Royce Cabrera, iya-Yayo Aguila din kaya ang kapartner sa BL series na Quaranthings?

by PEP Troika
Sep 7, 2020
Royce Cabrera on competition among Pinoy BL series: “Hindi ko nakikitang karibal or kalaban sila. Kasi, lahat din naman ito, blessings para sa amin. So, suportahan talaga ang nangyayari.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Memorable ang laplapan nina Royce Cabrera at Yayo Aguila sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Keri ba ni Royce na i-Yayo Aguila si Kyo Quijano na ka-partner niya sa Pinoy BL series na Quaranthings?

“Naging biruan namin ‘yan sa set hahaha!” sagot ni Royce nitong Setyembre 6, Linggo, via Messenger.

“Siguro, mas maganda kung abangan na lang nila ang mga susunod pang episodes dahil mas patindi at paganda pa ang mga eksena.”

Noong Setyembre 5, Sabado, na birthday mismo ni Royce, ang premiere streaming sana ng Quaranthings sa YouTube channel ng Ride or Die.

Kaso, apat na BL series ang showing by Saturday—Even After (Ep 7), In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam (Ep 9), My Day (Ep 5), at Hook-Up (Ep 6).

Na-advance ang streaming ng Quaranthings. Naging Friday, September 4.

At this writing, naka-355K na ang views ng first episode.

“Opo nga, e, nagkaroon lang din daw ng conflict pero nagawan naman ng paraan ng prod kaya nag-move na rin ng date ng premiere,” sabi ni Royce.

Continue reading below ↓


Kumusta ang 25th birthday niya?

“Bahay lang po. Simpleng handaan lang kasama ang family. Iwas din muna sa gatherings para siguradong safe.”

Nagkatrabaho sila ni Yayo Aguila sa “MILF” episode ng Small Talk anthology sa YouTube channel ng TBA Studios.

Meron ding BL series si Yayo, ang My Extraordinary, na mag-uumpisa sa Setyembre 27 sa TV5, Gagaoolala at YouTube channel ng Asterisk Digital Entertainment.

Continue reading below ↓

Ganoon din ang Fuccbois co-star niya na si Kokoy de Santos.

Magtatapos ang Gameboys ni Kokoy sa Setyember 13, Linggo, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company, at ikinakasa na ang streaming ng bagong BL series nito na Oh, Mando!, directed by their Fuccbois director na si Eduardo Roy Jr.

“Magkakalaban” sila? Magkakaribal?

Tugon ni Royce, “Happy ako para sa amin na nagkatrabaho sa Fuccbois, kasi may mga work and blessings na dumarating.

“Hindi ko nakikitang karibal or kalaban sila. Kasi, lahat din naman ito, blessings para sa amin. So, suportahan talaga ang nangyayari.”

GORGY RULA

Magaling ding umarte si Royce. Malaking bagay yung galing ng portrayal nila ni Kokoy sa Fuccbois kaya gumanda ang pelikula.

Deserving si Royce sa best actor nomination niya sa 43rd Gawad Urian for Fuccbois.

Lalo akong na-impress kay Royce na kampante lang siya sa Love Unlock episode nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sayang nga at nagka-pandemic, naudlot ang iba pa niyang projects, pati na rin yung kay Kokoy.

Continue reading below ↓

Kaagad kong sinilip itong Quaranthings niya, okay naman. Pero di ko lang gaanong gusto ang partner niya roon na si Kyo Quijano.

Parang may pagka-antipatika ang dating sa akin. Iyon lang naman ang first impression ko.

Inaasahan kong magkaroon ng third party na mas malakas ang dating kesa kay Kyo para mas intense ang takbo ng kuwento.

Pero siguro, kaya lumakas at lalong tumataas ang views nitong Quranthings ay dahil na rin kay Kyo, na may 1.87M subscribers sa kanyang eponymous YouTube channel.

NOEL FERRER

Tama kayo, marunong umarte si Royce.

Sayang lang talaga at hindi mapantayan ng kapartner niya sa Quaranthings ang level ng pagganap ng Urian best actor nominee.

Sana, mabigyan si Royce ng mas maraming opportunities para maipakita at malinang pa ang kanyang husay sa ating industriya!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera on competition among Pinoy BL series: “Hindi ko nakikitang karibal or kalaban sila. Kasi, lahat din naman ito, blessings para sa amin. So, suportahan talaga ang nangyayari.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results