Watch Now

Royce Cabrera, sasabak na rin sa BL series; may "laplapan scene" din kaya sa kapareha?

by PEP Troika
Aug 31, 2020
Fuccbois star Royce Cabrera (left) stars in new BL series Quaranthings opposite Kyo Quijano (right).

JERRY OLEA

Astig na sundalo ang papel ni Royce Cabrera sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart.

Ngayon ay bida siya sa Pinoy BL series na Quaranthings, katambal si Kyo Quijano.

Nahirapan ba siya sa pagganap bilang bi o bading?

“Nahirapan din, kasi bawat role na ginagampanan ko, sinisigurado kong malayo yun sa mga iba pang role na nagampanan ko,” tugon ni Royce nang maka-chat ko nitong Agosto 31, Lunes ng hapon, via Messenger.

“Nakaka-excite na nakakakaba, kasi nakagawa ako ng BL series, na talagang naging maingay ngayon sa bansa.

“Kaya pinag-aralan kong mabuti yung character ko sa Quaranthings na si Rocky.”

Rocky?! Astig na pangalan, ha?! Astig din ba ang intimate scenes nila ni Kyo?

Sa teaser, niyakap niya ito nang mahigpit habang magkatabi sila sa kama. Na-awkward ba sila?

“Di na naman kami naging awkward sa isa’t isa. Kasi, before namin gawin ang mga scene, may konting workshop at rehearsal na rin kasama si Direk Pancho Maniquis,” saad ni Royce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Kyo, sobrang dedicated niya sa work. May ilang eksena na nahirapan kaming gawin pero kita mo talaga sa kanya na binibigyan niya ng oras, effort, and focus para ma-execute namin nang tama yung mga scene na yun.

“Si Direk naman, sobrang gaan katrabaho, yung feeling na parang tropa mo lang kung magbigay ng guide and advice sa amin sa trabaho. At sobrang respetado rin.

“Kasi, ramdam mo talaga na gusto niyang magawa nang tama yung series pra maikwento rin nang maayos at maganda sa audience.”

Nominadong best actor sa 43rd Gawad Urian para sa pelikulang Fuccbois, kung saan memorable ang laplapan nila ni Yayo Aguila.

Ni-Yayo Aguila ba niya si Kyo, o sweet and tender ang paglalapat ng kanilang mga labi, kung meron man?

“Sa kissing scene, siguro abangan na lang nila sa mismong series namin. Basta ang masasabi ko, nagbigay rin kami ng kahit papaano, aabangan nila. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-i-streaming ang Quaranthings umpisa Setyembre 5, Sabado, sa YouTube channel ng Ride or Die—isang araw bago ang finale episode ng Gameboys na bida ang co-star niya sa Fuccbois na si Kokoy de Santos.

“Oo nga, e, alam naman ng lahat na number one BL ang Gameboys dahil ang galing nila pareho doon. Haha!” pagtukoy ni Royce kay Kokoy at sa kapareha nitong si Eliejah Canlas.

After Gameboys, mapapanood naman si Kokoy sa BL series na Oh, Mando!, katambal si Alex Diaz. Idinirek ito ni Eduardo Roy Jr. na direktor nila ni Kokoy sa Fuccbois.

May competition o rivalry ba sila ni Kokoy?

“Tingin ko, wala naman po. Kasi, kilala namin ang isa’t isa, yung mga pinagdaanan namin sa buhay bago kami mapunta sa estado namin ngayon,” lahad ni Royce.

“Mas natutuwa pa nga ako, kasi pareho kaming patuloy na nagkakaron ng mga ganitong klaseng blessings na sana, mas magpatuloy pa talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walong episodes ang Quaranthings series. Kasama sa cast nito sina Gina Pareño, Jan Silverio, at Karl Zarate na isa sa challengers ng reality singing competition na Asian Dream.

GORGY RULA

Tamang-tama, patapos na ang Gameboys, at susubukan naman natin itong Quaranthings na parang pang-comedy ang title.

Nagpakita ng galing si Kokoy de Santos sa Gameboys.

Kampante si Royce sa mga eksena nila nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa Love Unlock, maging sa Small Talk episode nila ni Yayo Aguila na “MILF.”

Posibleng magkatapatan sina Royce at Kokoy dahil magsisimula na rin ang Oh, Mando! ni Kokoy.

Curious lang ako dito sa ka-partner ni Kokoy na si Kyo Quijano dahil wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko pa siya napapanood kung kaya ba niyang makipagtagisan sa aktingan kay Royce.

NOEL FERRER

Dahil parehong mahusay sina Royce at Kokoy, maganda na they are both exploring and developing yung galing nila sa acting kahit iba’t iba ang mga katrabaho at kasama nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But like their Cinemalaya movie Fuccbois, aabangan din ang balik-tambalan nina Royce at Kokoy.

And I’m sure, they have more premium na as actors by then!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fuccbois star Royce Cabrera (left) stars in new BL series Quaranthings opposite Kyo Quijano (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results