Piolo Pascual, may show sa TV5? Star Magic at Cornerstone artists, may exodus sa TV5?

by PEP Troika
Sep 6, 2020
Gaano katotoo ang balitang kasama si Piolo Pacual sa main hosts ng bagong musical-variety show ng TV5 tuwing Linggo ng tanghali?
PHOTO/S: Instagram / TV5

NOEL FERRER

Hinahanap si Piolo Pascual sa ASAP Natin ‘To nitong Setyembre 6, Linggo, sa Kapamilya Channel.

Mismong ang anak niyang si Iñigo Pascual ang nag-verbalize nito sa katatapos lang na episode dahil matagal-tagal na ring hindi napapanood si Piolo sa Sunday noontime show.

Ang unang dahilan ay may tinatapos na pelikula si Piolo na ang kasama ay si Jasmine Curtis-Smith.

Pero gaano katotoo ang balitang kasama si Piolo bilang isa sa main hosts ng bagong musical-variety show ng TV5, na kung matutuloy ay makakatapat ng ASAP Natin ‘To at All-Out Sundays?

JERRY OLEA

Matunog ang exodus ng mga taga-Star Magic at Cornerstone artists patungo sa TV5, partikular sa mga pantanghaling programa.

Nainterbyu ni Luchi Cruz-Valdes si Catriona Gray, Cornerstone artist, sa Usapang Real Life nitong Setyembre 5, Sabado ng gabi, kaya bet kong makakasama siya ni Piolo sa bagong Sunday noontime show ng Kapatid Network.

Malamang sa alamang na kalahok din diyan si Maja Salvador. Sa kaso ni Jericho Rosales, pinaplantsa pa.

Continue reading below ↓

Paano kaya ang loyalists na singers ng ASAP Natin ‘To na gaya nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogia Alcasid, Jed Madela, Angeline Quinto, at Sarah Geronimo?

Nababalita ring pangungunahan nina Luis Manzano at Billy Crawford ang Monday-Saturday noontime show ng TV5, na tatapat sa Eat Bulaga (GMA-7), Happy Time (Net 25), at It’s Showtime (Kapamilya Channel).

May Sunday morning fitness program si Jessy Mendiola sa Singko, ang Fit for Life, kaya hindi na tayo magugulat kung maging Kapatid na rin ang kasintahan niyang si Luis.

May tsismis noong nais magbalik ni Billy sa Kapuso Network, pero hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ito sa atin, at nananatiling haka-haka.

Dalawang beses na akong nagtanong sa isang Kapatid insider kaugnay sa mga isyung over-da-bakod. Natawa ang Kapatid insider at ang sabi, “Hahaha! Ang daming phone-in questions! Ang dami ko ring di pa masagot. Hahaha!”

GORGY RULA

Hindi malayong matuloy iyan dahil ang napapabalitang executive ng ABS-CBN na consultant ng TV5 ay mismong si Mr. Johnny Manahan ng Star Magic. Kaya madadala ni Mr. M ang mga artista niya, pati na ang mga taga-Cornerstone.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay tahimik pa rin sila at walang kinukumpirma sa mga ganitong bali-balita. Abangan na lang natin ang launching!

RELATED STORIES

sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaano katotoo ang balitang kasama si Piolo Pacual sa main hosts ng bagong musical-variety show ng TV5 tuwing Linggo ng tanghali?
PHOTO/S: Instagram / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results