanood sa drama anthology na Magpakailanman (MPK) sa Agosto 29, Sabado ng gabi.

Sa MPK episode na "My Gay Husband," tampok si EA Guzman bilang si VJ, isang out and proud na beki na inibig ni Rizza, na gagampanan ni Ana de Leon. Anu-ano kaya ang mga pagsubok na haharapin ni VJ bilang isang magulang at asawa?


Continue reading below ↓

Kris Bernal and EA Guzman

NOEL FERRER

Halos magkasabay na babalik sa taping ang tinatangkilik ng tao na mga bagong episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano at bagong Kapamilya teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Pagkatapos ng dire-diretsong taping ng three to four weeks, ang daming natutunan sa proseso ng pagsunod sa strict health and production protocols.


Continue reading below ↓

Sam Milby and Iza Calzado for Ang Sa Iyo Ay Akin

These tapings will only get better after careful review of the system they have put in place to make sure everyone is safe dahil naranasan na mismo nila noong una.

In fairness to the Kapamilya management, talagang nakinig sila at inaksyunan ang concerns ng kanilang workers.

Sa ganitong buong suporta at pagtitiwala tayo sasandig at tatayo bilang isang industriya!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin at Lorna Tolentino, naghahanda na para sa pagbabalik-taping ng ABS-CBN serye na FPJ's Ang Probinsyano. Kapuso prime-time series nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, malapit nang magkaroon ng bagong episodes.
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano / Descendants of The Sun
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results