Young actress, humingi ng PHP100,000 sa ama ng ex-boyfriend?

by PEP Troika
Sep 9, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ang suwerte ng mga artistang nabibigyan ng project ngayong panahon ng pandemya.

Marami pa rin kasi ang walang trabaho at halos nasimot na ang ipon at naghahabol ng mga bayarin.

Kagaya nitong magandang young actress na tinanggap ang guesting sa isang game show para maglaro.

Baka nga naman mag-win siya, malaking tulong yun para sa unpaid bills niya.

Kaya lang, hindi naman siya nanalo. Nagkasya na lang siya sa consolation prize na di naman kalakihan.

Marami ang nakarinig ng sinabi niya sa nanalong young actress na sana ay siya na lang ang nanalo dahil malaking tulong sa kanya ang jackpot prize.

Pero umuwing luhaan si magandang young actress.

Dala ng matinding pangangailangan, kinapalan na niya ang mukha.

Nag-text si young actress sa isang kilalang male celebrity, na tatay ng dati niyang boyfriend. Sinabi niyang nangangailangan siya ng tulong.

Naawa naman ang tatay ng dating boyfriend, ipinarating niya ang text message ni young actress sa kanyang asawa, na kilala rin sa showbiz na mabait at matulungin.

Continue reading below ↓

Kaagad na inayos ng nanay ng dating boyfriend ni young actress ang pagpapadala ng pinansiyal na tulong.

Pinadalhan si young actress ng PHP100,000.

Kahit matagal nang hiwalay ang young actress sa anak ng kilalang celebrity couple, close pa rin ito sa mga magulang ng dating nobyo.

Kaya dito siya lumapit para humingi ng tulong.

Sa pagkakaalam ko, hindi pa rin ito alam ng dating boyfriend. Hindi na iyon ipinarating sa kanya ng kanyang mga magulang.

JERRY OLEA

Noon pa man ay iniintriga si young actress na pera lang ang habol umano sa anak ng kilalang male celebrity.

Hindi maiwasang lagyan ng malisya ang pakikipag-ugnayan ni young actress sa ex-future father-in-law, sa halip na sa hilaw na mother-in-law na mabait din naman sa kanya.

Nawa’y dumiskarte ang young actress na hindi kailangang dumulog muli sa magulang ng kanyang ex-boyfriend.

Kahit ano pa ang ikatuwiran, may naiiwan iyong bad taste.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Hindi ako makapaniwala, pero pilit kong iniintindi ang move ng batang aktres na ito.

Parang bata pa lang siya ay alam na niyang magmaniobra sa buhay. Maabilidad, ‘ika nga!

Ingat lang, Ineng, baka may iba ka pang skills na puwedeng i-develop at pagkakitaan during this pandemic.

Katulad ng nangyayari sa maraming Pilipino, kapit lang!

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results