Kevin Santos, malaki ang pasasalamat sa mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla Jr.

by PEP Troika
Aug 30, 2020
Ayon kay Kevin Santos (kaliwa) malaki ang naitulong sa kanya ng mag-asawang Rey Soldevilla Jr. at Yasmien Kurdi (kanan). Dahil daw sa mga ito, nakuha niyang matapos ang dalawang kursong kanyang kinuha.
PHOTO/S: Instagram / @pilot_kevinreal, @yasmien_kurdi

GORGY RULA

Si Yasmien Kurdi pala at ang asawa niyang si Rey Soldevilla Jr. ang nagkumbinse kay Kevin Santos na tapusin ang pag-aaral.

Si Rey na isang commercial pilot ang nag-guide nang husto kay Kevin sa pag-aaral ng Aviation sa Flightline Aviation School sa Bulacan.

Nakakuha na si Kevin ng license sa pagpapalipad ng private plane.

Natapos na rin niya at kukuha na rin daw sana siya ng lisensya bilang commercial pilot, kaya lang, hindi ito natuloy dahil inabot na siya ng Enchanced Community Quarantine (ECQ).

Si Yasmien din ang tumulong kay Kevin na makapag-enrol at tapusin ang kursong AB Political Science sa Arellano University.

Doon din nakapag-graduate si Yasmien na naging cum laude pa.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Kevin sa mag-asawa dahil malaki ang naitulong nila para makapagtapos siya ng dalawang kurso.

Ang ikinalungkot lang ni Kevin, hindi niya na-experience ang mag-graduate lalo na’t kandidato rin siya bilang cum laude.

Continue reading below ↓

Na-cancel ang graduation ceremony dahil sa pandemic.

“Nagkaroon kasi siya ng pandemic na kahit graduation rites namin, na-cancel. Kumbaga, kaming magkaklase… yun ang hinihintay namin, e. Ang makapagmartsa, abutan ka ng diploma sa stage, at meron ka pang bonus na Latin honors.

“Iyon ang pinakamasarap na mapi-feel mo after so many years na pag-aaral mo, para matapos lang itong kursong ito para makakuha ka ng diploma,” pakli ng Kapuso actor nang nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, August 28 ng gabi.

“So, para sa akin, nakakalungkot na hindi pa natin masisigurado kung ibibigay sa akin yun dahil sa pandemic na nangyayari.

“Ang masarap pa kasi na malagay sa yearbook mo na kunyari mabigyan ako ng Latin honors.

“Masarap dun na nakalagay, 'Kayvin Santos, AB Political Science, Cum Laude.' Ang sarap pakinggan, di ba?"

Kayvin Santos ang tunay niyang pangalan.

“Kumbaga, nakakalungkot lang talaga, hindi ko alam kung maririnig ko yung ganung salita,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Masaya si Kevin dahil nakabawi siya sa kanyang magulang dito sa pagtatapos niya ng pag-aaral.

Naging pabaya siya noong kabataan niya, pero kahit paano ay nabigyan siya ng pagkakataong makabawi at nakapagtapos pa ng dalawang kurso.

“Ang gusto ko lang sabihin sa mga kabataan sa ngayon na… iba na kasi sila ngayon na parang ang grabe na ng social media, grabe na ang pinaggagawa ng mga kabataan ngayon.

“Trust me, mga bagets. Nasa huli ang pagsisisi. Kailangan ninyong tapusin ang pag-aaral ninyo. Makinig kayo sa magulang ninyo.

“Nung teen ko kasi, hindi ako nakikinig sa magulang ko. Pinagsisihan ko yun. Buti na lang, nakabawi ako.

“Kumbaga, hindi ko maaabot ang pangarap ko kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo.

“Kahit na anong mangyari, huwag kang bibitaw,” mensahe ni Kevin sa mga kabataan.

NOEL FERRER

Sana, magamit ni Kevin ang kanyang pinag-aralan para mas makatulong sa sinasapit ng mga naghihirap nating mga kababayan.

Continue reading below ↓

Sana, dahil sa edukasyon niya, mas magiging mapanuri si Kevin sa nangyayari sa ating bansa at sa mundo, at lumagpas sa sinasabi ng iba na nasa tao ang kakulangan at hindi sa mga namumuno.

Madalas na nating naririnig na pasaway ang mga Pilipino, pero nakakaligtaan natin na susunod tayo kapag nae-empower tayo at ramdam nating kasama tayo sa magandang plano para sa magandang hinaharap.

Sana, dahil sa bagong karunungan ni Kevin, maituloy niya kahit papaano ang ganitong pagkakahati nating mga Pilipino ngayon.

JERRY OLEA

Tuma-Top Gun si Kevin, huh?! Maverick!

Nakilala ko si Kevin sa Boracay noong pasaway days niya, bago siya nakasama sa Season 2 ng StarStruck noong Oktubre 2004.

Memorable ang gay role ni Kevin sa My Husband’s Lover (2013), at agaw-eksena siya sa MHL concert sa Araneta Coliseum.

Nasundan iyon ng iba pang gay roles, pero ngayon, sa pagiging piloto... level up ang kanyang pogi points!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Kevin Santos (kaliwa) malaki ang naitulong sa kanya ng mag-asawang Rey Soldevilla Jr. at Yasmien Kurdi (kanan). Dahil daw sa mga ito, nakuha niyang matapos ang dalawang kursong kanyang kinuha.
PHOTO/S: Instagram / @pilot_kevinreal, @yasmien_kurdi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results