Jed Madela, nakikipagkabugan ang version ng Christina Aguilera song na "Reflection"

by PEP Troika
Sep 6, 2020
Hindi nagpakabog si Jed Madela sa version niya ng "Reflection," ang theme song ng live-action film na Mulan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

In-upload ni Jed Madela ang cover niya ng kantang "Reflection" (2020) nitong Setyembre 6, Linggo ng tanghali, sa YouTube channel niyang Jed Madela Official.

“The new Mulan movie has been released and as requested, here is a cover of the iconic song, REFLECTION. Staying true to the song, I sang the lyrics as is,” post ni Jed sa Facebook at YouTube.

Fantastic ang version ni Jed sa kanta mula sa pelikulang Mulan (2020).

Nakikipagkabugan kay Christina Aguilera, ang original singer.

Iba ang hugot ni Jed—wagas, nanunuot sa puso—lalo na sa linya sa chorus na dalawang beses inawit, “Who is that girl I see staring straight back at me? When will my reflection show who I am inside?”

Sa music video ni Jed, may mga eksena mula sa animated film na Mulan (1998).

Ang music video ng "Reflection" (2020) ay in-upload noong Agosto 28, Biyernes, sa YouTube channel ng DisneyMusicVEVO. Lampas 8M na ang views nito.

Continue reading below ↓

Ang Mulan ay kuwento ni Hua Mulan, ang eldest daughter ng isang pinagpipitaganang mandirigma.

Nagpanggap si Mulan na lalaki (Hua Jun) at inako ang puwesto ng maysakit na ama sa Imperial Army upang ipagtanggol ang China laban sa Northern invaders.

Ang live-action remake ng Mulan ay ini-release nitong Setyembre 4, Biyernes, sa Disney+ (subscription video on-demand streaming service) sa iba’t ibang bansa.

Agad itong pinirata sa Messenger, Facebook, at iba pang socmed platforms.

Bida sa Mulan (2020) ang 33-anyos na si Liu Yifei, aka Crystal Liu, na ipinanganak sa Wuhan, Hubei, China.

Nasa cast din ng movie sina Donnie Yen, Tzi Ma, Jason Scott Lee, Gong Li, at Jet Li.

NOEL FERRER

I like the version, walang kahirap-hirap, klaro, at ang tapang para kay Jed para kantahin ito, and he nailed it!

I have always maintained that Jed is probably one of the best singers we have in the country.

Continue reading below ↓

At kahit anong kantahin niya, it becomes him. Hindi mo na papansinin ang gender-bending lyrics dahil sa galing niya.

Hindi na bago ito kay Jed dahil sa kanyang self-produced ICONIC album, ginawa rin niya ang kantang “Beautiful” which had the line, “I am beautiful no matter what they say, words can’t bring me down.”

And truly no one can put an excellent talent down like Jed!

GORGY RULA

Noong minsang nasilip ko si Jed sa ASAP Natin ‘To, nanghinayang ako na hindi siya napapanood o napapakinggan ng karamihan.

Sana madagdag siya sa hanay nina Mark Bautista, Christian Bautista, Aicelle Santos o Julie Anne San Jose sa GMA-7.

Dati naman siyang Kapuso, at siguro ay puwede siyang bumalik. O masasama rin kaya siya sa mga bagong musical programs ng TV5?

Kailangan na ring maayos kung saan magkakaroon ng regular show si Jed. Sayang ang galing niya kung hindi natin mapapanood sa TV.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagpakabog si Jed Madela sa version niya ng "Reflection," ang theme song ng live-action film na Mulan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results