Rep. Vilma Santos at iba pang taga-film industry, nagluluksa sa pagpanaw ni Manay Ichu

by PEP Troika
Sep 7, 2020
Rep. Vilma Santos-Recto (left) on Marichu Vere Perez-Maceda: “She’s my second mother, she treats me as part of her family. I am very grateful for all her care, love and support to me."
PHOTO/S: Noel Orsal / FDCP Facebook

GORGY RULA

Hinihintay ang pahayag ng pamilya ng film producer na si Maria Azucena Vera-Perez Maceda, mas kilala bilang Manay Ichu, kaugnay sa kanyang pagpanaw nitong Setyembre 7, Lunes ng umaga.

Siya ay 77 taong gulang.

Pero marami na ang nag-post sa social media ng nararamdaman nilang lungkot sa pagpanaw ng isa sa itinuturing na haligi ng movie industry.

Isa sa nagpahayag ng matinding kalungkutan ay ang Star for All Seasons at Lipa City reprsentative na si Vilma Santos-Recto.

Si Congresswoman Vi ang isa sa pinakamalapit kay Manay Ichu, na itinuturing niyang pangalawang ina.

Ipinasa sa akin ng presidente ng Vilma Santos Solid International (VSSI) na si Jojo Lim ang text message ni Ate Vi kaugnay sa pagpanaw ni Manay Ichu.

Aniya, “I am deeply saddened by the loss of Manay Ichu.

“She’s my second mother, she treats me as part of her family. I am very grateful for all her care, love and support to me.

Continue reading below ↓

“I will surely miss you Manay and will continue to pray for the repose of your soul. My heartfelt condolences to her family and the Vera Perez-Maceda family.

“Rest in peace Manay. I love you. (3 heart emojis).”

Nag-post din sa Ate Vi ng mensahe sa kanyang Facebook account.

https://www.facebook.com/vilma.santosrecto.9/posts/1709863235819619

NOEL FERRER

Nagti-text-an pa kami kahit nasa ospital si Manay Ichu. Naghahabilin.

Nagti-text ng mga detalye, “HAPPY KA? BASTA BAHALA KA NA! Ilagay mo sa libro mo lahat ‘yang pinaghirapan namin para may sense of history lahat ng next steps n’yo.”

She would always mention that she will still cook pochero for us ni Direk Perci Intalan in her house.

Hanggang sa makuha ko ang confirmation text from Tita Boots Anson-Rodrigo, na kasamahan ni Manay Ichu sa Mowelfund, “We lost Manay Ichu last night due to cardiac arrest. She was already home on peritoneal dialysis, but with many other complications.

Continue reading below ↓

“She has been sleeping lengthily the past days. Succumbed to cardiac arrest.

“We are planning a Mowelfund tribute bound by Covid guidelines, Noel. We will update you on family plans. Prayers tayo please,” sabi ni Tita Boots.

Manay, I will miss all your kuwentos and habilins. THANK YOU FOR YOUR LOVE FOR ME & FOR OUR INDUSTRY!!!

Wala na akong kasabay mag-birthday sa MMFF Execom kapag Christmas party. Sobrang nalulungkot ako at nakikidalamhati sa pamilya ng mahal nating si Manay Ichu!

JERRY OLEA

Hindi matatawaran ang ambag ni Manay Ichu sa movie industry.

Kinilala siya ng FDCP bilang isa sa mga Ina ng Pelikulang Pilipino. Kaya wagas ang ating dalamhati sa kanyang pagpanaw.

Mananatili kang buhay sa aming puso, Manay Ichu!

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rep. Vilma Santos-Recto (left) on Marichu Vere Perez-Maceda: “She’s my second mother, she treats me as part of her family. I am very grateful for all her care, love and support to me."
PHOTO/S: Noel Orsal / FDCP Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results