Barbie Forteza, kailangan nang bumalik sa trabaho dahil kay "Judith"

by PEP Troika
Sep 4, 2020
Barbie Forteza excited to work again: "Ang tagal ko na rin pong hindi nagtatrabaho at ang tagal ko na rin pong hindi nakikita ang mga kasama ko, na dati every other day nakikita ko."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nagti-taping na ulit ang Descendants of the Sun ng GMA-7. Bida rito sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Ang susunod na inaayos ay ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Nagpa-swab test na ang lahat ng sangkot sa produksiyon noong Lunes, August 31. Ngayong araw, September 4, daw lalabas ang results ng naturang test.

Ngayong araw rin ang last day ng script reading nila bilang paghahanda sa pagbabalik-taping ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa susunod na linggo.

Sabi ni Barbie nang nakapanayam namin sa DZRH nung Huwebes, September 3, “Pinush na po namin mag-script reading para pagdating po sa set, hindi na namin kailangan mag-reading together. Para less contact din po, ganun.

"Para next week po, ready to work na kami."

Dahil na rin siguro sa sobrang excitement na bumalik sa taping, kinakabahan si Barbie kahit sa script reading pa lang.

Continue reading below ↓

“Nagkakamali pa po ako sa pagbabasa ng script,” bulalas niya.

Medyo takot pa ring lumabas si Barbie, pero gustung-gusto na raw niyang bumalik sa work. Ang tagal na niyang natengga at kailangan na raw niyang sumabak uli sa pag-arte.

“Nandun naman ang pag-iingat dahil hanggang ngayon, wala pang gamot [sa COVID-19] at hindi natin nakikita ang kalaban natin.

“Pero excited na rin po ako, kasi ang tagal ko na rin pong napahinga sa pag-arte.

"Ang tagal ko na rin pong hindi nagtatrabaho at ang tagal ko na rin pong hindi nakikita ang mga kasama ko, na dati every other day nakikita ko,” pahayag ni Barbie, na si Ginalyn sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Isa pang dahilan kaya gusto niyang bumalik sa trabaho ay dahil kay "Judith"—due date ng mga bills—na hindi na raw niya maiiwasan.

“Oo, e. Naubos na ako ng excuse kay Judith! Balik nang balik!” bulalas niya.

Continue reading below ↓

Kaya wish ni Barbie na sana, negative ang lahat ng resulta sa swab test nila para hindi na maantala ang kanilang taping.

JERRY OLEA

Ilang buwan nang tigil-taping ang mga artista ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Tiyak na excitement at kaba rin ang nararamdaman ng co-stars dito ni Barbie na sina Kate, Snooky Serna, at Dina Bonnevie sa nalalapit nilang pagbabalik-trabaho.

Maski itanong niyo pa kina Jona (due na), Manny (maniningil), at Bill!

Knowing Snooky, panay-panay ang panalangin niya para maging strong. Iyon ang ginagawa ni Snooky noon pa man.

Idinudulog niya ang lahat sa Panginoon upang may mahugot siyang lakas, at malabanan ang takot at agam-agam.

Siyempre, bago na ang proseso ng taping sa ilalim ng new normal. Mahigpit na ipapatupad ang safety protocols at guidelines.

Pero tuloy ang paghahatid nina Barbie at Kate ng kilig at drama.

Aba! Hahamunin pa raw nina Barbie at Kate si Dina na sumabay sa pagti-TikTok.

Continue reading below ↓

Ready si Dina sa kanilang challenge, dahil natutunan niya iyan during lockdown!

NOEL FERRER

Magandang malamang back-to-work na ang mga Kapuso stars for fresh episodes ng teleserye.

And with this new work, ibig sabihin, mababayaran na rin nila ang cash advance na ibinigay sa kanila ng network.

Good iyan para sa audience na mas marami nang choices na panonoorin.

Titingnan natin kung consistent pa rin ang ratings nito mula nang matigil sa TV.

At kung available din online for streaming, lumago na rin ba ang online following ng GMA shows? Paano ito nakakaapekto sa overall viewing habit ng mga tao ngayong pandemic?

Wait and see tayo riyan!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza excited to work again: "Ang tagal ko na rin pong hindi nagtatrabaho at ang tagal ko na rin pong hindi nakikita ang mga kasama ko, na dati every other day nakikita ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results