Mag-ex na sina Robin Padilla at Vina Morales, balik-tambalan sa musical sitcom ng Net 25

by PEP Troika
Sep 6, 2020
Ex-lovers Robin Padilla and Vina Morales headline Net 25's new musical sitcom Kesaya Saya!
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

JERRY OLEA

Balik-tambalan ang ex-sweethearts na sina Robin Padilla at Vina Morales sa musical sitcom na Kesaya Saya! ng Net 25.

Ipinost ng Net 25 ang poster ng programa nitong Setyembre 5, Sabado, sa Facebook page nila.

Ni-repost iyon ni Vina sa kanyang Instagram account, at ang sabi, “PWEDE PAKIGISING PO AKO. Parang nananaginip ata ako.”

Nagkatambal sina Robin at Vina sa blockbuster movies na Ang Utol Kong Hoodlum (1991) at Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 (1992); maging sa Eto Na Naman Ako (2000), at sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014) na official entry sa 40th MMFF.

Sa tagal ng panahon, ngayon lang matutuloy ang tambalan nila sa TV.

Nagpasintabi na agad si Vina sa misis ni Robin na si Mariel Rodriguez, “Hugs to you...”

Para sa ROVINA fans na nananabik, ang sey ni Vina, “Yan ha tuloy na tuloy na ang kilig onscreen.”

Bisaya ang papel ni Vina sa musical sitcom, na nagtatampok din kina Pilita Corrales, Darius Razon, Sherylene Castor (impersonator ni Jinkee Pacquiao), Diego Salvador (impersonator ni Robin Padilla)...

Cynthia Garcia, Eva Vivar, Jon Romano (impersonator ni Christopher de Leon), Ronnie German (impersonator ni Manny Pacquiao), Gilbert Orcine (impersonator ni Rene Requiestas), at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saya-saya! Kahit may musical sitcom na si Robin, sana ay tuloy pa rin ang programa niya sa Net 25 na UNLAD: Kaagapay sa Hanapbuhay.

GORGY RULA

Nag-host si Vina ng talent search na Tagisan ng Galing sa Net 25, at may agri-show naman si Robin.

Host pa rin si Vina sa Tagisan ng Galing Part 2, kung saan mahigit P7M ang cash prizes sa dalawang kategorya—pagkanta at pagsayaw.

Sina Vina at Robin na ang namamayagpag sa Net 25, na dati'y si Janice de Belen ang nagbibida.

At least, may Moments pa rin at Pelikwentuhan si Gladys Reyes.

May teleserye pang gagawin ang Net 25, na wala pang sinasabi kung sinu-sino ang mga bida.

Andiyan pa ang talent search na sa Setyembre 14, Lunes, raratsada na, ang Happy Time nina Anjo Yllana, Kitkat, at Janno Gibbs.

Hindi lang sa TV magpapaka-active ang Eagle Broadcasting kundi magpu-produce na rin sila ng pelikula.

Wala pa silang inilalabas na announcement pero naulinigan kong gagawin nila ang film-bio ni Victor Wood na miyembro ng INC.

Narinig ko ring ang dating Hashtags member na si Jon Lucas ang gaganap bilang Victor Wood. Abangan natin iyan!

NOEL FERRER

Muli, sinasabi ko, excited ako sa kahit na anong bagong panoorin ngayon.

Bravo, Net 25, sa paglikha ng mga bagong trabaho para sa mga kasamahan natin sa industriya lalo na ngayong pandemya!

Sa followers ng ROVINA, sana ay simula na ulit ito ng pagiging active ng mga idolo ninyo sa showbiz.

Mas ok na sila rito sa ating mundo! Promise!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-lovers Robin Padilla and Vina Morales headline Net 25's new musical sitcom Kesaya Saya!
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results