Sarah Balabagan, nag-sorry sa unang nasabi tungkol sa edad ng anak

by PEP Troika
Aug 29, 2020
Kaliwa: Sa kanyang Facebook Live noong Agosto 21, ibinunyag ni Sarah Balabagan kung sino ang ama ang kanyang panganay na anak. Kanan: Si Sarah, edad 17 nang makauwi ng Pilipinas mula United Arab Emirates.

JERRY OLEA

Nagkamali si Sarah Balabagan. At nag-sorry.

Sa Facebook post ni Sarah nitong Agosto 28, Biyernes, itinuwid niya ang edad ng kanyang panganay na anak na nagngangalang Ara.

Sa halip na 21 ay 22 anyos na pala si Ara, na ipinanganak ni Sarah noong Nobyembre 1997.

“Sorry mahina ako Sa math. so, 23 years ago na pala,” sabi pa ni Sarah.

Ang ibig niyang sabihin, dalawampu’t tatlong (23) taon na ang nakaraan mula nang ma-conceive niya si Ara.


Continue reading below ↓

Kung Nobyembre 1997 nanganak si Sarah, malamang na Pebrero 1997 nabuo ang bata.

Ayon sa Google, ang birthdate ni Sarah ay Agosto 17, 1979, samantalang ang lalaking itinuturo niyang ama ng kanyang panganay na si Arnold Clavio ay may birthdate na Nobyembre 2, 1965.

Kaya noong Pebrero 1997 ay 17 anyos pa lamang si Sarah, habang 31 anyos naman si Arnold noon.

Agosto 1, 1996 nakauwi ng Pilipinas si Sarah mula sa United Arab Emirates (UAE), kunsaan siya nakulong, pinagmulta, at pinarusahan ng paghampas ng baston sa katawan ng isandaang beses.

Kapalit ng kaparusahang ito ang naunang hatol sa kanyang death by firing squad dahil sa pagpaslang sa kanyang among Arabo na nagtangkang gahasain siya.

Napalapit si Sarah kay Arnold na kung tawagin pa niya noon ay "Kuya Arnold."

Sa Facebook Live ni Sarah noong Agosto 21, Biyernes—apat na araw makalipas ang kanyang ika-41 na kaarawan—sinabi nitong si Arnold, 54, ang ama ng kanyang panganay na anak.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Sarah, 1996 sila nagkaroon ng lihim na relasyon ni Arnold.

Agosto 25, Martes, lumabas ang panayam ni Ben Tulfo kay Sarah sa YouTube channel na Bitag Live.

Dito hinamon ni Sarah si Arnold na magpakalalaki at umaming siya ang ama ni Ara.

GORGY RULA

Hinihintay na lang ang pahayag ni Arnold kaugnay rito.

Sa radio program namin sa DZRH, ang daming nagti-text na hinihingan kami ng opinyon tungkol dito.

Pero mahirap, dahil mas mabuting hintayin muna ang pahayag ni Igan.

Mahirap makisabayan sa mga nanghuhusga na kaagad.

Kaya sa tamang panahon, maaring magsasalita na rin si Arnold para matapos na ito.

Siya lang ang makakapabigay tuldok sa isyung ito.

NOEL FERRER

Buti naman at naituwid ni Sarah ang math problem.

Kasi, marami ang nanghusga na at nagsabing menor de edad ito nang mangyari ang lahat.

Open secret ito sa ating industriya.

Bagama’t ipinaliwanag na ni Sarah sa FB live noong Agosto 21 kung anu-ano ang nagbunsod sa kanyang umamin matapos ng mahigit dalawang dekada, nariyan pa rin ang tanong ng iba kung bakit lumitaw na naman ang ganitong usapin.

Continue reading below ↓

Bakit ngayon?

Yun lang!

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaliwa: Sa kanyang Facebook Live noong Agosto 21, ibinunyag ni Sarah Balabagan kung sino ang ama ang kanyang panganay na anak. Kanan: Si Sarah, edad 17 nang makauwi ng Pilipinas mula United Arab Emirates.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results