Bad news, good news sa season finale ng Gameboys; Kokoy de Santos, may P1M offer mula sa producer

by PEP Troika
Sep 2, 2020
Without a doubt, ang Gameboys ang maituturing na "Breakthrough Project of the Year" at nagpakilala sa publiko kina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan).

JERRY OLEA

May sad news at good news tungkol sa finale, ang Episode 13 ng Gameboys.

Ang sad news—hindi maipapalabas sa Setyembre 6, Linggo, ang Season 1 finale, kung saan matutunghayan ang sinapit ng mainit na confrontation nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Baka sa susunod na Sunday pa ito mag-streaming sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company... sa Setyembre 13.

“Ang daming bubusisiin sa editing at sa music, e. Siyempre, na-pressure kami na higitan ang Ep 10!” katwiran ni Direk Perci Intalan nitong Setyembre 2, Miyerkules, via Messenger.

Si Direk Perci ang katuwang ni Direk Jun Lana bilang executive producer ng Gameboys.

E, ano ang good news? Ito ang pinakamahabang episode ng Gameboys.

Mas mahaba ito kesa sa Episode 11 (“Stay Strong Forever”) na 29 minutes and 4 seconds ang running time.

“Bukod sa 4-5 days na nakunan na namin sa bahay-bahay, meron pang 3 days na kinunan sa lock-in shoot,” paliwanag ni Direk Perci.

Continue reading below ↓

“Mas marami pang araw ito kesa sa episodes ng Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman.

“Nag-observe kami ng maraming safety protocols. Nag-full PCR [polymerase chain reaction] test lahat ng nasa inner pod (cast, director, camera operators, make up at ako). Kasi, kami ang may close contact.

“Then, nag-quarantine ang bawat isa while waiting for the results. Noong nalamang negative lahat, quarantine pa rin kami throughout the shoot.

“Lahat ng iba, nag-rapid antigen test for safety pero minimal contact sa inner pod. And yung iba, naka-monitor sa bahay.

“Ako mismo ang nag-drive at nag-RM [road manager] kina Elijah at Kokoy para bare minimum ang people sa set.

“And lahat ng location, dapat well ventilated. Very conscious kami sa air circulation, so talagang bawal ang enclosed. Kahit interior na shoots, dapat may hangin lagi.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Inaabangan talaga ang season finale ng Gameboys.

Natatandaan ko ang isang tanong sa atin, Tito Jerry, dahil nga pandemic serye ito, meron kayang pagpapahiwatig na may magkaka-COVID sa dalawang pangunahing character? Paano kaya nila ito haharapin kung sakali?

Pero may COVID man o wala, nasa Gameboys na talaga ang "CORONA" bilang pinaka-successful local BL with their very pioneering and brave depiction of bromance in the time of pandemic.

They have truly set the bar for the quality of BLs in the country, na sadly ngayon ay nagiging sampu-sampera na.

In any case, sa paghihintay natin, I am looking forward to our Troika’s exclusive interview with the Gameboys, and the possible FanCon to solidify their mass following.

Truly, ang Gameboys ang Breakthrough Project of the Year kaya kailangan nilang busisiin at pagandahin ang season finale para maging consistent na maganda at magaling hanggang sa dulo.

Aabangan natin ‘yan!

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Tatlong Pinoy BL series na ang natapos sa YouTube:

Sakristan (8 episodes, YouTube channel ng VinCentiments), starring Clifford Pusing and Henry Villanueva.

Hello Stranger (8 episodes, Black Sheep), starring Tony Labrusca and JC Alcantara.

Truly Very Yours (5 episodes, Jace TV), starring Marky Erasga and Wax Andre.

Sa Setyembre 5, Sabado ng 10 P.M., mag-uumpisa ang Quaranthings nina Royce Cabrera at Kyo Quijano sa YouTube channel ng Ride or Die.


Continue reading below ↓

My Extraordinary nina Darwin Yu at Enzo Santiago, nakatakdang mag-streaming sa Setyembre 21 sa Gagaoolala, telecast sa Setyembre 27 sa TV5, at premiere sa Setyembre 27 din sa YouTube channel ng Asterisk Digital TV.


This September din nakatakdang ipalabas ng Regal Entertainment ang Ben x Jim nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, sa direksyon ni Easy Ferrer.

Continue reading below ↓

Nasa cast din nito sina Johannes Risler at Ron Martin Angeles.


Teejay Marquez (left) and Jerome Ponce (right)

Inaabangan din natin ang Oh, Mando! nina Kokoy de Santos at Alex Diaz sa iWant TFC.


Continue reading below ↓

Maliban sa Gameboys, ongoing ang mga sumusunod na Pinoy BL series:

In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam (YouTube channel ng USPH TV), starring Migs Villasis and Genesis Redido.

My Day (Oxin Films), Miko Gallardo and Iñaki Torres.

Amore (Star Image Digital Network), Erwin Buenaventura and Drei Arias.

Hook Up (Jace TV), Marky Erasga and JC Lopez.

Kumusta Bro? (Firestarters Studios), Kristof Garcia and Sky Quizon.

Even After (Kelly Fontanilla), Kristoffer Molina and Kelly Fontanilla.

Unexpected (Ytteamcavite Films), Joe Bardaje and Norman Sta. Ana.

Safe Haven (Gen-Z Production), EJ Reuven Arcega and Leo Roferos.

Oh My Sexual (Oh My Sexual), Arkin del Rosario, Ken Miles, Kim Nigel, Neil Raagas, Thirdy Trinidad, and DJ Cruz.

GORGY RULA

Noong huli naming nakatsikahan si Kokoy de Santos, inaasam niyang matuloy agad ang Gameboys the Movie.

Natigil ang pagbuo ng screenplay nito nang ma-extend for three episodes ang BL series nila ni Elijah Canlas.

Continue reading below ↓

Malaki ang nagawa ng Gameboys kina Kokoy at Elijah. Katulad nitong kay Kokoy na napaka-tempting pala ng offer sa kanya ni Joed Serrano kung tatanggapin niya ang inaalok nitong movie project.

Ewan ko lang kung totoo, pero ang narinig ko, tumataginting na isang milyong piso (P1M) ang nakalaang budget sa kanyang talent fee. May inaayos pa raw si Joed na isa sanang endorsement worth P1.5M ang budget.

Tuloy pa rin kaya ang negotiation?

Marami pa tayong aabangang BL series na baka kasinganda rin ng Gameboys.

Bukas, September 3, Huwebes, na mapapanood ang “Neo & Omar” episode ng Unlocked series sa GagaOoLala.

Dito natin huhusgahan si Saviour Ramos kung kaya niyang sundan ang yapak ng papa niyang si Wendell Ramos.

Ka-partner dito ni Saviour ang bagets na si Miggs Cuaderno na “secret, panoorin nyo na lang po” lang ang sagot niya sa akin kung natuloy ang kissing scene nila ni Saviour.

Continue reading below ↓


RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Without a doubt, ang Gameboys ang maituturing na "Breakthrough Project of the Year" at nagpakilala sa publiko kina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results