Shooting ng launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela, bantay-sarado ng DOH at IATF

by PEP Troika
Aug 31, 2020
Ngayong August 31 ang last shooting day ng launching movie ng Kapuso stars na sina Rita Daniela at Ken Chan. Dahil sa quarantine, mahigpit na ipinatutupad sa shooting ang safety protocols.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayong Lunes, August 31, National Heroes’ Day, ang last shooting day ng launching movie ng love team nina Ken Chan at Rita Daniela.

Mula sa first title nitong My First, Your Last: Luis (heart emoji) Luisa, ginawa nang My First and Always ang title ng pelikula.

Sa Pagsanjan, Laguna kinunan ang kabuuan ng pelikula. Kontrolado raw ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa shooting para hindi kumalat ang COVID-19.

May ilang eksena ring kinunan sa Caliraya na zero sa COVID cases.

Ipinost ni Direk Louie Ignacio sa kanyang Facebook account ang litrato nila sa Pagsanjan kung saan kukunan ang isang malaking eksena.

Sabi niya, “Last shooting day big set up ang dugooooo #heavensbestentertainment # MyFirstYourLast #buhaypelikula 17 bancas set up.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP Troika ang line producer nitong si Dennis Evangelista, at sinabi niyang madugo talaga sa panig ng production dahil nadodoble ang expenses.

Sa halip na ilang banca lang sana ang gagamitin sa malaking eksenang kukunan, naging 17 daw ang ginamit dahil dalawang tao lang ang puwede sa isang banca.

Sobrang higpit at maingat daw ang nagbabantay sa kanilang taga-Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Kailangan sundin ng production ang ipinatutupad na safety protocols and guidelines na binabantayan ng taga-DOH at IATF, at meron pang paramedics at isang ambulansiyang naka-standby.

Hindi lang daw kasi kinokontrol ang pagkalat ng coronavirus, kundi sinusunod na rin nila ang nakasaad na guidelines ng Eddie Garcia Law.

Pati sa oras na dapat sundin bawat shooting day ay binabantayan daw ng taga-DOH at IATF. Kaya hindi ito kagaya ng mga nakaraang shooting.

Pero para kay Rita, mas gusto niya ang ganitong set-up na naka-lock in sila nang ilang araw dahil mas naka-focus sila at nakapag-concentrate sa role na ginagampanan.

Continue reading below ↓

Puring-puri sina Rita at Ken sa produksyon dahil ang gaan daw nilang katrabaho at magaling pa raw umarte. Talagang kumportable na raw sa isa’t isa ang dalawang bida.


JERRY OLEA

Sa presscon ng Kapuso teledramang My Special Tatay noong Agosto 28, 2018, Martes, sa GMA Network Center, matapos ang open forum ay pinagkaguluhan ng mga reporter sina Ken Chan at Arra San Agustin.

Continue reading below ↓

Ang agad kong nilapitan at ininterbyu ay si Rita Daniela.

Napukaw niya nang lubos ang aking interes sa papel niya bilang dakilang pokpok na “umabuso” sa kababatang si Boyet (karakter ni Ken Chan) na may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

Sabi ni Rita, napaiyak siya nang makuha ang nasabing role na napaka-challenging. Kaya masaya ako na nagklik ang tambalan nina Ken at Rita sa My Special Tatay, na nasundan ng teledramang One of the Baes.

Sa events ng isang produkto kung saan kapwa silang endorsers, maging sa mga online payanig ng GMA-7 ngayong quarantine—swak na swak ang tandem nina Ken at Rita, lalo na kapag magkasalo sila sa pag-awit. Sumasagitsit ang kakaibang harot at kilig!

May isa pang natapos na movie si Rita, ang In The Name Of The Mother, kung saan agaw-eksena siya bilang pasaway na anak ni Snooky Serna. Puring-puri ni Joel Lamangan, na direktor ng movie, ang kahusayan ni Rita.

Continue reading below ↓

Kaya abangan natin ang pelikula nila ni Ken na My First and Always!

NOEL FERRER

Dahil marurunong na aktor, maipapadarama nina Rita at Ken kung paano ma-in love. Mapapaniwala nila tayo.

Sa tunay na buhay, maiparamdam kaya nila yun sa isa’t isa? At magkatuluyan din tulad ng ibang love team?

Kaninong landas ang kanilang susundan... KathNiel, LizQuen, JaDine, o AlDub?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong August 31 ang last shooting day ng launching movie ng Kapuso stars na sina Rita Daniela at Ken Chan. Dahil sa quarantine, mahigpit na ipinatutupad sa shooting ang safety protocols.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results