Max Eigenmann, unang babaeng naka-kissing scene ni Paolo Gumabao

by PEP Troika
Sep 9, 2020
Paolo Gumabao and Max Eigenmann star in Joel Lamangan's latest movie, Lockdown.
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

JERRY OLEA

Na-break agad ang “ice” sa pagitan nina Paolo Gumabao at Max Eigenmann sa shooting ng pelikulang Lockdown nitong Setyembre 8, Martes ng hapon, sa Cavite City.

Nang magkaharap ang dalawa para ipaliwanag ni Direk Joel Lamangan ang eksenang gagawin, napansin ni Max na bukas ang zipper ng pantalon ni Paolo.

Kinagabihan, habang binubusisi ni Direk Joel ang lighting para sa interior scene, ininterbyu ko na ang 32-anyos na aktres.

Natatakot ang ibang artistang lumabas ng bahay para mag-shooting, lalo na kung may mga maliliit na anak sila. Bakit tinanggap niya ang project na ito?

“Well, kasi the production naman took necessary precautions, e,” mabilis na sagot ni Maxine.

“So, I trust naman that. That’s why I said yes. And of course, I really wanted to work with Direk Joel, and Paolo. Ayun.”

Nakaramdam ba siya ng takot o agam-agam?

“Oo naman. There were thoughts of ... hoping lang talaga, na merong safety precautions. Which there were. The swab test before coming.

Continue reading below ↓

“So, after that, I felt at ease na,” sambit ng premyadong aktres.

Sa ibang TV productions, may social distancing ang confrontations. Dito sa Lockdown, may intimate scene sila ni Paolo. May love scene.

“Yes!” napangiting bulalas ni Max.

“Well, yun nga. Basta, my answer to everything is pretty much the same.

“Noong nalaman ko na meron namang safety precautions, pina-test lahat ng cast and crew, I was kampante na with that. Yun naman ang important for me.”

Natagalan ang pagse-set up ng lighting design, kaya nakapagkuwentuhan sina Max at Paolo.

Bago mag-kissing scene ay sabay silang nag-mouthwash. Tawa nang tawa ang dalawa matapos maghalikan. Hindi nila sukat-akalaing magagawa agad nila nang maayos, na hindi sila maa-awkward.

Lalong natawa si Max nang sabihin ni Paolo na ito ang first woman na naka-kissing scene nito.

Sa digital series kasing Mga Batang Poz (2019) ng iWant, mga lalaki ang kahalikan ng 22-anyos na aktor.

Continue reading below ↓

Max popped Paolo’s cherry, 'ika nga.

NOEL FERRER

Kamukha talaga ng tatay niyang si Dennis Roldan si Paolo Gumabao.

Mukhang mapangahas nga—na nagawa na rin ni Paolo ang kissing scene sa Mga Batang Poz.

It’s a tie sila ni Max dahil matatandaang nagka-kissing scene din si Max with a fellow woman na si Iza Calzado sa pelikulang Distance, na malapit nang ipalabas sa Netflix at nanalo ng Bronze Remi Award sa 54th Houston International Film Festival.

Aabangan natin ang mga bagong ipapkita nila sa pelikulang Lockdown.

JERRY OLEA

Aminado si Max na na-miss niya nang lubos ang pag-arte. Ang huli niyang ginawa ay ang Cinemalaya entry na Kargo, sa direksiyon ni TM Malones.

Nag-lock in shooting sila para sa Kargo noong Marso 1-14 sa Iloilo, bago mag-umpisa ang ECQ sa NCR. Kasama niya sa movie sina Jess Mendoza at Sunshine Teodoro.

Lahad ni Max, “Na-excite ako for the time that I had with my kids. Kasi, I was so busy last year, and the beginning of this year.

Continue reading below ↓

“So, noong nag-lockdown, I was looking forward to make the most of my time with my children.

“Pero hindi ko naman akalain na sobrang tagal! Kasi siyempre, pag lockdown, hindi ka rin makatrabaho, e.

“So, 'yon yung down side. But I didn’t think it would last until September. Siguro, I was thinking, siguro the latest would be June.

"Pero grabe, September na. Level 9 Jumanji na tayo!"

Naapektuhan ba siya ng quarantine emotionally, mentally, or financially?

“Siyempre, lahat naman tayo, apektado financially,” saad ni Max.

“I became more patient, and more grateful also. Kasi, di ba, kahit papaano, until now, even nine months in—I mean, kasi, di ba, parang dumating sa atin ang virus, January, di ba?

“So, nine months in, di ba, the people close to me and my family are still healthy, so I’m grateful. Di ba?”

Walang anxiety attacks si Max.

Aniya, “I do yoga talaga every day. Feeling ko talaga, nakakatulong ‘yon, e. Mentally, ha?

Continue reading below ↓

“It really helps. Yoga every day!”

GORGY RULA

Mas malakas ang dating ni Marco Gumabao kesa kay Paolo.

Sa aktingan na lang magkaalaman kung sino ang mas magaling sa magkapatid.

Okay naman si Paolo sa Mga Batang Poz, pero sana mapiga pa siya ni Direk Joel Lamangan sa Lockdown.

Sabi nga ni Sir Jerry, tiyak na magiging kontrobersiyal ang pelikulang ito.

Pero kung makalusot naman kaagad ito sa MTRCB, at okay na sila sa R-18, baka hindi na ito maglikha ng ingay.

Ang maganda, kung makalusot din ang Lockdown sa international film festivals na balak nilang isali, di ba?

Matagal nang atat na atat si Direk Joel na gumawa ng pelikula. Mabuti na lang, gustung-gusto niya itong Lockdown pagkatapos ma-lockdown nang ilang buwan.

Pero mas mahalaga pa rin ang ating kalusugan. Kaya kailangan talagang mag-ingat nang husto.

Kaya lang, medyo nakunot lang ang noo ko nang nalaman kong may talent fee pa pala riyan ang taga-DOH at IATF na nagbabantay sa shooting.

Continue reading below ↓

Kailangan ba talagang bayaran sila ng produksyon para magbantay lang kung sinusunod ang safety protocols?

Di ba, obligasyon at bahagi ng trabaho nila 'yan? Baka puwedeng linawin iyan ng produksyon kung sinisingil ba talaga sila o kusang ibinibigay lang na parang allowance?

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao and Max Eigenmann star in Joel Lamangan's latest movie, Lockdown.
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results