Boobay at Super Tekla, balik-taping na; nanibagong walang audience

by PEP Troika
Sep 2, 2020
(Left) Boobay and Super Tekla are back in the studio for their weekly comedy-talk show TBATS; (right) Eugene Domingo stars in an emotional episode of her weekly anthology Dear Uge.

GORGY RULA

Nag-taping na kahapon, September 1, Martes, ang The Boobay and Tekla Show sa studio ng GMA-7.

Natutuwa ang buong production staff dahil nagawa pa rin ng dalawang hosts na sina Boobay at Super Tekla na gawing masaya ang episode kahit walang live audience na kabatuhan nila minsan sa mga patawa.

Medyo nanibago sila noong una dahil walang laman ang studio, lalo na’t iilang staff lang ang puwede sa loob. Pero meron silang audience na nanood via Zoom, kaya masayang nairaos ang bagong episode na ito na mapapanood sa September 13.

Continue reading below ↓

Medyo pressure ito sa buong taga-TBATS dahil mataas pa rin ang rating nito kahit replay ang napapanood.

Noong nakaraang Linggo, August 31, ay naka-8.3% ito sa AGB Nielsen, kahit napanood na namin ang episode na yun.

Ngayong buwan na rin magla-live sa studio ang All-Out Sundays, na naka-5.8% noong Linggo.

Ang Dear Uge—na nagtapos na ang magandang kuwento ng "My Forgettable Love," kung saan kasama ni Eugene Domingo si Neil Ryan Sese, naka-5.5%.

Maganda at nakakaantig ang episode. Kuwento pa sa amin, ang bilis nilang natapos ang taping kahit mahigpit sa safety protocols ang guidelines. Panay take one daw sila.

JERRY OLEA

Kapwa mahusay na artista sina Eugene Domingo at Neil Ryan Sese.

Napaluha ako sa mga huling eksena nila sa Part 2 ng “My Forgettable Love” episode ng Dear Uge.


Continue reading below ↓

Bago muli ang episode ng Dear Uge sa Setyembre 6, Linggo ng 2:30 P.M., sa GMA-7, kung saan co-stars ni Eugene sina Sanya Lopez at Gardo Versoza na kapwa trending ang videos sa TikTok.

Napa-TikTok tuloy si Eugene kasama ang dalawa sa dance challenge na "Savage Love."

Iyong bagong episode ng Magpakailanman last Saturday, naka-22% rating. Mas mataas ito kesa sa replay episode noong Agosto 22 na naka-20.8%.

Pinagbidahan iyon ni EA Guzman bilang isang bading na mabuti at responsableng ama sa kanyang anak. Kasama sa cast ng episode na ito sina Rez Cortez, Tanya Gomez, at Ana de Leon.


Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy ang Wish Ko Lang sa pagpapalabas ng mga bagong episode tuwing Sabado.

“Winner September” ang tema this month ng Kapuso public affairs show hosted by Vicky Morales, kung saan tampok ang apat na kuwento ng kababaihang hindi papatalo sa kahit anong laban.


Mapapanood sa Setyembre 5, Sabado, ang "Nalunod" episode na pagbibidahan ni Glydel bilang isang inang naanod ang bahay. Co-stars niya rito sina Allen Dizon at Tere Malvar.

Continue reading below ↓

Tampok sa mga susunod na dramatizations sina Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Jean Garcia.

May very special comeback episode ang Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento sa Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend, sa GMA-7.

Ani Michael V na bida, creative director at concept creator ng Pepito Manaloto, magandang panimula ang episode sa ‘new normal’ para sa kanilang show. Marami silang quarantine stories na gustong ibahagi sa televiewers.


Continue reading below ↓

Tampok sa episode na ito ang “kamustahan” segment ng cast, ang mystery object game na “Pipito Para Manalo,” at ang isa pang game na “Bring It Tommy.”

Kasama ni Bitoy sa episode na ito sina Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares.

Siyempre pa, inaabangan natin ang bagong weekly series ng GMA-7 na I Can See You.

Buena mano rito ang istoryang “Love on the Balcony” na pangungunahan ni Alden Richards. Katrabaho rito ng Asia’s Multimedia Star sina Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.


Continue reading below ↓

Sasabak din si Jasmine sa pagbabalik-taping ng Descendants of the Sun with Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, and Rocco Nacino.

Pinalakas ni Jasmine ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain nang wasto at regular na pag-e-exercise.


Curious ang mga Kapuso kung sino ang magiging mukha ng Lockdown: Food Diaries na mapapanood sa GMA-7 soon. Sa mga promo ay puro silhouette pa lang ng host ang makikita.

Continue reading below ↓

Tampok sa Lockdown: Food Diaries ang mga kuwentong napapanahon at busog sa impormasyon. Paano ba binago ng COVID-19 pandemic ang industriya ng pagkaing Pinoy?


Coming soon din sa GMA ang 2019 Thai drama na My Love From Another Star.

Bida sa rom-com series na ito si Nadech Kugimiya, katambal si Matt Peeranee Kongthai. Nasa cast din nito sina Masu Junyangdikul, Eye Kamolned Ruengsri, Deaw Suriyon Aroonwattanakul, at God Itthipat Thanit.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER

Katulad ng lagi kong sinasabi, any new and fresh episodes are good to know, basta maayos ang pagpapatupad ng health protocols because that means bagong work para sa mga kasamahan natin sa industriya.

Iba nga lang ang feeling sa mga live show, di ba mga, ka-Troika? Very back-to-the-early 80s na limitado o walang live audience. Usually, doon humuhugot ng energy ang hosts.

Continue reading below ↓

Kaya ngayon talaga masusukat ang husay ng hosts na may wawa.

Isa pa, curious ako, may mga kaibigan kasi akong hindi na nagti-TV unlike before. Usually, they are on their phones or computers para panoorin ang kanilang paboritong palabas—at their own time.

Nagbabago na ba talaga ang landscape ng content viewing sa Pilipinas? Magandang pag-aralan ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Boobay and Super Tekla are back in the studio for their weekly comedy-talk show TBATS; (right) Eugene Domingo stars in an emotional episode of her weekly anthology Dear Uge.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results