Alden Richards at Jennylyn Mercado magbibida sa magkaibang episodes ng bagong Kapuso drama anthology

by PEP Troika
Aug 25, 2020
Tampok ang Kapuso stars na sina Alden Richards (kaliwa) at Jennylyn Mercado (kanan) sa magkaibang episodes ng bagong drama anthology ng GMA-7 na "I Can See You."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Magti-taping na si Alden Richards sa Biyernes, August 28, para sa bagong drama anthology ng GMA-7 na pinamagatang I Can See You.

Ang title ng episode na pagbibidahan ni Alden ay "Love in the Balcony," kung saan makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno.

Ang I Can See You ay weekly show na iba-ibang kuwento na tatampukan ng Kapuso stars.

Ang susunod na episode ay pagbibidahan nina Paolo Contis at Andrea Torres.

Meron ding episode para kina Tom Rodriguez at Winwyn Marquez.

Ang pam-finale ay sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Rhian Ramos.

Ginawa ng GMA-7 ang drama anthology habang inaayos pa ang pagbabalik-taping ng ilang drama series ng Kapuso network.

So far, ang Descendants of the Sun (DOTS) pa lang ang nakakasa, kaya pina-swab test na ang lahat ng involved sa seryeng ito noong Lunes, August 24.

Kapag okay na itong sa DOTS, kung saan kailangang mahigpit na ipatutupad ang safety protocols at guidelines, isusunod na rin daw ang Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Alam ko, inaayos na rin ang Bilangin ang Bituin sa Langit at Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

So far, wala pa kaming balita sa Love of My Life at sa iba pang Kapuso drama series.

NOEL FERRER

Hurrah for fresh contents!

Dahil pabor ito sa audience, OK na OK din ito sa mga trabahador sa ating industriya.

If you notice, most of the stars involved here are network stars na malamang may guaranteed income.

At least, with this work (kahit pa weekly program) ay nakakabawi sa ilang buwan nilang walang trabaho. More! More!

Dahil saan man tingnan, pabor ito sa lahat ng sektor—basta mag-iingat lang talaga sa health concerns at susundin ang lahat ng protocols.

Now, we can watch you again because of... I Can See You!

JERRY OLEA

So, kani-kanya pala ng episode na pagbibidahan sina Alden at Jennylyn sa bagong Kapuso anthology.

Si Jasmine ang katambal ng Asia’s Multimedia Star, hindi si Jennylyn.

Continue reading below ↓

Parehong nasa cast ng Descendants of the Sun sina Jennylyn at Jasmine.

Sakaling magbalik-taping ang Love of My Life, kasali pa kaya rito ang veteran actress na si Coney Reyes? O papatayin na ang karakter niya gaya ng nangyari sa karakter ni Christopher de Leon sa Kapamilya series na Love Thy Woman?

Kung magti-taping na si Dingdong Dantes para sa Descendants of the Sun, malabong makipagsabayan ng lock-in taping si Marian Rivera para sa First Yaya nila ni Gabby Concepcion.

Kauuwi pa lang ni Senator Bong Revilla mula sa ospital, at may trabaho pa siya sa Senado, kaya hindi muna niya mahaharap ang taping ng Agimat ng Agila.

Hintayin natin ang updates sa iba pang Kapuso series gaya ng Lolong, Owe My Love, Legal Wives, Babawiin Ko Ang Lahat, Seed of Love, Sanggang Dikit, at Voltes V Legacy.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ang Kapuso stars na sina Alden Richards (kaliwa) at Jennylyn Mercado (kanan) sa magkaibang episodes ng bagong drama anthology ng GMA-7 na "I Can See You."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results