Luchi Cruz-Valdes, siningil ang utang ni Korina Sanchez noon pang '80s

by PEP Troika
Aug 28, 2020
Sa unang pagkakataon ay lalabas si Korina Sanchez (naka-denim jacket) sa isang programa ng TV5. Pumayag siyang magpainterbyu sa dating kasamahan sa ABS-CBN na si Luchi Cruz-Valdes (naka-denim pants) sa programa nitong Usapang Real Life.
PHOTO/S: Courtesy of TV5

JERRY OLEA

Mapapanood sina Korina Sanchez at Kim Atienza sa TV5!

Nakaharap ni Luchi Cruz-Valdes sina Ate Koring at Kuya Kim sa magkahiwalay na interbyu noong Agosto 15, Sabado, para sa TV program niyang Usapang Real Life sa Kapatid Network.

First time iyong lumabas ng bahay ni Luchi mula nang mag-umpisa ang ECQ noong Marso 15.

Agosto 15 ng umaga, nagsadya si Luchi sa condo unit ni Korina sa BGC, Taguig City. First time matutunghayan sa TV ang nasabing condo unit ni Korina.


Continue reading below ↓

Bongga ang tsikahan nina Luchi at Korina. Inurirat ni Luchi si Korina kung totoong kinatatakutan ito ng mga tauhan sa ABS-CBN.

Ang nakakaaliw pa, siningil ni Luchi si Korina sa utang nito! Noong 1980s na pareho pa silang nasa ABS-CBN, pinahiram ni Luchi ng P100 si Korina para pambayad sa taxi. Nakalimutan iyon ni Korina, kaya ipinaalala ni Luchi.

Siyempre, napahugot bigla si Korina sa kanyang wallet... ang tanong, tatanggapin kaya ito ni Luchi kasama ang interes?

Pagkatapos ng morning chikahan at singilan kay Korina, pinuntahan naman ni Luchi si Kim at ang misis nitong si Felicia kinahapunan sa tahanan ng mga ito sa Malate, Manila.


Continue reading below ↓

Matutunghayan ang interview at house tour ni Korina sa Episode 5 ng Usapang Real Life (URL) sa Setyembre 12, Sabado, 9:00 P.M., sa TV5.

Kasado na ang guests ng URL hanggang Episode 8. Tampok sa Episode 3 bukas, Agosto 29, Sabado, sina Alessandra de Rossi, Allan K at Kim Idol.

Ine-edit na ang teaser para sa Episode 4 kung saan panauhin si Catriona Gray.

Tampok sa Episode 6 ang mga panayam sa mga mag-asawang Kim at Felicia Atienza, at Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres.

Nakabangko na ang panayam ni Luchi kina Vic Sotto at Pauleen Luna, Judy Ann Santos, Rocky Gathercole, at Jessy Mendiola.


Continue reading below ↓

Inaayos pa ang interview ni Luchi sa isang super-sikat na Kapamilya actor, at sa isang kontrobersiyal na mang-aawit.

GORGY RULA

Ang ganda ng title na Usapang Real Life.

Bukod sa mga kilalang celebrities, maganda rin sigurong mag-feature si Madam Luchi ng mga kuwento ng mga simpleng tao na talagang tumatalakay ng real life nila.

Kahit sabihin mang tipong kopya sa Kapuso Mo, Jessica Soho at Rated K, okay lang basta interesting sa televiewers. Kailangan lang talaga ng magagaling na writers at researchers.

Kung may Korina sa Rated K dati ng ABS-CBN, nasa KMJS si Madam Jessica, swak si Madam Luchi sa URL ng TV5.

JERRY OLEA

As mentioned earlier, sina Alessandra de Rossi, Allan K, at Kim Idol ang nainterbyu ni Luchi para sa Episode 3 ng Usapang Real Life bukas, Agosto 29, Sabado ng 9:00 P.M., pagkatapos ng Bangon Talentadong Pinoy sa TV5.

Kinumusta ni Luchi kay Alessandra ang buhay-pandemic nito.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Alessandra, “Ito talaga ‘yung real life ko, I never leave the house, unless it’s work.

“Of course, financially, walang pumapasok. Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only have 18,000 pesos in my account.”

Himutok pa ni Alessandra, kung kailan wala siyang trabaho ay saka naoospital ang mga taong malalapit sa kanya.

“Kasi, ako si ‘Miss O, Anong Problema?’ OK, let’s fix this. OK, gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? What if ganyan?

"It’s the first time in my life that I don’t have the answers," salaysay pa ng aktres.

Ikinuwento naman ni Allan K ang kanyang saloobin sa pagsasara ng Zirkoh at Klownz, comedy bars na pag-aari niya.

Sa kuwentuhan ni Luchi with Kim Idol bago ito pumanaw, ang tinalakay nila, “What is your PURPOSE in life?"

MORE PEP TROIKA STORIES

sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang pagkakataon ay lalabas si Korina Sanchez (naka-denim jacket) sa isang programa ng TV5. Pumayag siyang magpainterbyu sa dating kasamahan sa ABS-CBN na si Luchi Cruz-Valdes (naka-denim pants) sa programa nitong Usapang Real Life.
PHOTO/S: Courtesy of TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results