Kathryn Bernardo, Alden Richards, Nadine Lustre nominado sa Gawad Urian; Judy Ann Santos, inisnab

by PEP Troika
Aug 27, 2020
43rd Gawad Urian nominees: (top, from left) Janine Gutierrez for Babae At Baril; Kathryn Bernardo and Alden Richards for Hello, Love, Goodbye; Elijah Canlas for Kalel, 15; Nadine Lustre for Ulan; (bottom, from left) Jansen Magpusao for John Denver Trending; Angie Ferro for Lola Igna; Alessandra de Rossi for Lucid; and Louise Abuel for Edward.

JERRY OLEA

Nominado sa acting categories ng 43rd Gawad Urian ang mga bida sa highest-grossing Filipino film in history, maging ang winners sa 2019 filmfests ng Cinemalaya, Cinema One Originals, Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at QCinema.

Inisnab ng Urian ang winners ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at Sinag Maynila.

Nominado sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang best actor at best actress, respectively, para sa Hello, Love, Goodbye.

Sampu ang nominadong best actor.

Kabilang sa katunggali ni Alden sina Jansen Magpusao (best actor sa Cinemalaya para sa John Denver Trending), Gold Azeron (best actor sa Cinema One Originals para sa Metamorphosis), Elijah Canlas (best actor sa 17th Asian Film Festival ng Rome, Italy para sa Kalel, 15), at Raymond Bagatsing (best actor sa CinemaWorldfest AUTUMN Awards sa Canada, at IndieFilm Festival sa California, USA para sa Quezon’s Game).

Nominado ring best actor sina Louise Abuel (Edward) at Royce Cabrera (Fuccbois) para sa kani-kanyang Cinemalaya entry, si Gio Gahol (Sila-sila) sa kanyang Cinema One Originals entry, maging si Direk Joel Lamangan (Ang Hupa) na nagwaging best supporting actor ng Urian last year para sa School Service.

Continue reading below ↓

Ang best actor ng Sinag Maynila 2019 ay si Nar Cabico (Akin Ang Korona), pero ang nominadong best actor sa Urian ay si Oliver Aquino para sa Jino to Mari.

Labing-isa ang nominadong best actress sa 43rd Gawad Urian.

Maliban kay Kathryn, nominado si Nadine Lustre (Ulan) na best actress winner ng Urian last year para sa Never Not Love You, Ruby Ruiz (best actress ng Cinemalaya para sa Iska), Angie Ferro (best actress ng PPP para sa Lola Igna), Alessandra de Rossi (best actress ng Cinema One Originals para sa Lucid), Janine Gutierrez (best actress ng QCinema para sa Babae at Baril), at Maxine Eigenmann (best actress sa Asia Pacific Screen Awards sa Brisbane, Australia para sa Verdict).

Nominado rin sina Jean Garcia (Watch Me Kill) at Anita Linda (Circa) para sa kani-kanyang PPP entry, maging sina Bela Padilla (Mañanita) at Sue Prado (Alma-ata).

NOEL FERRER

Snubbed ang MMFF, Cairo International Film Festival, at Tanglaw Best Actress na si Judy Ann Santos sa pelikulang Mindanao.

Continue reading below ↓

Not that Juday minds, kasi nanalo na siya sa Gawad Urian noong 2005 para sa Sabel at lagi naman siyang nano-nominate. Pero waley kahit anong nominasyon ang pelikula niyang Mindanao.

Maliban sa best actress award for Juday, wagi ang Mindanao sa MMFF 2019 sa mga kategoryang best picture, Gat Antonio J. Villegas Cultural Award, Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, best director (Brillante Mendoza), best actor (Allen Dizon), best child performer (Yuna Tangog), best sound, best visual effects, Gender-Sensitivity Award, at best float.

Para rin iyang usaping National Artist, na naging headline ang pagsulong ng mga senador para maging Pambansang Alagad Ng Sining si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Meron agad member ng academe na nagsabing "good luck" dahil hindi napopolitika ang National Artist Award. Body of work ang pinag-uusapan riyan at super higpit ang three-level deliberations niyan.

This said, kanya-kanyang panlasa at standard talaga ang iba’t ibang mga gawad.

Continue reading below ↓

Sa gitna ng pandemya, sana nga ay may halaga pa ito!

GORGY RULA

Naisip ko nga, may halaga pa ba ang mga awards na ito ngayong panahon ng gutom at pagkawala pa ng hanapbuhay?

Ang kailangan ngayon ay pagkain, hindi trophy. Hindi pwedeng ilaga ang batong nakadikit sa tropeyong ipinamamahagi ng mga Manunuri.

Bago pa dumating ang COVID-19, naghihingalo na ang ating movie industry.

