Bulacan Gov. Daniel Fernando, COVID-19-positive; Jomari Angeles, "false positive"

by PEP Troika
Aug 30, 2020
ISANG POSITIVE AT ISANG FALSE POSITIVE—Kumpirmado mismo ni Bulacan Governor Daniel Fernando (kaliwa) ang pagiging coronavirus-positive. Ang aktor namang si Jomari Angeles (kanan), napatunayang negative sa nasabing sakit matapos mag-"positive" sa rapid testing. Matagal nang pinagdududahan ang effectiveness ng rapid testing.
PHOTO/S: Facebook / Daniel R.Fernando | Instagram / @jomariangeles_

JERRY OLEA

Kinumpirma ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na positibo siya sa COVID-19.

“Matapos makasalamuha ang isang lokal na opisyal na nagpositibo sa Covid-19, ako ay nagpasyang magpasuri alang-alang sa kaligtasan ng lahat. Lumabas ang aking real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) bilang positive-asymptomatic noong araw ng Biyernes (Agosto 28).

Ito ang pag-amin ng 58 anyos na actor-politician sa kanyang Facebook page nitong Agosto 29, Sabado, bago maghating-gabi.

Sabado ng bandang 3:00 PM nang mag-shout out sa Facebook si Joey Sarmiento, aka Kuya Jay Machete, ng 91.5 Win Radio Manila na positive si Gov. Daniel sa coronavirus.


Continue reading below ↓

Bahagi pa ng pabatid ni Gov. Daniel, “Ako po ay nagdesisyon na mag-self-quarantine sa aking Official Residence kung saan ay patuloy kong pamumunuan ang Lalawigan ng Bulacan, partikular na ang pagsugpo sa pandemya...

“Ang inyong Gobernador ay nananatiling masigla, malakas at hindi nakararanas ng anumang sintomas sa nagdaang ilang araw.

“Sa nagdaang limang buwan mula ng NCR lockdown, araw at gabi tayong sama-samang nagpagal at nakipaglaban para sa kaligtasan ng ating pamayanan at mga mahal sa buhay.

“Ipinagdiwang natin ang bawat tagumpay laban sa Covid-19, at gaano man kahirap ang sitwasyon, hindi tayo titigil hanggat hindi natin nalulupig ang pandemyang ito.

“Maaasahan po ninyo ang aking patuloy na paglilingkod upang maihatid ng walang pagkabalam mga mahahalagang serbisyo para sa aking mga kalalawigan, lalu na panahon ng pandemya.

“Hindi muna po natin pahihintulutan ang face-to-face interaction sa publiko, sa kahabaan ng aking dalawang linggong isolation.

“Sa kabila nito, patuloy ang buong operasyon ng lahat ng tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ang paghahatid ng pangunahing serbisyo-publiko.

Continue reading below ↓

“At the end of the day, we are made to realize that the virus spares no one. Maging ang mga world leaders at top government officials ay nakabilang sa mga naging biktima nitong malupit na virus.

“Wala itong pinalalagpas at walang sini-sino. Walang mayamang bansa, walang mahirap na bansa. Walang malakas, walang mahina.

“Kaya naman nananawagan ako sa lahat — na maging responsableng mamamayan at ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health standards at protocols upang makapagligtas tayo ng maraming buhay.

“Agad ko pong ipinag-utos ang masusing contact tracing upang matukoy ang mga taong nagkaroon ng close contact sa inyong lingkod. Ako din po ay nananawagan sa sino mang nakararanas ng mga sintomas na lumapit sa Provincial Health Office para sa pagsasagawa ng proper testing protocols. Ito ay bahagi ng ating responsibilidad sa lipunan.

“Ako po ay patuloy na maglilingkod mula sa aking Official Residence gamit ang mga makabagong teknolohiya ng komunikasyon at sa ilalim ng strict health protocols.

Continue reading below ↓

“Ang akin pong key staff ay gagamit ng full PPE at lahat ng aming kagamitan at mga dokumento ay magdadaan sa strict UV disinfection procedures.”

Nagpasalamat si Gov. Daniel sa pagbuhos ng pag-aalala ng kanyang constituents para sa kanyang kaligtasan.

Lubos daw ang kanyang pananampalataya sa walang hanggang habag at pagliligtas ng Dakilang Diyos.

Dagdag ni Gov. Daniel, “Ang pandemyang ito ay isang matinding pagsubok, subalit ito ay may hatid rin naman na ginintuang pagkakataon.

