Senator Bong Revilla nalungkot na may natutuwa sa pagkakaroon niya ng COVID-19

by PEP Troika
Aug 25, 2020
Senator Bong Revilla: “Kung alam niyo lang kung anong hirap na pinagdaanan ng isang nagka-COVID. Hindi mo maintindihan ang sobrang sakit sa katawan, ang sakit ng mga buto mo. Ang anit mo, parang kinukuryente, ang sakit ng balat, tapos sa madaling-araw, nagtsi-chill ka na talagang nangangatal ang bibig mo. Grabe!”
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Nakalabas na ng ospital si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. nitong Agosto 24, Lunes ng hapon.

“Great news po! The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home,” bahagi ng post ni Senator Bong sa Facebook bago lumabas ng ospital.

“Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home...”

Pagkauwi ni Senator Bong sa bahay nila sa Bacoor, Cavite, ay nag-post sa Facebook ang misis niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Aniya, “Salamat Lord at nakaraos-raos na rin po ako sa mga personal na pagsubok.

“2 sa aking mahal sa buhay ay negative na sa kanilang test results sa Covid-19. Ngayon ay naka-home quarantine na si Sen. Bong Revilla. Parang gusto kong maiyak sa tuwa.

“Salamat po sa lahat ng kanyang doctors, nurses at sa lahat ng mga nagdasal. Glory to God!!!”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakausap ko si Senator Bong pagkauwi niya sa tahanan nila galing St. Luke’s Global, BGC, Taguig City.

Sabi raw ng kanyang doktor, ituloy na lang niya ang self-quarantine sa bahay.

Kaya mga isang linggo pa siyang naka-isolate. Pero dadalo na raw siya sa hearing ng Senado ngayong Agosto 25, Martes, via Zoom.


Continue reading below ↓

OK na ang pakiramdam niya, pero hinding-hindi raw niya makakalimutan itong sakit na ito sa kanyang tanang buhay. Ayaw raw niyang isiping sasapitin ito ng mga mahal niya sa buhay.

Hindi rin daw niya papangaraping pagdaanan ito ng mga taong natutuwa sa pagkakasakit niya.

Nalulungkot si Senator Bong sa mga taong nagmi-message na mamatay na siya sa sakit na ito.

“Bakit may mga ganung tao na natutuwa pa sila na mangyari yun sa kapwa nila? Ako, kahit ano siguro ang galit ko sa isang tao, hindi ko iisiping mamatay na siya. Ganito na talaga sila ka-vicious? Nakakalungkot,” himutok niya.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Senator Bong sa lahat ng nagpadala ng encouraging at inspiring messages sa kanya, lalo na ang mga nagdasal sa paggaling niya.

Nagpapasalamat din siya sa mga nagpadala ng gamot, pagkain, prutas, at tumawag para kumustahin siya.

Sana, ganoon na lang daw at huwag nang pairalin ang galit sa kapwa.

Continue reading below ↓

Ang dami raw niyang napagtanto nang nasa hospital siya, lalo na’t nakausap niya roon ang ilang doktor at mga nars.

Ang gusto raw ni Senator Bong, mabigyan ng tamang pagtrato ang mga nagka-COVID na nakararanas ng discrimination o pandidiri.

Naikuwento raw sa kanya ng ilang doktor na may ilang pasyente raw na na-discharge na sa hospital, pero pagdating sa kanila, ayaw tanggapin sa kanilang barangay.

Saad ng actor-politician, “Hindi dapat ganun, e. Sana matutunan ng lahat kung paano ma-handle ang mga taong nagka-COVID. Hindi sila dapat i-discriminate nang ganun lang.

“Kung alam niyo lang kung anong hirap na pinagdaanan ng isang nagka-COVID.

“Hindi mo maintindihan ang sobrang sakit sa katawan, ang sakit ng mga buto mo. Ang anit mo, parang kinukuryente, ang sakit ng balat, tapos sa madaling-araw, nagtsi-chill ka na talagang nangangatal ang bibig mo. Grabe!”

Tingin ni Senator Bong, matinding virus ang tumama sa kanya.

“Mabuti na lang siguro, malakas ang resistensiya ko. Kasi, kung mahina lang ako, baka bumagsak na ako sa tindi ng virus na tumama sa akin.

Continue reading below ↓

“Pero baka humina rin nung sa wake ng daddy ko, ilang araw din yun na wala akong pahinga, e,” pakli niya.

Sa ngayon ay nagpapalakas na raw siya ng resistensiya dahil ayaw niyang kapitan pa uli ng mabagsik na virus.

Gagamitin daw niya ang ilang gamot at supplement na ipinadala sa kanya, para madagdagan siya ng zinc at lalo pang tumaas ang kanyang immune system.

May suggestions siya sa akin na mga gamot na pam-boost ng immune system. Yun daw ang panlaban natin lahat—ang pataasin pa lalo ang ating immune system para hindi tayo kapitan ng COVID-19.

NOEL FERRER

Mabuti naman at maayos na si Senator Bong Revilla.

Ito na yatang pagkakasakit niyang ito ang isa sa pinaka-documented na pagkakasakit, na marahil naging coping mechanism niya sa pagsubok sa kanyang buhay.

Soon, susuungin niya ang marami pang sakit ng bayan sa mga Senate hearings.

Ingat po tayo lagi!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla: “Kung alam niyo lang kung anong hirap na pinagdaanan ng isang nagka-COVID. Hindi mo maintindihan ang sobrang sakit sa katawan, ang sakit ng mga buto mo. Ang anit mo, parang kinukuryente, ang sakit ng balat, tapos sa madaling-araw, nagtsi-chill ka na talagang nangangatal ang bibig mo. Grabe!”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results