Jose Mari Chan on cancellation of ABS-CBN franchise: "extreme and overdone"

by PEP Troika
Sep 5, 2020
Jose Mari Chan on observing safety protocols during pandemic: “I have to observe protocols because that’s the responsible thing to do. So many people depend on me, my family, my co-workers. I’d like to be a good example to others."
PHOTO/S: YouTube

NOEL FERRER

Aware ang multi-awarded singer-songwriter na si Jose Mari Chan sa memes na naglabasan sa kanya sa hudyat ng pagsapit ng BER months.

From “Lalabas na ba ako?” to “Hindi ka muna puwedeng lumabas kasi senior ka!”

Sabi ni Tito Joe, hindi talaga siya lumalabas unless sa opisina to attend to important matters and signing checks and papers.

“I have to observe protocols because that’s the responsible thing to do. So many people depend on me, my family, my co-workers. I’d like to be a good example to others,” sabi ng best-selling Pinoy recording artist.

Noong late ‘60s pa lang ay sinimulan na ni Tito Joe ang kanyang career sa ABS-CBN via 9Teeners, kaya natanong ko siya about the Kapamilya Network sa aking Level Up program nitong Setyembre 4, Biyernes ng hapon, sa Radyo Katipunan.

Isa rin si Tito Joe sa top celebrity stockholders ng ABS-CBN. As of March 31, 2019, nasa pangsiyam na puwesto ang singer-songwriter sa listahan ng Top 100 stockholders.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Tito Joe, “I think the cancellation of the franchise is extreme and overdone.”

Ano naman ang masasabi niya sa panukalang ilagay sa regulasyon ng MTRCB ang Netflix, iFlix, iWant TFC, at iba pang streaming services?

Sabi niya, “It’s the wrong time to do that. We have a pandemic, we should allow people some kind of entertainment.

“Of course, part of this is the government is trying to raise more funds.”

JERRY OLEA

Pasa-pasa ang himutok sa Facebook at iba pang socmed platforms:

“I'm so fed up with these Jose Mari Chan memes. Stop posting it. What's important is that this season may we never forget the love we have for Jesus.

“Let Him be the one to guide us, as another New Year starts. And may the spirit of Christmas be always in our hearts...”

Hindi ko ma-trace kung sino ang unang nag-post niyan.

Ang studio album ni Tito Joe na Christmas In Our Hearts ay ni-release ng Universal Records noong Nobyembre 17, 1990.

Continue reading below ↓

Magaganda ang mga kuwento sa likod ng kantang "Christmas In Our Hearts"—kung paano nabuo ang melody at lyrics, kung bakit ang anak niyang si Liza ang ka-duet dito ni Tito Joe, at kung paano nito pinukaw ang puso at kaluluwa ng mga Pilipino.

Ang title track na "Christmas In Our Hearts" ang first single ng album.

Sinabihan ng record producer na si Bella Tan (RIP) si Tito Joe na hindi ito bebenta sa masa dahil Christian song ito.

Inatasan ni Bella si Tito Joe na gumawa ng Christmas song na romantic, kaya nilikha ni Tito Joe ang "A Perfect Christmas," na sa paniniwala ni Bella ay maghi-hit.

Sa presscon, pinatugtog pareho ni Tito Joe ang "Christmas In Our Hearts" at "A Perfect Christmas."

Mas tumatak sa mga taga-media, partikular sa mga DJ, ang "Christmas In Our Hearts," at agad itong naging pambansang Christmas song.

Tatlumpong (30) taon na ang lumipas, pero ito pa ring "Christmas In Our Hearts" ang pinakapaboritong Christmas song ng mga Pilipino saan mang lupalop sila naroon.

Continue reading below ↓

“Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street

“I remember the child in the manger as he sleeps

“Wherever there are people giving gifts, exchanging cards

“I believe that Christmas is truly in their hearts...

“Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow, where nations are at peace and all are one in God...”

GORGY RULA

Na-meet ko ang nagsulat ng lyrics ng "Christmas In Our Hearts," ang songwriter na si Rina Caniza.

Kuwento ni Rina, kumatok lang siya sa kotse ni Mr. Chan at inalok ang kantang yun.

Inayos daw at nabuo ang "Christmas In Our Hearts," na hanggang ngayon ay hit pa rin na naging theme song na tuwing Pasko.

Lalong na-inspire si Rina na gumawa ng iba pang Christmas songs.

Noong huli ko siyang nakatsikahan, ipinarinig niya sa akin ang isa pa niyang nagawang kanta na pinamagatang "Happy Birthday, Jesus."

Hindi masama ang mangarap. Pero gusto raw sana niyang makarating ito sa isang international recording company at sana’y kantahin daw ni Bruno Mars.

Continue reading below ↓

Bagay raw sa half-Pinoy international singer ang naturang kanta.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jose Mari Chan on observing safety protocols during pandemic: “I have to observe protocols because that’s the responsible thing to do. So many people depend on me, my family, my co-workers. I’d like to be a good example to others."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results