May pag-asa pa kayang makahawig ni Mayamang Negosyante si Magaling na Aktres?

by PEP Troika
Aug 30, 2020
Gusto ni Mayamang Negosyante na maging kahawig ni Magaling na Aktres... Pero paano?

GORGY RULA

Naaliw kami sa kuwento ng isang magaling na makeup artist tungkol sa isang mayamang negosyante.

Hindi na kabataan si Mayamang Negosyante, pero pinipilit niyang ma-maintain ang alindog at kasariwaan kahit kitang-kita na ang pangunguluntoy ng balat at pamamaga ng mukha dahil sa mga itinuturok sa kanya.

Isang araw, napanood nito ang isang magaling na aktres na nagpe-perform sa TV.

Natuwa si Mayamang Negosyante kay Magaling na Aktres.

Ganun daw ang hilatsa ng mukha niya noong bagets pa siya.

Habang tinitingnan ni Mayamang Negosyante ang maamong mukha ni Magaling na Aktres, naiisip nitong siguro, kapag naayusan siyang mabuti, puwedeng bumalik ang ganda niyang hawig sa mukha ni Magaling na Aktres.

Pinahanap ni Mayamang Negosyante kung sino ang nag-aayos kay Magaling na Aktres.

May isang kaibigan siyang kilala ang makeup artist ni Aktres kaya kinausap ito.

Pinakiusapan si Baklitang Makeup Artist kung puwedeng ayusan niya si Mayamang Negosyante.

At ang request: Ayusan para bumalik ang ganda't kabataan na mala-beauty ni Magaling na Aktres.

Continue reading below ↓

Nang nalaman ni Makeup Artist kung sino ang aayusan niya, kaagad siyang tumanggi.

Hindi raw niya kakayanin, sabi niya, “Hindi naman pera-pera lang lagi, Ate!

"Hindi ko siya kayang bolahin na kamukha na niya si (pangalan ni Mahusay na Aktres). Saka hindi ko na kaya siyang pagandahin, ‘te!” bulalas ng mahaderang makeup artist.

NOEL FERRER

Ay, naku! Challenge talaga iyan.

Ngayong panahon ng pandemya, walang basagan ng trip

Nananalig si Mayamang Negosyante na youthful beauty is priceless... kaya hindi pera-pera ang lahat.

Ang magandang kunan ng pahayag ay si Magaling na Aktres mismo na siyang peg ni Mayamang Negosyante.

Parang hindi kayo nagkakalayo sa ganda, Tito Gorgy!

JERRY OLEA

Mahulaan kaya nina Aling Nena at Mang Kanor ang edad ni Mayamang Negosyante?

Ang sabi nga, ang edad ay isa lamang numero.

Maka-relate kaya si Mayamang Negosyante sa nobela ni Oscar Wilde na The Picture of Dorian Gray (1890)?

Ang sabi nga, ang alindog ay panlabas lamang. Ang tunay na kagandahan ay nasa puso — sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gusto ni Mayamang Negosyante na maging kahawig ni Magaling na Aktres... Pero paano?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results