“Ito ay ang pagkakataong isabuhay ang prinsipyo ng pagdadamayan ng sambayanan at pamahalaan, at ito nawa ay magpatuloy, hanggang sa tayo ay makabalik na sa normal na daloy ng buhay.

“Mahigpit kong pinanghahawakan ang salita ng Diyos na buhay, ang sabi sa Awit 56:3: ‘Kapag ako'y natatakot, magtitiwala ako sa Iyo, o, Dios..’ Dalangin ko para sa bawat Bulakenyo ang patuloy na paggabay at pagliligtas ng ating Makapangyarihang Diyos.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana’y hindi na lumala ang Covid case ni Governor Daniel Fernando.

Isa namang kaso ng false positive ang naganap sa talent kong si Jomari Angeles.

Magge-guest dapat siya sa drama segment inspirational show ni Judy Ann Santos na Paano Kita Mapasasalamatan? nang mag-positive siya sa rapid test na requirement bago mag-taping.

Natural, tanggal siya sa taping at sayang ang dalawa sanang taping days para sa kanyang role.

Dahil responsableng citizen, itinuloy ni Jomari ang pagpapa-swab test, at doon lumabas na siya ay negative sa Covid-19.

Continue reading below ↓

Bakit mahalaga ang kuwento ni Jomari?

Pagpapatunay ito na hindi reliable na batayan ang rapid test sa pagkakaroon ng coronavirus.

Balitang ginagamit at inuubos na lang ang supply nito sa bansa natin, kaya meron pa ring nag-a-adhere sa ganitong test, kahit ang swab test talaga ang sinasabing gold standard sa Covid testing.

Mas mas malalim na pagtatanong at pagsisiyasat, may nagkamali bang mag-require nito at bumili na ng maraming stocks ng rapid tests — only to be proven wrong?

“Sayang ang resources,” iyan ang narinig nating comment sa ilang mambabatas na kinukwestyon ang ilang galawan ng DOH (Department Of Health).

GORGY RULA

Mabuti at kinumpirma na iyon ni Gov. Daniel Fernando sa kanyang Facebook account.

Hindi kasi tamang pangunahan siya ng media gayung wala pa siyang kumpirmasyon.

Kahit sabihin pang may basbas yun ng taong may sakit, dapat hintayin talaga ang kumpirmasyong nanggagaling mismo sa may katawan.

Nasa maselan silang sitwasyon na dapat maingat tayo sa pagbabalita.

Continue reading below ↓

May ilang kakilala namin sa showbiz na kumpirmadong nag-positive sila, hindi natin nababalita dahil wala pa silang inilalabas na statement kaugnay ng kanilang kalagayan.

May isang aktor na hindi natuloy sa isang project dahil sa dalawang beses siyang nag-positive sa swab/rapid test.

Nagkaroon pa yata ng hawaan sa ilang kasamahan, kaya mahirap ibalita kung walang kumpirmasyon mula sa kanya at sa ilang kasamahan nito.

Ang latest, negative na si Aktor, pero nawalan na siya ng isang magandang project. Kawawa rin.

Kaya medyo sensitive tayo sa pag-handle sa kanilang kalagayan.

Kung nanatili silang tahimik at ayaw na nila itong pag-usapan pa, hayaan na lang natin at ipagdasal ang tuluy-tuloy nilang paggaling.

Dagdagan pa ang dasal na bumaba na ang pagdagdag ng mga Covid cases, kasi parang normal na ang mahigit tatlong libong naitatala araw-araw.

Sana, mas dumami pa ang mga naka-recover at pababa na ang nagpopositibo sa ating mga kababayan.

Iyon na lang kasi ang kayang gawin ng ating pamahalaan. Ang mag-report ng Covid cases.

Continue reading below ↓

Wala tayong nararamdamang ginagawa nila para humusay ang Covid-19 response ng bansa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ISANG POSITIVE AT ISANG FALSE POSITIVE—Kumpirmado mismo ni Bulacan Governor Daniel Fernando (kaliwa) ang pagiging coronavirus-positive. Ang aktor namang si Jomari Angeles (kanan), napatunayang negative sa nasabing sakit matapos mag-"positive" sa rapid testing. Matagal nang pinagdududahan ang effectiveness ng rapid testing.
PHOTO/S: Facebook / Daniel R.Fernando | Instagram / @jomariangeles_
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results