Saviour Ramos, hindi kayang tapatan ang pagpapa-sexy ng amang si Wendell Ramos

by PEP Troika
Aug 28, 2020
Saviour Ramos (right) on not doing the sexy roles his dad Wendell Ramos (left) did: "Kasi, napagdaanan na niya po ang ganun pong roles and alam ko po, napag-usapan na po namin yun before, and I don’t think na papayag po siya. Hindi niya po magugustuhan yun."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Proud ang baguhang aktor na si Saviour Ramos sa kanyang amang si Wendell Ramos dahil talagang focused daw ama ngayon sa pagiging bumbero.

Sabi ni Saviour nang nakatsikahan namin sa DZRH nitong Agosto 26, Miyerkules ng gabi, noon pa man ay dream na ng papa niyang maging bumbero.

Continue reading below ↓

Napasok lang daw ito sa pag-aartista kaya hindi natuloy ang training ni Wendell para maging fireman.

“Before pa po yun. Hindi lang niya po sinasabi sa lahat, sa press.

“Hinintay lang niya po na gawin yung gusto niya, which is ngayon nga po ang best chance. Lalo na nga po na ang daming nasunugan sa Manila.

"Kaya laging wala po siya sa house. Active po siya dun," sabi ni Saviour nang tinanong namin ang pagiging firefighter ng ama.


Continue reading below ↓

Hindi man naging "bumbero" sa pelikula si Wendell, may mga nagawa siyang projects kung saan nagpa-sexy siya.

Sabi ni Saviour, ngayong papasukin na niya ang pag-aartista, tingin niya ay hindi siya papayagan ng ama na sundan ang mga yapak nito sa pagpapa-sexy.

“Yung medyo daring po, hindi ko po alam kung kaya ko po yung gawin, and I don’t think po na papayag po si Papa.

"Kasi, napagdaanan na niya po ang ganun pong roles and alam ko po, napag-usapan na po namin yun before, and I don’t think na papayag po siya. Hindi niya po magugustuhan yun.

“Sabi pa po niya yata before na, okay na po, napagdaanan niya before, huwag na ako."

Hindi nga raw alam ni Saviour kung paano napapayag ni Direk Adolf Alix Jr. si Wendell na gawin ng anak ang isang episode ng BL anthology na Unlocked.

Sa “Neo and Omar” episode ng Unlocked series ipakilala si Saviour bilang artista. Mapapanood ito sa Setyembre 3, Huwebes, sa Gagaoolala.

Continue reading below ↓

Cute BL story ito, kung saan co-star ni Saviour ang multi-awarded na si Miggs Cuaderno.


Miggs Cuaderno (left) and Saviour Ramos (right)

JERRY OLEA

Sakdal kinis ang balat ni Wendell, maski itanong pa ninyo sa kaibigan niyang si Antonio Aquitania.

Kaya kering-keri noon ni Wendell na mag-T-back sa mga fashion payanig ng Bench. Ilang beses din siyang pwetmalu sa mga pelikula.

Continue reading below ↓

Tingin ni Saviour, mas makinis talaga ang Papa niya kesa sa kanya.

“Iba pa rin po yung original. For me po, kung ano po yung kaya kong ilabas na kinis, yun na lang po siguro,” sabi ng 21-anyos na panganay ni Wendell.


NOEL FERRER

Naikuwento ni Direk Adolf sa akin na in-explain niya nang maayos kay Wendell at asawa nito ang Unlocked project. Kaya napapayag ang mga magulang ni Saviour para gampanan ng anak nila ang medyo mapangahas na role.

Continue reading below ↓

Actually, nakakatuwa talaga si Wendell. Kasi, sa gitna ng pandemya, lalo siyang naging family-oriented at matibay rin ang spiritual anchor niya.

Bukod pa riyan, naging productive siya sa pagpu-pursue ng pagiging bumbero, then meron pa siyang fuel business at isang meat shop.

Alam ni Wendell na love ko siya bilang kaibigan at, noon pa man, we wanted to work on a dream acting piece. Besides, he is no Urian awardee for nothing.

Noong birthday niya, nang binati ko siya, I told him na sana ay matuloy na ang pelikulang project with him, with Adolf as director.

We are just fixing the material and we’ll make the announcement kung sigurado na!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saviour Ramos (right) on not doing the sexy roles his dad Wendell Ramos (left) did: "Kasi, napagdaanan na niya po ang ganun pong roles and alam ko po, napag-usapan na po namin yun before, and I don’t think na papayag po siya. Hindi niya po magugustuhan yun."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results