Sinisikap pang sagipin ito ng mga binubuong film festivals kagaya ng Summer MMFF. Pero hindi na natuloy.

Hanggang ngayon ay malaking tanong pa rin kung matutuloy ba ang MMFF sa darating na Kapaskuhan. Wala pang katiyakan kung pwedeng buksan ang mga sinehan.

Mabuti na lang at merong digital films online, may BL series, may mga pa-throwback ng mga lumang pelikula. Hanggang alaala na lang ang mga matitinong pelikulang napapanood paminsan-minsan sa mga sinehan.

Naghahalo na rin ang mga basura at magagandang pelikula sa Netflix.

Kahit paano, may magaganda pa ring napapanood sa TV. Pero pinatay naman ang isang malaking istasyon.

Continue reading below ↓

Kaya ano pa ang silbi ng mga parangal na ito? Hindi na nakaka-relate dito ang taumbayang nagdurusa sa pandemyang ito.

JERRY OLEA

Kabilang pa sa mga inisnab ng Urian sina Martin del Rosario na best actor ng PPP para sa The Panti Sisters, at ang nagtabla bilang best actress ng Sinag Maynila na sina Sylvia Sanchez (Jesusa) at Angela Cortez (Jino to Mari).

May mga humahanash din sa pagkaligwak ni Kokoy de Santos, lalo pa’t nominado ang co-actor niya sa Fuccbois na si Royce Cabrera, at ang katambal niya sa Pinoy BL series na Gameboys na si Elijah Canlas.

At any rate, nominadong best supporting actor sa 43rd Gawad Urian sina Ricky Davao (best supporting actor ng Cinemalaya para sa Fuccbois), Topper Fabregas (best supporting actor ng Cinema One Originals para sa Sila-Sila), at Kristoffer King (best performance sa Singapore International Film Festival Silver Screen Awards para sa Verdict).

Ganoon din sina Dido de la Paz (Edward), Yves Flores (Lola Igna), JC Santos (Babae at Baril), at Noel John Noval (Huwebes, Huwebes).

Continue reading below ↓

Nominadong best supporting actress sina Yayo Aguila (Metamorphosis), Pinky Amador (Ang Hupa), Perla Bautista (Ulan), Angie Castrence (Iska), Maricel Laxa (Hello, Love, Goodbye), Meryll Soriano (John Denver Trending), at Cherie Gil (Kaputol) na best supporting actress ng Urian last year para sa Citizen Jake.

Sa acting nominees ng 43rd Urian, dalawa ang pumanaw na—sina Anita Linda at Kristoffer King.

Facebook post ni Direk Adolf Alix Jr. nitong Agosto 27, Huwebes kaugnay sa nominasyon ni Anita (Alice Lake sa totoong buhay) para sa pelikulang Circa na idinirek niya, “Maraming salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pagkilala sa pagganap ni Bb. Anita Linda para sa Circa.

“Alam ko pong siya’y nakangiti ngayon sa langit dahil sa magandang balitang ito.

“Ang inyong mga mahusay na pagganap ang laging magpapaalala sa amin sa iyo, Tita Alice.”

Ang walong nominadong best picture sa 43rd Gawad Urian ay Babae at Baril, Cleaners, Edward, Ang Hupa, Huwebes, Huwebes, John Denver Trending, Kalel, 15, at Metamorphosis.

Continue reading below ↓

Ang walong nominadong best director ay sina Glenn Barit (Cleaners), Arden Rod Condez (John Denver Trending), Lav Diaz (Ang Hupa), Jun Lana (Kalel, 15), Arnel Mordoquio (Alma-ata), Thop Nazareno (Edward), Rae Red (Babae at Baril), at JE Tiglao (Metamorphosis).

Nominadong best picture ang Huwebes, Huwebes pero ligwak ang direktor nito sa kategoryang best director, sa halip ay nominado ang direktor ng Alma-ata.

Best director ng Cinemalaya 2019 si Eduardo “Edong” Roy Jr. para sa Fuccbois, ngunit initsapwera siya ng Urian.

Nominado sa Urian ang mga artista ni Direk Edong sa Fuccbois (Royce Cabrera, Ricky Davao) at Lola Igna (Angie Ferro, Yves Flores), pero hindi iyon sapat upang kilalanin siya.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
43rd Gawad Urian nominees: (top, from left) Janine Gutierrez for Babae At Baril; Kathryn Bernardo and Alden Richards for Hello, Love, Goodbye; Elijah Canlas for Kalel, 15; Nadine Lustre for Ulan; (bottom, from left) Jansen Magpusao for John Denver Trending; Angie Ferro for Lola Igna; Alessandra de Rossi for Lucid; and Louise Abuel for Edward.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results